Kung mayroon man akong isang kahilingan na gustong-gusto matupad.. iyon ay ang sana huwag na matapos ang lahat ng ito.
"Bakit ka nakangiti?"
Bumalik ako sa ulirat nang marinig ang boses niya. Mukhang hindi ko namalayan pero napapangiti na pala ako rito habang nakatingin sa kanya.
"Ha? Wala naman, masaya lang ako kasi kasama kita."
Sinubukan kong sulyapan ang langit para i-appreciate ang ganda nito pero unti-unti pa ring bumabalik ang tingin ko sa lalaking katabi ko.
"Palagi naman tayo magkasama, ah?"
"Kaya nga palagi akong masaya."
Kasabay ng pagtawa niya ang siyang pagbilis naman ng tibok ng puso ko. Siguro, mukha akong nagbibiro pero hindi. Totoong masaya ako tuwing kasama ko siya.
Kahit wala siyang sabihin, kahit wala siyang gawin, sapat na ang presensya niya para maramdaman ko ang tuwa na hindi ko kailanman nararamdaman sa kahit na sino.
"Ten," halos pabulong niyang sabi.
"Hmm?"
"Huwag mo akong iwan, ha?"
Bahagya akong napatigil sa narinig. Madali namang sagutin, hindi ko na kailangan pag-isipan at hindi niya na kailangan sabihin. Tinignan ko siya nang mabuti at nakita ang seryosong hitsura, walang bahid ng pagbibiro.
Siguro ganoon talaga kapag masyadong masaya, hindi mo maiiwasang isipin ang mga posibleng mangyari na makakasakit sa'yo.
Imbis na magsalita ay inabot ko ang kamay niya at sinarado ang kaunting espasyo sa pagitan namin.
Inalis ko ang pangamba niya sa paraang alam ko. Walang salita ang makakatumbas sa kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya pero kaya kong iparamdam 'yon sa isang yakap.
"Mahal kita, Kristen."
Nanlaki ang mata ko noong nagtagpo ang tingin namin pero pinilit kong ibalik sa normal ang reaksyon ko.
Hindi pa ako ready dito! Fuck, mas gugustuhin ko pang iyong pinsan ni Macy na lang ang makaharap ko nang ganito. Okay lang kahit mapahiya ako. Huwag lang 'to.
"P're," tinapik ni Neil ang balikat ni Christian.
Babatiin ko ba siya? Anong sasabihin ko? Congrats.. Happy Birthday... Welcome to the Christian world....