04

19 2 0
                                    

Note: Dundundundun.. Please bear with this chapter because it's a bit wordy. Anyway, this is where the truth unfolds. Hehe.


--


"Siguro tama 'yong sinabi ng host kanina."


Nandito kami ni kuyang hindi grab driver ngayon sa isang coffee shop 'di kalayuan sa venue. Napansin ko 'to kanina noong papunta kami sa simbahan. Hindi siya kalakihan pero maganda ang ambiance. Mayroong mga upuan sa loob at mayroon din sa likod.


Napili naming dito sa labas pumwesto, maganda kasi ang panahon. 'Tsaka, kung sa loob kami mag-uusap, baka marinig ng lahat ng nandoon ang kwento ko. Mas okay na rito.


Somehow, it gives a garden cafe vibe. Pero hindi naman ganoon karami ang halaman, tama lang para  magkaroon ng design ang labas.


"Alin doon?"


Siya ang naunang bumasag ng katahimikan. Hindi rin kasi ako sigurado kung paano ko sisimulan ang pagkukwento. Buti at nagsalita siya.


"Hmm, childhood sweethearts?" Aniya.


Napatango ako. Oo nga pala, nagbiro ang host kanina. Though, hindi biro 'yon kasi totoo naman. Marami ang tumawa dahil hindi nila alam.


"Leche, sana nga childhood lang, e. Kaso hindi. Almost 20 years!" Exaggerated na saad ko.


Tangina, kung childhood sweethearts lang kami, siguro ay matagal na akong naka-move on. O baka nga hindi man lang ako affected! Pero hindi ganoon ang sitwasyon.


"Oh. So, you're that girl?" Malaman niyang sabi.


'That' girl? Aba, mukhang may nalalaman 'to, ah. Tinaasan ko siya ng kilay na naging hudyat para magpatuloy siya.


He shrugged before he started talking. "Well, hindi naman talaga kami gaanong close ni Macy. Marami kasi kaming magpipinsan. Ang naaalala ko lang, years ago nagyaya siya makipag-inuman sa amin. Wala kaming ideya kung bakit, hindi naman kasi siya nagkukwento, e. Tapos ayon, nalasing. Hindi na kinaya, napakwento rin.." he trailed off. Sadyang hindi ako nagreact kasi gusto kong marinig nang buo ang kwento niya.


".. Tapos, ayon. Nabanggit niya na ayaw nga raw sa kanya ng pamilya ng boyfriend niya kasi may ibang babaeng gusto para sa anak. E, hindi naman namin alam ang buong kwento. Basta iyak siya nang iyak noon. After that day, parang walang nangyari. Pinakilala niya pa sa amin si Christian," he continued.


Tumango-tango ako sa kwento niya. Okay.. Hindi ko naman masisisi ang pamilya ni Christian kasi nga bata pa lang kami, pinagpapares na kaming dalawa. 


"Hmm, siguro nga I'm that girl," tanging nasabi ko na lang.


"There are two sides to every coin. What's your side?"


Sumandal ako sa backrest ng inuupuan ko. I want to feel comfortable habang nagkukwento. This will be the first and last time na sasabihin ko ang side ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon