01

25 3 3
                                    

Walang taong perpekto. Lahat ay nagkakamali.


Iyan ang tinatak ko sa utak ko habang nagtatago sa tabi ni Neil.


"Sino ba ang tinataguan mo?!"


Nanlaki ang mata ko dahil sa lakas ng sinabi ni Neil. Gagong 'to, ang laki ng bunganga! Napatingin sa amin ang ibang bisita dahil sa sigaw niya.


Kinurot ko siya sa braso at pinanlakihan ng mata para tumahimik.


Noong nalaman kong hindi pala grab driver 'yong lalaki kanina, lumabas agad siya ng sasakyan at hindi man lang ako hinintay na maiproseso sa utak ko ang kahihiyang ginawa ko. Buti na lang. Kasi hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya!


Oo nga naman kasi at ang tanga ko rin eh. Hindi ko naman siya tinanong kung grab 'yon, basta na lang ako sumakay sa kotse.


Ilang segundo akong nakatanga sa loob ng kotse at noong tuluyan nang nag sink in sa akin ang katotohanan, huminga ako nang malalim at sinampal ang sarili ko. Boba!


Mas lalo lang ako nagkaroon ng dahilan para hindi umattend sa binyag na 'to. Pero kailangan. At nandito na rin ako eh, wala na akong magagawa.


Bumaba ako at laking pasasalamat ko nang agad nahagip ng mata ko si Neil. Nagmartsa ako palapit sa kanya at hinigit siya sa braso.


"Hoy!"


Napatigil siya sa paglalakad dahil sa paghila ko sa kanya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay inunahan ko na siya agad.


"Akala ko ba ibobook mo ako ng grab?!" singhal ko sa kanya.


"Problema mo?" padarag niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Mas matatagalan 'yon eh. Sakto at may inutos sa pinsan ni Macy kaya pinasundo na kita."


Tangina pinsan 'yon ng asawa ng ex ko?! Walang hiya talaga 'to si Neil eh. May point naman siya, nakatipid rin ako. Pero sana naman kasi sinabihan niya ako, 'di ba? 


Inirapan ko lang siya at hindi na sumagot. Ayoko ngang ikwento sa kanya ang ginawa ko. Pagtatawanan lang ako lalo niyan. Baka i-chismis niya pa sa lahat ng makakasalubong niyang kakilala namin. Hay nako!


Ngayon ay magkatabi kami ni Neil. Maraming bilog na lamesa at sama-sama iyong mga magkakakilala. 


Sinabay sa 1st birthday ng baby ang binyag kaya kahit hindi ako umabot kanina, may naabutan pa rin akong celebration.


'Di kalayuan sa simbahan ay mayroong events place kaya hindi nahirapan ang mga bisita sa paglipat ng venue.


Kasama ko sa table ay ang mga high school friends ko. Dahil medyo marami kami, tatlong table ang sakop namin. Hanep nga eh, parang reunion lang. Lol.

Beyond BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon