Isang araw lang na hindi nakabisita si Jaycee, pero katumbas no'n ay ilang buwang pangungulila para kay Cyra.
Hindi gaya noon, madali lang ngayong nakapasok si Jaycee sa loob. Hindi na nito kinailangan pa ng pantunaw ng yelo, dahil hindi na nag-abala pa si Cyra sa pagbalot ng pinto.
Pasalamat na nga lang ang dilag dahil sabunot lang ang kanyang tinamo. Hindi tulad noon na apoy mismo ang kanyang kalaban, na kinakailangan pa niyang gumamit ng kanyang kapangyarihan maprotektahan lang ang sarili.
Still, Jaycee brought with him a medical kit. He knew Cyra's weak state. Hindi tulad ng ibang mga superhuman na may matibay na healing factor, ang kay Cyra ay hindi gaanong active o hindi na ganoon ka-epektibo.
Gising na si Cyra, ngunit hindi na siya ganoon ka-excited sa pagdating ni Jaycee. After learning something from yesterday's encounter, kung noo'y simbolo ng pag-asa niya si Jaycee, ngayon ay hindi na gaano.
Jaycee sat beside her and assessed her condition. May ilan-ilang mga parte sa anit ni Cyra na nakita niyang napilas, na tinapalan na lang nito ng manipis na yelo. Nangiwi siya at binuksan ang kanyang kit. Natigil man ng yelo ang pagdurugo ng sugat ay kailangan pa rin nitong i-disinfect, trabaho niya kasing panatilihing walang anumang impeksyon o sakit ang dumapo sa dilag.
"Bakit hindi ka na lumalaban sa Tita mo?" tanong ni Jaycee. "Noon, ready agad ang powers mo ah? Anong nangyari?"
Nakapatong ang ulo ni Cyra sa tuhod niya at tulala. Kumibit-balikat siya. "Feeling ko dapat ko munang pag-ipunan lakas ko."
"Bakit naman?"
"Para handa ako kapag nagkataong nakalaya o nakatakas na ako."
Jaycee considered her answer.
"Kung sakali palang makawala ka rito, saan mo unang balak pumunta?" tanong nito.
"Hindo ko alam," sabi ni Cyra. "Wala na akong masyadong alam na lugar. Ni hindi ko nga alam kung saan sa Pilipinas itong bahay ni Tita."
Kahit nga ang hitsura ng labas, hindi alam ni Cyra kung ano. Umaasa na lang siya sa nakikita niya sa mga pelikula, ini-imagine ang mga bahay na katabi nila.
"Basta makalayo ako, iyon ang mahalaga," dagdag pa niya. "Gusto mo, sumama ka sa akin?"
At this, Jaycee smiled.
Katunayan, ang kabuuhang tanong sana ni Cyra ay, Gusto mo, sumama ka sa akin? Dahil nagtatago ka rin naman 'di ba? Pero pinigilan niya ang sarili dahil hindi pa naman niya nakukumpirma ang impormasyong iyon. Ayaw niyang iparating na pinaniniwalaan niya agad ang lahat ng lumalabas sa bibig ng Tita niya.
Kaya kinumpirma niya na lang muna ito. "Jaycee," tawag niya, "totoo ba 'yung sinabi ni Tita na pinaghahanap ka ng Pulis?"
Nahinto ang binata sa ginagawa. Somehow he knew Cyra would bring this up. Hindi lang niya alam na ngayon na pala agad.
"Oo," sabi nito.
"Bakit, anong ginawa mo?"
"Kalaban kasi ako ng gobyerno."
Kumunot ang noo ni Cyra.
Jaycee snorted sheepishly. How foolish he was to expect her to understand right away.
"Masama akong tao, Cy."
She blinked.
Though she had a feeling na may atraso si Jaycee, hindi niya inakalang ganoon lang kadaling lumabas ang mga salitang iyon sa binata.
"Pero siguro naman may dahilan kung bakit nasasabi mo iyan?" sabi ni Cyra. "Naniniwala kasi akong walang pinanganak na masama agad. Lahat tayo ay mabuti sa simula."
Jaycee stared at her in amusement. He found her optimistic view on humans a mystery. Base kasi sa pagkakaalala niyang sabi ni Rosanna noon, simula noong mapadpad sina Cyra rito kasama ang ama nito, walong taong gulang na ito. And she was locked here ever since. And with her being 18, it means she's been in here for ten years! A decade! Hindi niya ma-imagine ang sarili na makatagal nang ganoon. And anyone who would be in her place would surely grow hate, but in her case, it's not.
