Kabanata 10

1.4K 46 8
                                    

Kabanata 10
Rehearse


"Code, pag-isipan mong mabuti." sabi ko habang ipinagdadrive niya ako patungo sa UST.

"Ikaw lang ang inaasahan ni Don Leonardo. Nandyan nga ang tiya Leticia mo, pero hindi niya kayang pamahalaan lahat ng iyon. Alam ko na hindi madali na pagsabayin ang pagkanta at pamamahala ng mga negosyo niyo, pero sana bigyan mo rin ng pansin iyong hirap at sakripisyo na ibinuhos ng papa mo, para manatiling nakatayo ang legacy ng pamilya niyo. Isipin mo rin na hindi lang pamilya niyo ang matutulungan mo, pati ang daan-daang nagtatrabaho sa niyo." dagdag ko pa.

Marahas na buntong hininga naman ang pinakawakan ni Code habang tahimik siyang nakikinig at nagmamaneho. Hinilot niya pa nga ang kanyang sentido. He's really quiet the whole time.

"Code, I know you have a good heart. Gustong-gusto mo na nakakapagpasaya ng maraming tao. It's so natural to you. Iyong dating mo, pangmasa at alam ko na hindi mo hahayaang mawalan ng trabaho ang----"

"Enough, Persis. I'll think about it. Okay?" tila iritableng saway niya sa akin.

"Sorry." nahihiyang sabi ko. "Did I annoy you?" kinagat ko ang ibaba kong labi habang nakatingin ako sa kanya at hinihintay na magsalita siyang muli.

Huminto ang sasakyan ni Code nang mag red light at kinuha naman niya ang isa kong kamay na nasa hita ko at saka marahan niyang pinisil ito.

"Hindi ako naiinis sa iyo. Medyo napepressure lang ako sa mga sinasabi mo, kaya ayoko na munang pag-usapan natin ang tungkol dyan. Hayaan mo, kakausapin ko sila papa."

Inaalala ko lang naman kasi ang mga taong maaapektuhan kung magpapatuloy ang mga aberya sa planta ng mga Bergancia. Nahihirapan na ang Don na pamahalaan nito and he needed someone that can help him at si Code lang ang may kakayahan 'non, dahil siya ang nag-iisang tagapagmana.

Sandaling nabalot ng katahimikan sa loob nitong sasakyan. Patuloy lang si Code sa pakikipaglaro sa mga daliri ko habang ako naman ay ipinilig ang ulo paharap sa bintana, at mula rito sa loob ng kotse ay natatanaw ko ang malaking billboard ni Code. Nangingibabaw iyon sa lahat ng billboard na katabi nito, iyon kasi ang pinakamalaki. Wala siyang suot na pang-itaas doon. Ang bronze ng balat niya roon na parang kumikinang kinang pa. He's just wearing a ripped jeans at may hawak siyang acoustic guitar. Nang-aakit ang mukha niya roon. Messy but sexy hair, nakaawang ang kanyang mapupulang labi at namumungay ang kanyang mga mata. He looks very sensual.

"Ano bang pakiramdam na nakikita mo parati ang billboard mo?" tanong ko kay Code.

Muling umandar ang sasakyan at mabilis na nawala sa paningin ko ang billboard ni Code dahil sa mabilis pang andar.

"Noong una, nahihiya."

Nilingon ko siya at napangiti. "Nahihiya ka? Bakit naman? Akala ko, hindi marunong mahiya ang isang Code Realonda, napakalakas kaya ng self-confident mo."

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi. "Malakas talaga ang confident ko, pero kapag nag peperformed lang ako. Kasi alam ko, magaling ako roon. Pero pagdating sa mga ganyang bagay... like modeling," napailing-iling siya habang nakangiti. "Tinatakasan ako ng confident."

"Tingin ko naman magaling ka. Sa dami na ng photoshoot na ginawa mo, para ka na ngang professional model ngayon."

"Nasasanay na rin kasi ako. Ngayon nga, masasabi kong confident na rin ako sa harap ng camera. Hindi na ako gaanong tinuturuan ng mga photographers kung anong posisyon ang gagawin ko o kung paano ako mag poproject sa lente nila."

Nangangarap akong napatingin sa kawalan. "Nakakatuwa."

"Ang alin?" dinig ko namang tanong ni Code.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon