Kabanata 13
Move out"Hindi kami nag break. Gawa-gawa lang iyan ng mga taong makikitid ang utak." sabi ko kay Brayden at sa ilan kong kaklase bago ko sila nilampasan at naglakad patungo sa upuan ko.
Kunwaring wala akong interest sa sinasabi nila pero buhay na buhay ang kuryosidad ko ngayon. Gusto kong makita ang video at mga pictures na sinasabi nila, although may bahagi ng damdamin ko ang natatakot na makita ang mga iyon.
"Kung hindi kayo nag break, ano iyong ibig sabihin ni Laarnie sa sagot niya nang interviewhin siya kanina ng ilang media?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.
Napabuga ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko naman napanood ang interview na iyon.
"That's enough. Sinabi na nga ni Persis na hindi totoo ang issue. Paniwalaan na lang natin siya." ani Brayden na naupo na sa tabi ko.
Ang mga tao lang naman ang nagbibigay ng kahulugan sa mga bagay bagay and they interpret it in different ways.
"Persis."
Napalingon ako kay Brayden na tila nag-aalala pa rin ang mukha habang nakatingin sa akin.
"Sigurado kang hindi nagchecheat sa iyo si Code?" mahinang tanong niya sa akin.
"Sigurado ako. Pinagluto niya pa nga ako ng breakfast kanina at saka, ang sweet niya pa nga sa note na iniwan niya sa akin." naninindigan kong sagot.
Bumuntong hininga siya at tipid akong nginitian. "Good to know."
"Patingin nga ng video at mga pictures na sinasabi nila. Gusto kong makita."
"A-Are you sure?" tumaas ang kilay ni Brayden.
Tumango ako at nagdadalawang isip na ibinigay naman niya sa akin ang cellphone niya.
Totoo ngang nasa bar si Code at Laarnie at magkatabi sila sa upuan. Makikita sa video na panay ang tawanan at bulungan ng dalawa, panay rin nga ang hampas ni Laarnie sa braso ni Code, hinihilig pa nito ang ulo sa balikat ng boyfriend ko.
Naninikip ang dibdib ko habang pinanonood ko iyon. Ang sweet kasi nilang dalawa at para bang napakalapit na nila sa isat-isa. Kung hindi ako girlfriend ni Code ay iisipin ko talaga na malalim na ang namamagitan sa kanila.
Hindi naman mukhang sila lang ang magkasama sa video, sadyang naka-zoom lang iyon sa kanilang dalawa. Ganoon pa man ay hindi ko talaga mapigilang magselos.
Huminga ako ng malalim at pinipilit na unawain ang napapanood ko. Iniisip ko na lang na gumagawa lang ng issue ang media, lalo na't papalapit na ang tv drama ni Code at Laarnie. Maaari rin na plano ito ng kampo ni Code o kampo ni Laarnie. Magandang publicity nga naman ito para mas lalong umingay ang tambalan nila at mas panabikan ang kanilang papalapit na drama.
Malakas naman ang paniniwala ko na hindi ako niloloko ni Code. Kaya lang, kahit paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na walang relasyon si Code at Laarnie, hindi nawawalan ng puwang ang selos sa damdamin ko. Hindi ko maitatanggi na malakas nga talaga ang chemistry nilang dalawa at saka, sa ganda ni Laarnie...sino bang lalaki ang hindi mahuhulog sa kanya? Lalo na kung parati mo itong nakakasama.
Nakita ko rin ang ilang stolen pictures ni Code at Laarnie sa bar. May mga kuha silang sumasayaw at mayroon din na nakahawak si Code sa baywang ni Laarnie, pero mukhang inaalalayan niya lang naman ito.
Ayokong magpaapekto sa mga nakikita ko. Gusto kong marinig muna ang mga sasabihin ni Code, mga paliwanag niya sa nga larawang kumakalat ngayon sa internet, kasama si Laarnie.
But thinking that the photos and video was taken last night, that means...habang nag-iisa ako sa condo kagabi at hinihintay ang pagdating ni Code, dahil sa pag-aakalang pauwi na siya. Ngayon ay malalaman ko na nagpunta siya sa bar kasama si Laarnie?
BINABASA MO ANG
Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)
Ficción GeneralHindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ang pag-ibig na pinagtibay ng mabibigat na pagsubok noon ay muling mawawasak ng panahon. Gagawin ng dalaga a...