Kabanata 2

1.9K 69 10
                                    

Kabanata 2
Proud



Hapon na nang makaalis kami ng cebu at lumipad patungong Davao para sa next concert destination ng Downtown. Hindi na namin kasama sina, Joe Robert, Felix at Tyron dahil nag flight na rin sila pabalik ng manila, madaling araw pa lang. May mga kanya-kanyang trabaho na rin kasi ang mga kaibigan kong iyon. Habang ako, heto at laging nakabuntot kay Code.

Gusto ni Code na makasama ako sa bawat concert na gagawin niya sa pinas at dahil wala naman akong talagang pinagkakaabalahan sa buhay, bukod sa pagtulong kay inay at itay na mag tinda ng isda sa palengke. Tinanggap ko na lang ang pabor niya. Gustong-gusto ko talaga siyang makasama. Isa pa, mahirap hindian si Code, lalo na kung hinihingi niya iyon sa akin, habang inaangkin niya ako.

Kung hindi ako kasama ni Code ngayon ay siguradong nasa palengke ako. Mabuti na rin itong ginagawa kong pagsama sa kanya, kasi nagkakapareha rin naman ako.

Bahagi na ako ng mga staff nila at inilalakad din ako ni Code sa producer nila para maging lyricist, kaya lang ay hindi pa naaaprubahan iyon dahil nga masyado silang abala sa concert nila. At saka, usap-usapan din na nagkakaroon na ng bagong producer sila Code dahil may malaking problemang kinakaharap ang producer nila ngayon.

Kung papalarin man akong maging lyricist ng Downtown ay tatanggapin ko iyon ng buong puso dahil isang malaking opportunity iyon, pero kung ako ang tatanungin...gusto ko rin maging isang mang-aawit. Gusto kong naka-duet ulit si Code sa stage. I want to stand in the same position as him.
Iyon ang pangarap ko.

Dream that far from reality. Napakarami na kasing magagaling na solo Artist ngayon. Saan pa ako lulugar sa kanila?

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang bigla kong maramdaman na may mainit na hanging umihip sa leeg ko.

Pagbaling ko kay Code ay nakangisi siya at napakalapit ng mukha niya sa akin.

"Earth to, Persis!" aniya habang nakangiti.

Natatawang hinampas ko naman siya at saka hinagod ang leeg ko.

"Nicodemus! Sabi ko sa iyo wag mo akong hinihipan sa leeg. Alam mong may kiliti ako rito, eh."

"You're spacing out. Just wanna get your attention."

Nasa private plane pa rin kami at narito sa pinakadulong upuan. 

Tumaas ang isa kong kilay. "What do you want?"

"Tinatanong kasi kita kung anong plano mo ngayong magbubukas na ulit ang pasukan? Ang sabi mo kasi sa akin, gusto mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo, diba?"

Mabilis akong napatango kay Code.

Iyon nga pala ang napag-usapan namin ni inay at itay nang saglit kaming umuwi ni Code sa Ashralka, para dalawin si don Leonardo at donya Leticia.

Gusto ng mga magulang ko na mag-aral ako ulit at gusto ko rin naman iyon. Pinagagalitan nga nila ako sa ginagawa kong pagsasama kay Code dahil wala naman daw akong napapala. Wala raw ba akong pangarap sa buhay? Hanggang pagpapaka-fangirl at pagiging girlfriend na lang daw ba ang kaya kong gawin?

"Saan mo balak na mag-aral? Sasamahan kita." ani Code.

Nagkibit balikat ako. "Kung saan ako makakapasa. Gusto kong ituloy ang pagkuha ng architect."

"Whatever you want, Persis. I'll support you. Ipasa mo iyong entrance exam at ako na ang bahala sa lahat." seryoso niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko. "What do you mean?"

"I'll pay all of your expenses. Everything, Persis."

Umiling ako. "H-Hindi mo kailangang gawin iyon."

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon