Kabanata 7

1.3K 53 10
                                    

Kabanata 7
Kiss me


"This is Renzo Arciaga, he's our leader and drummer." pakilala ni Brayden sa lalaking buzz cut ang buhok. Tipid pa nga ako nitong nginitian.

"Eto naman si Ulysses Guirando, our keyboardist." iyong lalaking blonde na may hikaw sa ilong naman ang pinakilala niya sa akin. Kinindatan pa nga ako nitong si Ulysses.

Sa kanilang lahat at ito ang napapansin ko na chikboy. Hindi sa nanghuhusga ako pero nararamdaman ko talaga ang kapilyuhan nito.

"Eto naman si Bimbo Beltran." inakbayan pa ni Brayden iyong isa sa dalawang lalaki na may bigote at balbas. Naka-spike ang buhok nitong isa at mapungay ang mga mata. "Siya ang Lead guitarist namin. And last but not the least," inakbay ni Brayden ang isa niya pang braso, sa lalaking bigotilyo na may balbas at kakaibang hairstyle, fauxhawk yata ang tawag doon. May design iyong gilid ng buhok niya. "This is Napoleon Asturias, siya ang bass guitarist namin."

Napoleon has a deep set of brown eyes and the way he stares on me is very intimating. He doesn't even gave me a smile, he just nod on me.

"And what's your name, miss beautiful?"

Nag-init ang pisngi ko sa malambing na tanong na iyon ni Ulysses.

"I-I'm Persis Buenrostro. Nice to meet you all."

"Persis, do you have a boy----"

"Persis!"

Hindi na naituloy ni Ulysses ang tanong niya nang marinig namin ang tila naninindak na pagtawag ni Code sa akin. Sabay-sabay pa nga namin siyang nilingon, kasama niya ang mga kamyembro niya. Matatalim ang tingin ni Code habang mabilis siyang naglalakad palapit sa akin, halos takbuhin na nga niya ang kinaroroonan ko.

"So, you're with Downtown?" ani Renzo na matalim din na tumingin kay Code.

"Anong kailangan niyo sa girlfriend ko?" tanong ni Code nang makalapit na siya sa amin.

Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha ng Zenith, dahil sa sinabi ni Code.

"G-Girlfriend?" ani Ulysses na nanlalaki ang mga mata habang binubulungan ito ni Brayden.

"Nice to meet you again, Persis. But I think we have to go." ani Renzo na tinapik sa likod ang mga kasama at saka naglakad na sila palayo sa amin. Nililingon pa nga ako ni Brayden at nakangiting kinakawayan.



"Nawala lang kami? Nakipag kaibigan ka na agad, sa kakumpitensya pa namin?" ani Code na naupo na sa tabi ko. Hindi siya nakatingin sa akin, pero nararamdaman ko na galit siya.

"Mukha naman silang mabait at saka, hindi ko rin naman agad nalaman na sila pala iyong bagong banda ng Dream Record Label. Iyong isa sa kanila ang kinukwento ko sa iyo na nakilala ko noong nag enrol ako." paliwanag ko kay Code.

"What?" gulat na nilingon na ako ni Code. "Ibig sabihin, lalaki iyong tinutukoy mong kasama mo nung nag enrol ka? Why didn't you tell me?"

"Hindi mo naman tinanong! Palibhasa masyado kang busy sa photoshoot mo 'non at sa plano niyo ni Mr. Frazer." 

"Mukhang may magkakaroon ng LQ dito, huh." ani Gervin.

Inirapan ko siya at sinamaan naman siya ng tingin ni Code.

Nag-angat kami ng tingin nang dumating si Mr. Frazer, galing sa kung saan. Kanina pa siya hindi matahimik sa kinauupuan niya. "Boys, have you met Zenith? Nandoon sila sa---"

"Yeah, we saw them awhile ago." walang ganang putol ni Code kay Mr. Frazer.

"Kaibigan ni Persis ang isa sa mga iyon." nakangiting sabi naman ni Gervin na muling sinamaan ni Code ng tingin.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon