Seraphina Brielle Divinagracia
15 | Everything and Everything
Huli na pala 'yon... huling oras na parang okay lang ang lahat, na parang walang problema at pagseselos lang ang inaatupag ko. Turns out, it's the start of everything but plain happiness.
Lahat ng pangungulila at lungkot ay lubos na uusbong. Ang pag-alis nila Zach at River sa kolehiyo ay ang pagsisimula ng mabilis na takbo ng oras, kung saan halos mga alaala nalang ang lahat.
"Privo, hey! Kamusta? What are you doing?" Mahina kong utas sa loob ng isang cubicle sa CR.
Inaliw ko muna ang sarili sa pamamagitan ng pagsuri sa relo na ibinigay ni Privo, kung wala ba 'tong ni isang galos. Medyo nakarinig ako ng mga ingay sa kabilang telepono, ngunit mas lumitaw ang pagbubuntong-hininga ni Privo.
["I'm doing a very important project, baby... Sorry, I can't meet up with you. Are you okay, though?"]
Mahina akong napatawa, tinatago ang saglit na pagkadismaya. Ilang araw na niyang ginagawa ang importanteng proyekto na iyan. Kailan ba matatapos?
"Of course, I am. I was just checking up on you. Totoo nga talaga na sobrang busy na ng Senior Year."
He sighed. ["Uhuh, that's true, baby... I wish we could meet up soon. Maybe during the weekends?"]
Ako na naman ang nagbuntong-hininga. Our worlds just don't meet nowadays.
"Sorry, Privo. I need to go somewhere with Zach to check up on our property. Maybe next time?"
["Alright... I'll talk to you later. Tatapusin ko muna 'to."]
"Okay... bye." Maikli kong tugon.
Lumabas na ako sa CR at naghugas ng kamay.
I miss Privo. I miss the time where he would choose me over anything. Kung iisipin ko rin, hindi naman gaanong busy ang third-year college. Fourth-year is, though... so I have to understand.
Hindi ko lang maiwasan magunita ang nakaraang taon na isang tawag ko lang ay makikita ko na si Privo. Ngayon, ilang tawag pa bago niya ako sagutin.
I sighed for the hundredth time. I miss being in second-year college, where everything seemed part of my world.
Lumabas na ako sa banyo para puntahan ang mga pinsan sa canteen. I was walking in the hallways when I saw Dash. Mabuti pa 'to, hindi masyadong busy kahit Senior na.
"Hey, Seraphina. What's with the long face, beautiful? Woke up on the wrong side of the bed?"
Nginitian ko siya. "Maybe on the wrong side of the earth, Dash. Ikaw? How's your new life? Stress-much?" Turo ko sa naglalakihan niyang eye bags.
Tinabunan niya ito at ngumiti.
"Just a new research paper due today and was given yesterday. Apat din na test ngayon sa mga major. Hmm, and I think we'll perform a dance or something for extra points. And I need to pass a report for the club. Oh! And I have to recheck some papers. Quite a stress-free day, Seraphina." Nanghihina ngunit natatawa niyang sabi.
"Oh, wow. Well, good luck, Galeos!" I patted him on the head.
"I think a kiss would be better, beautiful."
Napataas lang ang kilay ko. "Excuse me?"
"I'm joking. Although it would really help m-" Hindi pa siya natapos ay iniwan ko na ito sa pasilyo para gawin ang naudlot na planong pumunta sa Canteen. Lunchtime na ngayon. The time where we all would spend to catch up on each other.
![](https://img.wattpad.com/cover/184098393-288-k106063.jpg)
BINABASA MO ANG
Beyond Elegance [Divinagracia Series #1] - COMPLETED
Romance[COMPLETED] Si Seraphina ay isa lang sa nag-iilan na tagapagmana ng mga Divinagracia. Lumaki siya na may nakasubong ginto sa bawat pagnguya. Sa pag-aaklang na sa kaniya na lahat ay 'di mo aakalaing lubos pala siyang nangangailan ng mas malalim na pa...