BE Chapter - 04

297 19 3
                                    

Beyond Elegance: Chapter 4
SERAPHINA BRIELLE DIVINAGRACIA

Tips... From Me?

No, our life is not a murder mystery. Masyado lang talaga kaming mayaman kaya nakakakuha ng mga banta sa mga taong walang magawa and oh, underground syndicates too, like this case.

"Saan mo naman iyan ilalagay?" seryosong tanong ni Kuya Zach sa akin habang nakatingin sa maliit na papel.

"In the nothingness valley where people who made this belongs to," tinupi ko ang sulat at ipupunit na sana kung hindi ko lang nakita ang mga nag-aalala nilang mukha.

"Why are you guys so worried?" I sighed and touched the ends of the paper.

"Alam niyo... ang mga taong kagaya nito, walang magawa sa buhay," dahan-dahan kong nilukot ang papel. Umiling si Divina habang natigilan naman sina River. Evianna, though, is silently fluttering her eyes.

"And why should we be scared? Hindi nga nila magawang harapin tayo at dinadaan lang sa mga sulat. Ano 'to, love letters? Well, they're damn cheap! Kung gusto nilang matakot ako, they should do a bomb scare or what!"

"Zuri..." kumulog ang boses ni Kuya Zach, pinipigilan ang bibig kong magsalita ng mga katotohanan.

"Ugh, amateurs," iritado kong sabi at halos itapon na ang sulat sa sahig. Ang tanging pumipigil lang sa akin ay ang kuryusong tingin ng ibang Elitians, lalong-lalo na kay Privo.

"Seraphina, ano ba? Baka may makarinig sa'yo at talagang totohanin nila."

Inikutan ko ng mata si Divina, "Then let them hear. This has been going on for months now and no one is harmed. Laro lang ang lahat ng ito. Maybe some psycho wanted to scare us or whatever."

"Still, Zuri... you have to be careful of what you wish for," umamba si Evianna na kunin ang sulat kaya mabilis ko itong inilayo sa kaniya.

"And what are you, a genie?"

Tuluyan kong pinunit ang walang kwentang papel sa harapan nila. Evianna was trying to hold herself back to avoid strangling me. Sina River naman ay napabuntong-hininga.

"See? Our problem is done." I smiled at them with my recklessness. Pumalakpak ako at tiningnan ang unti-unting pagkahulog ng papel sa sahig ng korte.

Sakto namang tinawag sina Kuya Zach at River para maglaro ulit sa korte. Bumalik ulit kaming lahat sa mga ginagawa. Evianna didn't surprisingly leave us and head somewhere else where we almost couldn't find her.

Napaisip tuloy ako sa sulat.

After seconds of thoroughly recalling and analyzing the death threat letter I just read, I am deeply concerned about how that syndicate is feeling after I ripped the paper in a very public area.

Note the sarcasm, please.

Inaliw ko na lamang ang sarili sa pagsagot ng assignment namin bukas. While sighing, I opened my book. I didn't want to watch Privo playing Basketball after his second session with that flawless, sexy, and mature girl. Gusto ko munang mag-isip ng mga mas importanteng bagay.

That woman is not worth my time. For all I know, they're probably bed warmers or whatever. Kaya pala magaling si Privo humalik dahil sa babaeng iyon.

Gross!

"Ugh," agresibo akong nagsulat sa aking kwaderno.

"Zuri..."

Natigilan ako sa ginagawang pagmamaktol nang makita ang nag-aalalang ekspresyon ni Desiree.

"What? Anong nangyari sa'yo?"

Beyond Elegance [Divinagracia Series #1] - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon