Chapter Thirteen

547 24 4
                                    

"Ano ibig sabihin ng test?" sabi ni Cyra.

This is the day before Tita Rosanna's friend visits their place. Si Jaycee ay may dala-dalang sampung damit na nabili nito sa ukay at tinatantya kay Cyra kung alin ang babagay dito.

It was such a random question na napahinto saglit ang binata sa pag-alam kung paano nito naisip iyon. Tumingala ito at naghanap ng simpleng salita na sasapat sa lebel ng kaalaman ni Cyra.

Ngunit wala. Kaya naisip na lang nitong ipaalala gamit ang isang pelikulang napanood na nila.

"Naalala mo 'yung Bad Genius?" sabi ni Jaycee. "'Yung may papel silang sinusulatan, ganoon iyon."

Jaycee could have just translated the word in tagalog, but he knew Cyra wouldn't still get it. So he hoped of making her visualize it, kahit pa hindi rin nito naintindihan iyong pelikulang napanood nila.

"Iyon ang ginawa nila kay Roymar?" tanong nito.

Ah, so doon niya pala nakuha ang tanong, sa nangyari sa kanyang kapatid.

"Maraming klase ng test," paliwanag ni Jaycee. "Sa kaso ng kapatid ko, hindi lang iyon sa pagsagot sa papel." Napakamot ito ng ulo. "Hindi ko rin masasabi kung ano talaga ang ginawa nila. But one thing's for sure, they tortured him, they made him use his powers past his limits."

"Para saan?"

"Sinabi ko na sa iyo 'di ba? Dahil balak silang gamiting armas ng gobyerno."

"Alam ko, narinig ko na iyon. Pero bakit? Bakit kailangang gawing armas ang mga tulad namin? Saan nila kami gagamitin?"

"May isa ka pa palang hindi nalalaman," paliwanag ni Jaycee. Inilapag nito ang mga hawak na damit ni Cyra sa tabi. "Ang Pilipinas ang unang nagkaroon ng mga superhuman. Pilipinas lang din ang may pinakamaraming bilang ng kaso nito. At naisip ng Pangulo natin na pupwede nila kayong gamitin bilang source ng kapangyarihan, na kayo ang daan para tayo naman ang makapanakop ng ibang bansa."

"Kalaban ang Pangulo?"

"You might say that from our perspective. But from his supporters, he's doing a heroic thing."

Lumayo ang tingin ni Cyra. It might be too much for her little brain but somehow she's starting to understand everything.

"Why don't we start training?" sabi ni Jaycee.

Tinitigan lang siya ni Cyra.

"Subukan mo ring aralin kung paano kontrolin iyang kapangyarihan mo," anito. "At nang sa oras ng pangangailangan, magamit mo iyan nang wasto."

"Paano? E wala ka namang kapangyarihan tulad ng akin?"

"Pwede ko pa rin namang subukang turuan ka. Iga-guide lang kita kung anong dapat gawin."

Cyra wasn't sure if it was possible. But from the hopeful smile Jaycee gives her, the mist of doubts in her head dispersed.

Inalalay siya ni Jaycee patayo. Inangat nito ang kanang braso niya patutok sa isang nakasabit na katawan ng patay na baboy.

"Anong dapat kong gawin?" sabi niya.

"Subukan mong itanim ang lamig mo sa loob ng puso nito."

Humakbang siya papalapit ngunit hinarangan siya ni Jaycee bago pa makalapit.

"Bakit?" tanong niya.

"Mas maganda kung matutunan mong gawin ito nang malayuan."

"Pero hindi ganoon gumagana ang kapangyarihan ko," sabi niya. "Kailangan kong madama 'yung init ng target ko."

Cyra Must Become a VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon