Kabanata 4
Dinner Night"Diba ngayon ang photoshoot niyo?" Nakangiting tanong ko kay Code habang nag-aalmusal kaming dalawa. Actually, tanghalian na nga namin ito dahil alas-onse pasado na kami nagising.
"Yup. Diba, pupunta ka rin sa papasukan mong school ngayon?" tumango ako at saka kinagat ang malaking hotdog na nakatusok sa tinidor ko.
Nakita ko naman si Code na umigting ang panga habang nakatingin sa akin.
"What?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"N-Nothing." Inalis niya ang tingin sa akin at saka nagpatuloy sa pagkain. "Siya nga pala, wag ka ng pumunta sa studio mamaya." dagdag niya pa.
Tumaas ang isa kong kilay. "Bakit?" nagtatakang tanong ko, habang patuloy sa pagkain.
Ito yata ang unang beses na hindi ako pinapupunta ni Code sa photoshoot nila. Siguro, may ayaw siyang makita ko.
"Wala ka namang gagawin doon. Baka maboring ka lang." napaka-lame na paliwanag niya.
I will not buy it. I know there's something. Kilala ko si Code, kapag may kung anu-anong activities 'yan, gusto niya na parati akong nandoon para suportahan siya. Kaya hindi ko maiwasang pagtakhan ang tila pagbabawal niya sa akin na pumunta sa studio.
"Pero gusto kong mapanood iyong photoshoot ni---"
"Wag na. Mas maganda kung makikita mo iyon sa mismong lunching."
"Sabagay." sabi ko na lang.
"Hintayin mo na lang ako rito. Tapos, magluto ka ng masarap na dinner para sa atin." nangalumbaba siya at saka ako tinitigan habang nakangiti.
"Anong oras ba ang uwi mo 'non?"
"Siguro mga six or seven. Basta tatawag na lang ako o kaya, itetext kita."
Gamit ang itim na ford mustang ni Code ay hinatid niya ako sa University of Santo Tomas, bandang alas-dos ng hapon. Dito ko kasi balak na mag enrol.
"You sure you don't want me to come with you?" tanong ni Code na nakasuot ng aviator shades, nakatukod ang braso sa manibela at sumisilip sa kanyang puting long sleeve ang kanyang dibdib dahil sa hindi niya pag unbuttoned ng tatlong butones nito sa itaas.
"Malapit lang naman dito ang studio, kayang kaya ko pumunta roon within fifteen minutes. I still have a lot time to be with you." sabi pa ni Code na hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na tumakip sa aking mukha. Ikinawit niya iyon sa likod ng aking tenga.
Malapad na nginitian ko si Code. "Ano ka ba, kayang-kaya ko na 'to. I'm not a kid anymore, Code."
Tinignan niya ang kanyang wrist watch. "I just want to make sure that you'll be alright."
"I am, My love."
Dumampi ang isang palad ko sa kaliwang pisngi ni Code. Kinuha niya naman ito at saka hinalikan ang kamay ko.
"Call me when you get home."
Tumango ako. "Ingat sa pagdadrive and good luck sa photoshoot."
Akmang lalabas na ako nang sasakyan nang hawakan niya ang braso ko.
"Where's my kiss, Persis Neshamah?"
Ngumiti at ako saka mabilis na hinalikan ko sa labi si Code at nagmamadaling lumabas sa sasakyan niya. Leaving him unsatisfied.
Ayaw kasi niya hinahalikan ko siya ng ganoon kabilis. Hindi siya nakukuntento.
Pagbaba ko ng sasakyan ay may ilang estudyante ang namamanghang nakatingin sa kotse ni Code. Ang ilan ay nanghuhusga naman akong tinignan, habang nagbubulong-bulungan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)
General FictionHindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ang pag-ibig na pinagtibay ng mabibigat na pagsubok noon ay muling mawawasak ng panahon. Gagawin ng dalaga a...