Kabanata 35

2.4K 99 31
                                    

Kabanata 35
CODE'S POV

Time moves really fast, just like a bullet train. And the more I missed her, the more it gives me pain. No matter how many times I'll look for her, I can't change the fact that Persis and I was over and I feel like the pain that she gave in me, indebly marked not just in my heart and mind but it pierces into my soul.

Why did she have to let go of me at the time when I needed her the most?

Kung gaano ko katapang na pinaglaban siya sa lahat, bakit kailan niya akong bitawan ng ganoon kadali? Na para bang napakahina ko at ang desisyon niyang iyon ang magsasa-ayos ng lahat.

That's bullshit.

Kung sana pinakinggan niya ako, kung sana nagtiwala siya sa akin. Hindi kami hahantong sa ganito.

Isinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko at frustrated na sinabunutan ko ang sarili ko, habang nakasalampak ako sa carpeted na sahig at nakasandal sa bed frame ng kama ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Sa two storey house na nirerentahan namin dito sa california.

Malamlam ang liwanag na nagmumula sa lampshade na nakapatong sa nightstand, ganoon pa man ay natuon ang paningin ko sa itim na hair tie sa wrist ko. 

Tinanggal ko ito at tinitigan sa palad ko at saka ko ito inamoy. Napapikit ako nang samyuhin ko ang amoy 'non. Pumasok sa ala-ala ko si Persis. It's her hair tie and it's impossible not to think of her when It's the only thing I have, that reminds me of her.

I can still smell her smooth and long flame like hair, with the scent of honeycomb that combined with wild vanilla. Her pure sweet aromatic scent still lingers in her evocative hair tie that certainly brought a lot of my memories of her.

I can't let these memories of her cage me, but I know that my heart wants me to keep all the memories I have with her, because even if she hurt me. I still want to remember that she once made me happy.

And I can't deny myself that I still want to hug her tight, kiss her slowly and caress every inch of her body. She's still hunting me everynight, between my sweet dreams and nightmares.

Tumingala ako at ibinagsak ang ulo ko sa kama at muli ay nanumbalik sa akin ang mga masasaya at mapapait na ala-ala.

SUMANDAL ako sa hamba ng pinto sa kwarto ko at tahimik na pinanonood ko si Persis na nakaupo sa ibabaw ng kama at tumutugtog ng gitara.

"Ay mali!" nagkamot siya ng ulo.

Kumunot ang noo ko. Ako ang nahihirapan sa kanya dahil sa buhok niyang nakalugay at tumatakip sa kanyang mukha. May itim na panali akong nakikita sa pulsuan niya, pero lagi ko lang nakikita iyon doon, hindi niya ginagamit. Parati lang naman kasi siyang nakalugay. Halos naging bracelet na lang niya ang hair tie na iyon.

Tumikhim ako na siyang nagpaangat ng kanyang tingin.

"Code, nandyan ka na pala! Kanina ka pa?"

Ibinaba ni Persis ang kanyang gitara at saka nagmamadali siyang bumaba ng kama at niyakap ako. Yakap na para bang nagrecharge ng lakas ko.

Niyakap ko rin siya at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

"Nainip ka ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya at saka tiningala niya ako. "Ang daming magandang palabas sa tv mo, paano ako maboboring?" nakangiting tugon niya.

Hinaplos ko naman ang kanyang buhok at ang ilang hiblang tumakas ay ikinawit ko sa likod ng kanyang tenga.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon