Pucha.
Kanina pa ako nakababad dito sa initan habang naghihintay na may dumaang taxi.
Ang walastik naman talaga ng tadhana. Ngayon pa ako nasiraan ng sasakyan. Kulang na lang, masiraan na rin ako ng bait, e!
Sinilip ko ang oras sa wristwatch ko — 12:30. Isang oras na akong late. Tirik ang araw at amoy pawis na ako.
Tangina naman, natutulog pa sana ako sa mga oras na 'to eh. Gumising ako nang maaga kanina para mag-ayos nang bongga tapos malulusaw lang sa init ang make up ko.
Walang dumadaang taxi, wala rin akong pang data para magbook ng grab. Mukhang wala na talaga akong choice. Kung ayaw kong isipin nila na hindi ako aattend, kailangan ko na talaga humanap ng paraan para makapunta doon.
Tss, ayaw ko naman talaga umattend. Sino ba'ng may sabing gusto ko? Parang tanga lang eh. Ginawa ba naman akong ninang ng ex ko sa binyag ng anak niya.
Punyetang buhay 'to. Hindi pa nga ako nakakapag-move on tapos siya may anak na. At ginawa pa talaga akong ninang, hayop na 'yan.
Kinuha ko ang phone ko sa maliit kong hand bag kung san kaunti lang kasya, sa lagay ko, phone at cash lang ang laman. Ito lang ang bumagay sa suot kong dress kaya ito ang dala ko. Wala akong dalang pang retouch at sobrang haggard ko na ngayon.
Shet! Baka magmukha akong basahan pagdating doon. Dibale, natural na maganda naman ako. Medyo pawis at amoy araw nga lang.
Nagbukas ako ng messenger at minessage ang isang kaibigan. Mabuti na lang at nauso ang free data, hindi pa naman sobra-sobra ang kamalasang dinaranas ko.
To: Neil de Chavez
Hoy, tawagan mo ako sa number ko asap. Emergency.
Hay. Pumasok na lang ulit ako sa loob ng sasakyan ko habang hinihintay ang tawag ni Neil. Bulok, ang init ng aircon. Hindi pa man ako dumadating sa venue, nakakaraming irap na ako dito.
Nang nag ring ang phone ko ay agad kong sinagot.
"Hello, Ten. Nasaan ka na? Nag start na 'yong binyag," pabulong na sabi ni Neil sa kabilang linya. "Sabi na hindi ka sisipot eh. Bitter amputa," tumawa siya nang mahina.
Feeling ko ay nasa loob siya ng simbahan kaya hindi niya malaksan ang boses niya. Buti at naiintindihan ko naman kahit papaano.
"Gago. Nasiraan ako ng sasakyan, walang taxi na dumadaan. I-book mo ako ng grab, wala akong data. Ichachat ko sa'yo location ko.."
Napairap na naman ako for the nth time. Matatanggal na yata 'tong eyeballs ko kakaikot eh.
"Pre, picture na raw. Tara!" rinig ko sa kabilang linya na alam kong hindi si Neil ang nagsabi.