Kabanata 20
ContinuePag-alis ni Mr. Frazer ay tahimik akong naiwan sa rooftop. Sa pag-ihip ng malakas at malamig na hanging panggabi ay pikit mata kong pinuno nito ang aking dibdib. Kasunod 'non ay naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko na nasa bulsa.
Sino ang mag memessage o tatawag sa akin ng ganitong oras? Sa tantya ko ay mag aalas-onse na.
Pumasok sa isip ko si Code. Siya lang ang nakakagawa 'non. Madalas kaming nag-uusap ng napakatagal sa cellphone noong nasa Ashralka pa ako, minsan naman ay sa telepono.
Hinugot ko sa bulsa ko ang cellphone ko at nagulantang nang mabasa ko ang pangalan ni Code.
Code is calling...
Natatarantang sinagot ko ang tawag niya.
"Hello?"
Halos lumundag ang puso ko sa tuwa nang muli ay marinig ko ang banayad at nakakahalinang boses niya.
Nag-alis muna ako ng bara sa aking lalamunan bago ako nagsalita.
"Nicodemus! Nasaan ka bang lalaki ka?!" bulyaw ko sa kanya.
Narinig ko ang malakas na pagtawa niya. "Do you miss me?" malambing nitong tanong.
Nagsisimula ng manikip ang dibdib ko at ang mga luha ko ay unti-unti ko ng nararamdaman sa gilid ng mga mata ko.
"Of course! Kahapon ka pa namin kinocontact. Nasaan ka ba?"
"Nagpapahinga." tipid niyang sagot.
"Nasaan ka?"
"Nasa kama ko." pilosopong sagot naman niya sa akin.
"Umayos ka ng sagot mo, Code! Hindi ako natutuwa sa iyo." pagalit ko ng sabi.
"I miss you, baby."
Parang hinaplos ang puso ko sa malambing na pagkakabigkas niya ng endearment niya sa akin, kaya hindi ako agad nakapagsalita.
"N-Nasaan ka ba kasi, Code?" malambing ko na rin na tanong sa kanya.
"Matulog ka na. Susunduin kita bukas sa school mo. I just called you because I really miss you."
Magsasalita pa sana ako but he ended up his call. Ugh. He doesn't want me to know where he is.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Mag aalas-onse na nga at malakas ang kutob ko na nasa condo na niya si Code ngayon.
Pagpasok ko sa loob ng dorm ay madilim na at naririnig ko na rin ang mahihinang hilik ng mga kasama ko na animo nagpapaligsahan. Iniwasan ko na wag makagawa ng ingay at dahan-dahan akong umakyat sa kama ko at ibinaba roon ang bag ko.
"Persis?" paungol na tawag sa akin ni Jenielyn. "Bakit late ka na naman umuwi?" tanong niya pa.
Sasagot na sana ako pero mukhang nakatulog na rin ulit siya.
Pagkalagay ko nang gitara ko sa gilid ng refrigerator ay tuluyan na akong lumabas ulit ng dorm.
Wala mang kasiguraduhan na nasa condo na nga niya si Code ay sumakay ako ng taxi at nagpahatid ako roon.
Dalawampung minuto lang ay nasa tapat na ako ngayon ng condo ni Code. Ang sabi ng receptionist sa ibaba ay hindi raw niya napansin si Code, pero ang alam niya ay umalis ito kahapon pa ng hapon.
Nasa harap na ako ngayon ng unit ni Code. Umaasa na pagbubuksan niya ako sa oras na kumatok ako rito.
Huminga muna ako ng nalalim at saka nagdadalawang isip na kumatok ako ng ilang beses. Nag-message rin ako sa kanya na nasa tapat ako ng condo niya. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay napabuntong hininga na ako at tumigil sa pagkatok.
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)
Fiksi UmumHindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ang pag-ibig na pinagtibay ng mabibigat na pagsubok noon ay muling mawawasak ng panahon. Gagawin ng dalaga a...