"Nay,tulog na po ako." kauuwi ko pa lang sa bahay pero sa kwarto na agad ang diretso ko.
"Hindi ka ba kakain?" sigaw ni nanay bago ko maisara ang pinto.
"Hindi na po" sagot ko.
Sunod-sunod na mga gawain, nakakapagod. Akala ko makaka relax ako pagkatapos ng prelim pero hindi pa pala. Nagsimulang dumami ang schoolworks namin kasabay pa ng training ko. Isa ako sa varsity ng womens basketball team namin sa school, magkakaroon kami ng ICAAC sa darating na linggo kaya puspos na kami sa training.
Wala na akong pahinga kaya natutulog na lang ginagawa ko sa bahay. Hindi ko narin masasamahan ang mga barkada ko dahil madami din silang gawa ngayon.
Nagkaka-usap parin kami ni will pero madalang na puro kumusta? Goodmorning o Goodnight na lang. Busy ako kaya hindi ko narin napapansin na nagbabago na kami. Pinipilit ko namang kumbinsihin ang sarili ko na dapat hindi ako maapektuhan. Pasalamat na lang talaga na busy ako kaya hindi ko rin iniisip palagi.
Siguro nga mas okay na yun. Yun lang maman talaga ang plano ko nung una. Ang makausap lang siya. Siguro konting linggo na lang talagang mapuputol na ang komunikasyon namin dalawa.
-------------------------------------
"Sige po ma'am salamat po"
matapos kong magpasa ng school works ko diretso na ako sa gym para mag-training."Nakakapagod!" singhal ng mga ka team matapos ang training namin.
Umpisa na ng ICAAC bukas. Isang buong linggong may laban at may kaba. Sana manalo kami ngayon.Nag-aayos pa lang ako ng gamit ko ng may mag-abot sa akin ng gatorade. Si abo.
"Oh! sobra sa team namin kanina" abot niya ng gatorade.
"Bilisan mo diyan! Nasa labas sila,libre daw nila sa labas para i-goodluck tayo" dagdag niya bago lumabas sa gym."Uuuuuuuy!! Sanaol may taga bigay ng gatorade, sanaol may jowang pogi" tukso sakin ng mga kateam ko.
"Barkada ko yuuuun, wag ma issue" pagtanggi ko. Kinuha ko na ang bola ko at nag paalam na sa kanila. Tinutukso parin nila ako bago maka-alis. Kung ang pagbibigay ng gatorade ay basehan nila ng jowa, 'di sana jowa ko na silang lahat.
Paglabas ko ng gym, nasa labas na yung pito.Agad naman akong lumapit at nakipag-apir sa kanila.
"Ambaho mo!"singhal agad sakin ni steven.
"Wag mong amuyin,bobo" pabalik na bulyaw ko din sa kanya.
"Saan niyo ko lilibre?"tuwang-tuwa na tanong ko. Aba libre to! Kailangan sulitin natin.
"Sa labas, fishball" panloloko sakin ni benj.
"Ay! Taraaaaaa!!" agad na akit ko. Alam ko namang hindi fishball ang kakainin namin. Yan pang mga yan! Mga galante.
Naglakad na kami palabas habang nasa gitna nila. Sobrang ingay namin sa hallway kaya pinag titinginan kami ng tao. Puro tawanan, murahan, hambugan at kalokohan lang pinag gagawa namin habang naglalakad. Buti na lang gabi na kaya wala na masyadong prof puro mga players na lang.
Napansin kong tumatakagtak na ang pawis ni abo sa kakatawa kaya binato ko siya ng towel ko.
"Oh! Anong gagawin ko dito" turo niya sa towel na binato ko sa balikat niya.
"Pawis mo! Hindi bagay sayo ang wet look" pang-aasar ko.
Hindi na siya nagsalita at naunang maglakad sa gate. Hindi kami kasya na sabay sabay lalabas. Narinig ko silang nagtawanan sa likod ko pero hindi ko na lang pinansin. Kalokohan lang nila siguro yun.
YOU ARE READING
Make Her My QUEEN 👸
Short StoryKaya ko ang sarili ko, napatunayan ko na yun ng ilang taon. Kaya ko ulit patunayan ngayon.