Kabanata 29

1.6K 62 4
                                    

Kabanata 29
Bisita


Hinagod ko ng tingin ang sarili ko sa harap ng full length mirror dito sa kwarto ko. V-neck wrapped dress ang isinuot ko. Mapusyaw na berde ang kulay nito at napupuno ng puting floral pattern. Ang haba ay lampas tuhod ng dalawang pulgada. A pale sandy yellowish-brown color, flat sandals naman ang sinuot kong panapak at ang buhok ko'y hindi ko na pinagkaabalahan na ayusin, hinayaan ko lang na nakalugay ito. Wala rin akong gaanong nilagay sa mukha ko. I just put a wine matte lipstick na dark shade of red.

Kuntento na ako sa ayos ko kaya nagpasya na akong lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ng silid ko ay tumunog naman ang cellphone ko na agad kong kinuha sa dala kong shoulder bag.

Tita Araceli...

"Hello? Tita?"

"Persis? I think malapit na kami sa Ashralka. I'll just wanna ask you if there's a nice place at La Solimatra where I can stay?"

"May maliit na hotel po sa centro, tita. Isang oras po ang layo ng La Solimatra dito sa Katibangahan. Why are you looking for a place to stay? You can stay here."

"Nakakahiyang makituloy sa inyo, Persis."

"Tita, hindi ka naman iba sa akin, eh. Manager kita. You can stay in my room for awhile, walang problema sa akin."

"Hindi na. Sa La Solimatra na lang ako tutuloy, anak."

"Kung iyan ang gusto niyo ay hindi ko na kayo pipilitin. Basta, marami ng hotel sa centro ng bayan, tita. Katabi lang halos ng palengke at ilang restaurant. Sabihan niyo ko kapag nakarating na kayo at dadaanan ko po kayo. Papunta rin kasi ako ng La Solimatra."

"Anong gagawin mo roon?"

"P-Pupunta po ako sa mga Bergancia."

"Oh!" kahit hindi ko nakikita, sa tono pa lang ni tita Araceli ay wari nakataas na ang isa nitong kilay at may nanunukso itong tingin sa akin. "Your ex-boyfriend's family. Bakit? Balak mo ng aminin sa kanila ang totoo?"

"Hindi pa po. Gusto ko lang silang dalawin. Kahit na naghiwalay na kami ni Code ay maganda pa rin naman ang ugnayan ko sa pamilya niya. Isa pa, malaki ang utang na loob ko sa kanila sa pagtulong na ginawa nila sa akin noon."

"Kung ganoon ay bakit hindi mo pa sabihin sa kanila ang totoo?"

"Gusto ko sana na malaman muna ni Code ang lahat bago ko sabihin sa kanila. Gusto ko na maging maayos muna kami ni Code."

"O, siya. Baka malowbat na ang phone ko, Persis. Wala akong dalang powerbank. I'll call you later. Napakahaba pala ng byahe rito sa probinsya niyo." tila nagrereklamong sabi pa ng manager ko.

"Sige po, tita."

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang inilalagay ko sa shoulder bag ko ang aking cellphone at nang nasa sala na ako ay nag angat ako ng tingin at nakita ko ang nagtatanong na tingin ni inay sa akin. Nakaupo ito sa sofa at sa tapat niya ay naroon ang crib ni Simplicity, naroon din ang anak ko na nakatayo sa loob 'non, nakahawak sa rails ng crib niya habang seryosong nakatingin sa tv.

"Manager ko po." sagot ko sa mga nagtatanong na tingin ni inay.

Hindi ko naikwento sa kanila na susunod dito si tita Araceli.

"Bakit sumunod siya sa iyo rito?" tila nang-uusisang tanong ni inay.

"Gusto rin daw po kasi niyang magbakasyon. Hindi pa siya nakakarating dito kaya eto ang naisip niyang puntahan."

"Saan daw siya tutuloy?"

"Sa hotel po sa La Solimatra. Nahihiya raw kasi siyang makituloy dito."

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon