Kabanata 17

1.3K 55 8
                                    

Kabanata 17
Hindi na


Dahil masyadong lutang ang isip ko ay nagkamali ako ng hakbang sa tatatlong baitang na hagdan. Narinig ko pa nga na sabay-sabay na napatili ang ilan, nang bumagsak ako sa sahig at magliparan sa ere ang mga mga lyrics na ginawa ko. Nahihilam na ako sa luha habang isa-isang pinupulot ang mga ito. May ilan ang tumulong sa akin na magpulot nito at may isang babaeng journalist ang tinulungan akong makatayo.

"Okay ka lang, miss?" concerned na tanong nito.

Nagpasalamat lang ako sa kanya at saka nagmamadaling tumakbo palayo sa mga ito.

Naupo ako sa walang taong waitingshed. May isang poste sa tabi 'non na siyang nagbibigay ng kakaunting liwanag dito. Pinunasan ko naman ang mga luha ko. Inayos ko rin at tiniyak na kumpleto ang mga lyrics na narito sa folder ko. Lukot na ang ilan sa mga ito at may ilang may bakas ng putik mula sa foot print ng kung sino mang nakatapak nito.

Naninikip pa rin ang dibdib ko at nag-uunahan na namang bumagsak ang mga luha ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na tatanggalin nila akong lyricist pagkatapos kong magpakahirap na gumawa ng lyrics para sa magiging latest album ng Downtown. Siguro nga ay hindi ko naman pinangarap na maging lyricist, pero niyakap ko ang responsibidad na 'to, buong puso kong tinanggap at pinangatawanan, sineryoso ko ito.

Natuto akong mangarap na balang araw ay malalapatan ng tunog ang bawat salitang pinagtugma at binuo ko. Natuto akong bumuo ng imahinasyon sa isip ko kung saan naroon sa isang malaking entablado ang Downtown, bigay todo sa pagtugtog at si Code na kumakanta habang sinasabayan ko ang bawat liriko na binibigkas niya. Liriko na binuo ko, para sa kanila.






"Ang sama nila!" mariin na sabi Brayden.

Ayoko pang umuwi sa dorm ko dahil gusto kong ilabas muna itong sama ng loob ko. Hindi ako makakapag drama sa dorm dahil hindi pa naman ako ganoon kakomportable sa mga kasama ko. Nakakahiya sa kanila.

"Kung ako si Code, hindi ko hahayaang gawin nila sa iyo iyon. Masyado ka nilang minamaliit, Persis. Minamaliit nila ang kakayahan mo." nagtatangis ang mga bagang ni Brayden habang nakatingin siya sa akin, kitang-kita sa mukha niya ang galit pagkatapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyari.

Si Brayden lang kasi ang tanging kaibigang mapagkakatiwalaan ko ngayon at sa kanya lang ako kumportableng maglabas ng sama ng loob, kaya siya ang naisip ko na tawagan upang samahan ako ngayon dito.

Narito kami ngayon sa baywalk. Nakaharap sa kalmadong manila bay at nakaupo sa seawall. Nakakakalma ang hampas ng mahinang alon sa batuhang nasa ibaba. Sumasalubong ang malakas at malamig na hangin sa mukha ko, habang tinatangay nito ang buhok kong nagwawagayway mula sa aking likuran.

"Baka wala pa siyang alam. Kanina ko pa siya sinusubukang tawagan, pero ring lang ng ring ang phone niya." sabi ko.

"Pagsisisihan nila ang ginagawa nilang ito sa iyo, Persis. Anong satisfaction ba ang nakukuha nila at ganyan ka nila kung tratuhin, huh?"

Lalo akong napapaiyak sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha ni Brayden. Para siyang isang nakatatandang kapatid na handa akong ipaglaban. Naaalala ko sa kanya si Robert.

"Patingin nga ulit ng mga lyrics mo."

Inabot ko kay Brayden ang folder.

"Ingatan mo iyan, malakas ang hangin." bilin ko sa kanya.

Maingat na binuklat ni Brayden ang folder at tahimik na binasa ang nakalagay na lyrics sa papel na nasa ibabaw.

"Alam ko na para talaga sa Downtown ang lyrics na ito, pero kung papayag ka...hayaan mo na kami ang mag arrange at gumamit nito."

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon