Seraphina Brielle Divinagracia
40 | Friend
Sa buong biyahe namin ay hindi ako nakapagpahinga. I was busy carrying Atlas in my arms. Hindi naman siya masyadong mabigat kasi malusog at sakto lang siya sa edad.
"Mama..." Utas niya sa akin at hinawakan ang ilang daliri ko.
I smiled at my child. "What is it? Are you hungry already?"
Umiling lang ito at tinitigan pa ako. "Mama, you're very beautiful..." Mahina nitong sabi.
Mahina akong napatawa at tinapik ang ulo nito. His expression remained the same, serious and dumbfounded.
"Baby Atlas, have you been good?"
"Yes, mama." Tinitigan ko ang nakaharap na bata. Nakaupo ito sa kandungan ko.
"Hmm... did you miss mama?"
Tumango ito. "I miss you, mama." Mahina niya akong niyakap.
I took a deep breath when I felt my heart hurting. Nilingon din kami ng chismosong Alvin. Napairap lang ako sa kanya.
"Eyes on the road."
The remaining time I had before we were near Dumanjug, I let Atlas hug me. Ngayon lang kami ganito katagal nagkasama. Abroad, I would always leave him to Angela. I would only wave my fingers at him while he would look at me, leaving the house.
Ngayon, parang ang sarap ng kapit niya sa akin. Even with his little arms and hands, he still tried his best to embrace me tightly.
I love you, Atlas. I'm sorry, baby.
Pagkatapos kong makita ang malaking karatula ng Dumanjug ay dahan-dahan kong kinalas ang yakap namin ng anak ko. Mukhang nakatulog na ito, kakakapit sa akin.
I sighed when I noticed Alvin making his way to park the car in front of a small convenience store. Eight pm na ngayon at 'di pa kami nakakakain. Plano ko sana na samahan pa 'tong si Atlas pumili ng pagkain niya pero tulog pa ito. And I figured it would be better to leave him while he's asleep... para kaya kong umalis.
I've been leaving him so much, it's starting to eat me.
"Alvin, bumili ka muna ng pagkain para sa inyo ni Atlas." Bulong ko habang tinuturo ang store. Tumango lang ito at tahimik na umalis.
While I waited for Alvin, tinitigan ko ng maayos ang natutulog na anak. I traced my fingers on his face and smiled when he flinched a bit. Kahit natutulog ay nakasimangot ito, strikto na strikto... manang-mana sa mga Puertollano. And oh, maybe the Divinagracias too.
Nagbuntong-hininga ako.
Atlas, gusto ko siyang tawagin. Baby, I'm going to leave you again.
Napapikit ako pagkatapos maisip na 'di na tama ito. A tear fell down my eye as I quietly sobbed.
"I'll fix things first, baby. Okay? Wait for Mama... just for a bit." Bulong ko.
Ilang minuto ang lumipas at dumating na si Alvin na may dalang napakaraming plastic. I looked at its contents and saw he bought friendly foods for Atlas. Salamat naman at alam niyang mamili.
"Ms. Seraphina, nagtawag na po ako ng emergency chopper kaya patungo na sila rito." Tumango ako at napasinghap.
"Alvin, should I tell Atlas I'll be back?" Mahina kong tanong sa kasamang bodyguard.
Medyo nagulat ito na tinanong ko siya sa sariling opinyon pero sumagot naman. "O-Opo, Ma'am. Para hindi iyan malulungkot."
Dahan-dahan ay ginising ko ang anak. "Atlas, Atlas... wake up."
BINABASA MO ANG
Beyond Elegance [Divinagracia Series #1] - COMPLETED
Romance[COMPLETED] Si Seraphina ay isa lang sa nag-iilan na tagapagmana ng mga Divinagracia. Lumaki siya na may nakasubong ginto sa bawat pagnguya. Sa pag-aaklang na sa kaniya na lahat ay 'di mo aakalaing lubos pala siyang nangangailan ng mas malalim na pa...