BE Chapter - 33

228 13 4
                                    

Seraphina Brielle Divinagracia

33 | We're Going to Party, Friend

Kahit sinabi nila Wyatt na sa bahay lang kami ngayon para sobrang ligtas, hindi pa rin ako sumunod. I'm not in the mood to follow other people's orders.

"Nandidito na po tayo, Madame." Utas ni Alvin na bagong dating lang sa siyudad pagkatapos masigurado ang kalagayan nina Angela.

Ngayon ay ipinaparada na niya ang dalang sasakyan sa entrada ng mall.

"Huwag mo akong sundan. I'll just text you if I'll go home already. Kapag tatanungin ka ng ni Zach o mga pinsan ko kung saan ako ngayon, sabihin mong tawagan lang ako." I said while fixing my bag and shades.

"Yes, Madame." Tuluyan na akong lumabas sa sasakyan.

Tonight, I will shop until I drop. Literally.

Kani-kanina lang ay okay ako. It felt euphoric to be that close to Privo after a long time. It felt good to model and be praised by a Puertollano. But it doesn't feel good seeing Adalyn there, slightly marking her territory.

The old college girl Seraphina would absolutely drag Privo out of there and confront him I'm jealous. But now, things are different. Iba na ang istorya ngayon.

I have no right at all. At pabago-bago rin ang pagtatrato namin sa isa't isa. But one thing's clear, I still have deep feelings for him. Siya ba, may nararamdaman din para sa akin?

"How much is this?" Inangat ko ang isang Pink na Chanel Cc Logos Hand Bag. They said this is fresh from Japan and it is vintage.

"604,146.18 Pesos, Madame." Tumango ako.

"I'll buy it."

Japan and Vintage? Totally worth it.

Naglibot-libot pa ako sa unang Luxury Boutique na biktima para sa gabing ito. I will channel all my anger to shopping.

Isa lang ang nabili ko sa Hermes. It's a black Calf Leather Collier De Chien Belt worth 90,000 Pesos or something...

Habang naglilibot ako sa Louie Vuitton ay may nakita akong magkasintahan. Maganda naman ang babae. Iyong lalake, siguradong galing din sa may kaya na pamilya. They're young, about 18 and 19 years old. Naalala ko bigla si Privo.

We used to go shopping before in malls I don't own. Palagi niya akong sinasamahan sa pagbibili ng mga gusto ko. He would allow me to buy whatever, but he would ask me if I really need it and if years would pass will this still look precious in my eyes.

Lahat naman ay maganda kaya ayon, binili ko pa rin.

I remember before too, that Privo would sometimes pay for my expensive things when I'd leave the counter to check out other stuff. One time, he spends millions just for me. Nahiya naman ako ng kaunti. But he told me, it's fine cause I'm Seraphina.

Hindi ko talaga siya naintindihan. But one thing's for sure, those will just stay as memories. Lahat ay nagbabago. And I'm sure this couple will break up.

"I'll get these." Binilhan ko ng mga bag at sapatos ang mga pinsan ko.

I left the LV shop with four ginormous bags. Anim na ang dala ko ngayon dahil sa Chanel at Hermes. Plano ko pa sanang pumunta sa Prada o kaya Givenchy but my hands are getting tired.

Bumili muna ako ng Mango Shake sa isang stall na katapat ng Rolex. Inilapag ko ang mga paperbags sa maliit na lamesa.

I'm busy sipping my drinks when I almost choked after seeing River inside the Swiss Luxury Watch store- Rolex!

Beyond Elegance [Divinagracia Series #1] - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon