Kabanata 21
Contract"Code is back and Downtown will continue their music."
Animo'y nanonood ng laban ni Manny Pacquio ang marami nang maghiyawan ang mga ito sa anunsyong rumehistro sa malaking LCD screen dito sa Bonifacio Global City sa Taguig. Napakatipid lang ng statement na sinabi ni sir Gerry sa harap ng maraming press na nasa tapat ng Rise Records, pero parang nanalo na sa lotto ang mga kababaihang nanonood, sa sobrang tuwa. Actually, hindi lang mga babae ang nakikita kong nagbubunyi, mapalalaki at matatanda ay nakikita namin ang galak sa mukha.
Downtown isn't just a younger generation's favorite band dahil karamihan sa mga nanay at tatay, tito at tita, lolo at lola ay kilala rin sila. They are the all generation's favorite band right now and I must say that, they're the kings of Original Pinoy music today. Hindi mo iyon maitatanggi dahil ang mga awitin nila ang parating maririnig sa radyo at pati sa mga music channel.
"Gwapo pala si sir Gerry sa screen." nakaface mask man ay nauulinigan ko ang pagtawa ani Code habang nakaupo kami sa isang park bench at nakatingala habang pinanonood si sir Gerry sa malaking screen.
"Bakit? Gwapo naman talaga si sir Gerry, huh." dipensa ko sa pang-aasar ni Code at saka kami sabay na tumawa.
Pareho kaming naka-disguise kaya walang nakakapansin sa aming dalawa.
Live na nagaganap ang statement ni sir Gerry and supposedly, Downtown dapat ang sumasagot ngayon sa mga press. Ang kaso ay minabuti talaga nila ni Mr. Frazer na wag munang paharapin ang banda sa press, bilang preparation sa kanilang upcoming album.
Ang plano ni Mr. Frazer at sir Gerry ay uhawin ang mga fans nang sa ganoon ay mas manabik ang mga ito sa banda. Which mean, magiging malimit ang pagpapakita ng Downtown sa publiko. No mall shows, guesting, concert benefits or whatsoever. Para sa banda ay isang nakakaaliw na challenge ang planong iyon.
Masarap yatang makipagtaguan at habulan sa mga paparazzi o media. That's thrilling.
Sa ganoong pakulo ay hindi na kailangang magsinungaling at manloko ng mga tao para lang maging matunog ang pangalan ng isang artist o celebrity. Katulad ng pinaniniwalaan ni Mr. Frazer at Gerry noon.
Napalingon ako kay Code nang kuhanin niya ang kamay ko. Ipinatong niya ang palad ko sa palad niya at saka pinagsalikop namin ang mga daliri namin. Malambing na hinilig ko pa ang ulo ko sa kanyang broad shoulder at niyakap ng malayang kamay ko ang isa niyang braso, bago muling natuon ang atensyon namin sa LCD screen.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa nakikita kong tensyon sa mukha ni sir Gerry na hindi magkanda ugaga sa pagsagot ng mga katanungan mula sa press at sa nakita ko sa mukha ng Downtown manager ay pinakanahirapan siyang sagutin ang katanungan tungkol sa paghihiwalay kuno ni Laarnie at Code.
Iniiwasan nitong makapagbigay ng statement na makakasira sa panig ni Code at Laarnie. Maganda rin naman ang ginawa niyang dahilan na alam kong napagplanuhan na nila marahil ni sir Donald. Manager ni Laarnie.
Ayon kay sir Gerry ay maayos ang naging paghihiwalay ni Code at Laarnie. Desisyon daw nilang dalawa iyon.
At dahil ang pagkakaalam ng lahat ay kahihiwalay lang ni Code at Laarnie, kailangan naming mag-ingat ni Code na wag makita ng media na magkasama, para makaiwas na rin sa panibagong kontrobersya na maaaring gawin ng mga taong makikitid ang utak. Ilang buwan lang din naman ang titiisin namin sa pagtatago and after a months, we can make our relationship public again. No more hiding.
Pagkatapos naming panoorin ni Code ang live interview ni sir Gerry ay malaya na kaming naglakad-lakad sa high street. Maraming tao ngayon dahil sabado, pero kampante kami ni Code na walang makakakilala sa amin.
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)
Ficção GeralHindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ang pag-ibig na pinagtibay ng mabibigat na pagsubok noon ay muling mawawasak ng panahon. Gagawin ng dalaga a...