He rubbed his nose and reconsidered on telling her a part of his story.
"May kapatid akong kagaya mo," sabi niya.
"Nakakulong?" tanong ni Cyra.
"Hindi. Katulad mong may kapangyarihan. Sa kanya naman ay apoy."
Gumapang papalapit si Cyra. She always does this upon hearing a story about her kind. "Anong meron?" sabi niya. "Nasaan siya?"
Umiling si Jaycee. Kagat-labi itong napatitig sa malayo. "Wala na siya. Matagal na."
Bumagsak ang panga ni Cyra. "Bakit? Anong nangyari?"
"Roymar ang pangalan niya. Seven years old siya nang magpakita ang apoy sa braso niya. Halos parehas na taon din nang ibalita 'yung insidente sa'yo, pero sa kapatid ko'y sa camping nila iyon ginanap, at sa harap pa ng maraming tao kaya nadakip siya agad ng awtoridad. Sabi nila'y sila na raw muna ang mag-aalaga sa katulad niya dahil sila raw ang mas nakakaalam.
"Ilang taon din ang tumagal nang hindi namin siya nakikita. Alalang-alala na rin kami dahil parang scripted lagi ang sinasabi nila sa amin, na okay lang daw ang kapatid ko, na wala raw dapat ikabahala. Pero kapag hihilingin naman naming makita ito nang personal, hindi nila magawa.
"Hanggang sa may isinumbong 'yung isang kakilala namin, na kawani ng gobyerno. Si Roymar daw ay matagal nang patay. At ayaw lang itong aminin ng mga kinauukulan dahil magdudulot lang iyon ng gulo. Pero iyon nga rin mismo ang nangyari.
"Lumusob agad kami sa pasilidad kung saan dinadala ang mga nadadakip na katulad mo. At kung hindi pa kami gumamit ng dahas, hindi namin makukumpirma na matagal na ngang wala si Roymar." Napakapit siya sa kanyang noo. "Mga hayop. Sinasabak nila ang mga bata sa maraming test. Ginagawa raw nila iyon para matutunan ng mga bata nang tama kung paano kontrolin ang mga kapangyarihan nila. Ayaw na lang nilang aminin na tinatrato nilang armas laban sa ibang bansa ang mga walang kamuwang-muwang na mga batang iyon."
Huminto na sa pagkwento si Jaycee, pero alam ni Cyra sa sarili na hindi pa rin tapos ang kwento.
"Iyon ba ang dahilan kung bakit ka nandito?" tanong ni Cyra.
"Ang alin?"
Hindi alam ni Cyra kung ano ang isasagot. Kung iyong naganap bang paglusob nina Jaycee o kung may ginawa ba silang kasiraan sa gobyerno, o ano. Basta pakiramdam niya ay may hindi pa rin sinasabi si Jaycee na siyang magpapaliwanag kung bakit naririto ito at kasama niya.
"'Di ba nga sabi ko kalaban na ako ng gobyerno?" sabi ni Jaycee.
"Katulad din ba kita? May powers ka rin?"
"Hindi." Hindi mawari ni Jaycee kung paanong sumagi iyon sa isipan ni Cyra.
"E bakit ka nga nagtatago?"
"Dahil kami ang dahilan kung bakit nagkaroon ng gulo sa bansa natin, Cy. 'Yung ginawa naming paglusob noon at iyong pag-ungkat namin ng katotohanan? Nagbunga iyon ng pag-aaklas. At hanggang ngayon ay nagaganap pa rin iyon."
Jaycee turned his head at her, hoping to confirm that she understands.
Pero nang makita niyang gulo pa rin ang mukha nito'y hindi na rin siya nagtaka.
"If you're still thinking Cy kung bakit ako naririto, you're probably assuming something wrong," sabi niya. "Sa nagaganap na laban sa pagitan ng bayan at gobyerno? Ang gobyerno itong nananalo."
BINABASA MO ANG
Cyra Must Become a Villain
FantasyCyra spent most of her life trapped in a dark storage room. She was hidden by her Tita Rosanna from the outside world, starved, and abused. All because she was born with ice powers. Wala siyang ibang hinangad kundi ang makalaya sa mala-seldang mundo...