Beyond Elegance: Chapter 2
SERAPHINA BRIELLE DIVINAGRACIAYou Want Me
Other than Privo's continuous glances all over my direction, we ate our lunch peacefully while River and Zachariah updated us about the current state of our investments and businesses.
Sa ganitong edad ay may mga pag-aari na kaming mall, banks, shipping lines, jewelry stores, islands, and many other more assets. It all started when we were ten years old. The first generation Divinagracias wanted to train us to be young businessmen like they were.
Nasa gitna ng pag-uusap si River nang sinundot ako ni Desiree sa tiyan.
"Ano 'yan? Bakit basa iyang panyo mo?"
I quickly scanned my skirt where she was looking at and saw Privo's handkerchief peeking out of the pocket.
Bakit nasa akin ito? I thought I gave this back to him a while ago? Oh, no. So, I have to give this back? But it's not an obligation! Pero baka hanapin niya? No, he wouldn't. Marami silang panyo sa bahay. Tsk, bakit? Alam mo, Seraphina? Nakapunta ka ba?
"It's mine, Desiree... nabasa dahil sa juice kanina," pagsisinungaling ko sa pinsan. Inilabas ko ang panyo sa bulsa at ipinakita ito sa kaniya.
"Sa juice? Si Divina naman ang nabasa, ah... at iyong isang babae?" Taka niyang linaw sa buong eksena. Kuryuso ang mga mata ni Desiree at maingat na inoobserbahan ang bawat galaw ko.
I cleared my throat, "Hindi, ibang juice kasi iyong tinutukoy ko."
"Oh, you mean with your new friend near the Mango Juice Dispenser?" pilyo niyang asar sa akin. "Tingin mo hindi ko nakita iyon?"
I rolled my eyes and fixed the handkerchief in place.
"What friend? Nag-uusap lang tapos friends na kaagad? I don't even know his name." Kahit alam ko naman.
A side of me still doesn't want them to know about my childhood mistake of proposing to a supposedly poor man. Nahihiya akong aminin na naawa ako sa mga mahihirap, to the point that I'm willing to offer them marriage for comfort.
Ngumiwi ako bago tinikman ang Rambutan. Hmm, not as bad as my childhood decisions.
Hinayaan na lang ako ni Desiree dahil napansin niyang hindi ako interesado sa paksa. All of our attention was diverted to Zach when he spoke to us about their schedule later.
"May laro kami ni River mamaya sa basketball after classes... five pm. Manood kayo para magkasabay na tayong lahat umuwi."
"What?! Really?!" Napapalakpak ako at biglang nasabik, kagaya rin nila Wyatt.
I have never seen them play. Kapag naglalaro sila sa court namin sa bahay ay busy din kami sa ibang bagay. I sometimes swim or practice archery. They also never invite us during school games so, we couldn't see them play.
"Damn, dude! Sa unang pagkakataon ay mapapatunayan ba naming hambog at matanda lang kayo at 'di talaga magaling?"
Napangisi kami sa biro ni Wyatt. Napailing lang si Kuya Zach habang nakangisi. Ngunit, si River ay napatango kasabay ng paglitaw ng kaniyang pilyong ngiti.
"Mapapatunayan naming kahit ulyanin na ay nakakatakbo pa rin."
"We can shoot, too," nakatangong segunda ni Kuya Zach, parang ginugunita ang mga pagkakataon naganap ito.
"Saan? Papasok sa panty ng mga babaeng fans ninyo?"
"What? That's gross!" Halos mapatili ako sa biro ni Divina. Ngunit, silang lahat ay napahalakhak lang, lalong-lalo na si Kuya Zachariah.
BINABASA MO ANG
Beyond Elegance [Divinagracia Series #1] - COMPLETED
Romance[COMPLETED] Si Seraphina ay isa lang sa nag-iilan na tagapagmana ng mga Divinagracia. Lumaki siya na may nakasubong ginto sa bawat pagnguya. Sa pag-aaklang na sa kaniya na lahat ay 'di mo aakalaing lubos pala siyang nangangailan ng mas malalim na pa...