03

19 3 0
                                    

Wala akong ideya sa kung ano ang hitsura ko pero mukhang hindi naging maganda ang reaksyon ko dahil nagtawanan ang mga bisita.


Ano ba ang trip nitong lalaking 'to? Hirap na hirap ako sa kakaisip kung ano 'yong pinapahulaan tapos mali-mali naman pala mga sinasabi niya sa akin.


Akala ko ba gusto niya manalo? Nakaka-stress!


In-announce ng host kung sino ang nanalo at syempre, hindi kami 'yon. Ano pa nga ba? Feeling ko kung inayos lang ng partner ko ang laro, baka may chance kami manalo kahit bobo ako, e. Kaso hindi!


Sinamaan ko ng tingin ang katabi ko at tinaasan niya lang ako ng kilay. Attitude ka, sis?


Walang sabi-sabi siyang umalis kahit na hindi pa naman kami pinapaalis ng host sa harapan. Ewan ko rin kung bakit pero namalayan ko na lang ang sarili kong sumusunod sa kanya.


Pakisabi nga sa akin, bakit nga ulit ako napunta sa sitwasyon na 'to?


Ah, oo. Kasi nasa table namin si Christian at sinubukan kong tumakas pero nahila naman ako sa panibagong problema. Alin ang mas okay? Ewan, siguro mas okay na rin ito.


"Teka, ang bilis mo naman maglakad," reklamo ko dahil hindi naman kami magkasing-haba ng biyas. Ang isang hakbang niya ay pang dalawang hakbang ko na, e.


Nilingon niya ako nang may halong pagtataka sa mukha. "Bakit mo ako sinusundan?"


Hindi ko rin alam! Dapat kasi ay pupunta lang naman ako sa CR pero napasali pa ako sa Pinoy Henyo na 'yan. Ayoko rin naman bumalik sa table namin dahil nga umalis ako doon para umiwas in the first place, 'di ba?


"Nasaan ba 'yong CR dito?" Palusot ko na lang. Tutal ay hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta, edi panindigan ko na lang ang pagpunta sa comfort room.


Bago pa man siya makasagot ay naramdaman kong may humawak sa braso ko. For some reasons, bigla akong kinabahan.


Dumapo ang tingin ko sa kamay na nakahawak sa akin at  unti-unti itong napunta sa mukha ng may-ari ng may kamay.


"Kristen, pwede ka ba makausap?"


Oh, please. May ilalala pa po ba ang araw na ito? Ang lalaking iniiwasan ko ay nandito na naman sa harapan ko.


Sinubukan kong ikalma ang sarili ko. Wala na akong magagawa, nandito na sa harap ko, e. Hindi naman ako pwedeng magpalusot ulit dahil masyado nang halata 'yon.


"Okay.."


Iyon na lang ang tanging nasabi ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakakapit sa akin.


"Ten, I'm sorry," aniya habang diretsong nakatingin sa akin. May kung ano sa mata niya ang hindi ko maintindihan. Lungkot? Awa? Hindi ako nagpatinag.

Beyond BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon