5

8 0 0
                                    

After new year dalawang magkasunod na paskuhan namin ang pinuntahan namin. Grabe nakakapagod pero sobrang saya. Busog kana, madami ka pang pera. Mas madami nga lang pera yung mga bata kong pinsan.

Mali talaga yung pagbibigay ng aginaldo sa mga bata eh. Baliktad. Dapat mas malaki pag matanda kasi mas kailangan namin ng pera ngayon.

Patulog na sana ako ng mag vibrate ang cellphone ko.

One message from will.

January 3 na pala ngayon siguro nakauwi na siya.

Will : Got home.

Me: Hey! Happy New Year!

Naalala ko hindi ko nga pala siya nabati nung new year kasi binabaan ko siya ng tawag.

Will : little late huh? Masyado ka atang kinilig nung tumawag ako.

Shit! Kapal ng mukha niya! Paano niya nalaman yun?

Me: Tongoo.

Will: HAHAHA. It's okay I'm used to it.

Me: Ha?

Will: Text na nga bingi ka pa.

Me: HAmbog.

Akala naman niya hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Napaka hambog. Pag ito nakita ko lang sa personal tapos hindi naman kakilig kilig pepektusan ko to.

Okay hindi nga pala kami magkikita. Textmate lang Reine. Textmate lang.

Will: K fine. Kung sa ganyan mo matatago ang kilig mo. Iintindinhin kita.

Me: Yeah! Mangarap ka.

Will: Do I have a sexy voice?

Me: Malay ko. Hindi ko masyadong narinig gawa nung fireworks.

Will: Wanna hear it again?

Huh? Anong hear it again. Nag iisip pa ako ng biglang nag flash ang pangalan niya sa screen. Tumatawag siya.
Green or red? Green or red?
Pinatay ko na agad ang tawag. Bago pa ako matempt na sagutin yun

Me: No calls.

Will: why? Baka hindi ka makatulog?
Will: sa kilig?

Me: Baka bangungutin ako sa lalim ng boses mo.

Will: I thought you didn't hear my voice?

Huli. Hindi ba ako nag-iisip. Ano ng idadahilan ko. Napakagat na lang ako ng labi sa katangahan ko.

Me: Matutulog na ako. Paalis kami bukas.
Me: Gnight.

Will: HAHAHAH

Will: Tutulog kana talaga?

Will: ey!

Hindi na nangulit pa si will, siguro akala talaga niya na matutulog na ako. Ayaw ko na ituloy yung usapan namin kasi mahuhuli na niya talaga na narinig ko yung boses niya. Baka asarin pa niya ako lalo.

Kinabukasan pumunta kami nina nanay sa SM para mamili at manuod ng sine. Sobrang pagod ko maghapon kaya nung umuwi kami ng gabi saka ko lang napansin ma may text pala si will kanina.

Will: Ingat.

Binasa ko muna yung text niya bago ako maglinis ng katawan. Pagbalik ko sasagot na sana ako sa text niya pero nakatulog na agad ako nang mapahiga ako sa kama.

-----------------------

Waaaaaaaaaaaaaaaah 2nd Sem !!

Tapos na yung sembreak. YUN NA YON?!

Make Her My QUEEN 👸Where stories live. Discover now