"Whooooooo!! Tapos na ang prelim" sigaw ko pagkalabas ko ng room namin. Tapos na naming sagutan ang last exan namin for prelim. Tiningnan ko ang ibang kaklase ko nasa labas narin at nagdedebate ng mga sagot nila. May ilan sa kanilang may hawak na module at hinahanap kung tama ba naisagot nila kanina.
"Kumusta exam?" tanong sakin ni aira bago niya inakbay sa balikat ko ang kamay niya.
"Bawi na lang sa midterm." Agad na sabi ko. Totoo naman nahirapan ako sa mga exam namin kanina lalo na sa prof Ed na sobrang dami ng basahin.
"Gaga! Sinabi mo na rin yan nung last year" pangbabara niya sakin.
"At sasabihin ko parin ngayon hanggang 4th year" natatawang sabi ko.
"Saan nga pala tayo? Cess kayo ba? Saan kayo? " pagtatanong ko sa mga kaklase ko.
"Uuwi daw sila girl, papahinga utak sa kanila" sagot naman ni aira.
Anong pahinga pahinga? Di uso yun sagot ko sa utak ko. Hindi bale na nga. Chat ko na lang sa gc yung mga kupal.
Lucky se7en
Tapos na kayo mga kupal? Tara kaen!
Send by chanak.Chanak? Binago na naman nila nickname ko ? Beauty na to kahapon ah. Mga Epal.
Agad naman nilang na seen lahat at nagkaisa kaming magtapo na lang sa gate ng school namin.
"Saan ka na punta girl?" hindi ko napansin na kasunod ko pa pala si aira.
"Akala ko uuwi kana?"pagtatanong ko sa kanya.
"Sila ang sabi ko. Sina cess. Hindi ako uuwi ngayon. Sa isang linggo na lang.Ikaw ba pa saan ka?" tanong niya ulit sakin.
"Kakaen kami sa labas ng mga barkada ko,sama ka?" pag-aakit ko kay aira.
"Hindi ba pwedeng sila ang kainin?" pabirong bulong niya.
"Gago! Maaalat yun"agad na bwelta ko bago ko hinila ang buhok niya.
"Natikman mo? HAHAHAHA
Apakadamot mong kaibigan!" pang-aasar niya pa lalo.Wala pang limang minuto ng dumating na ang tatlo naming engineer si kuya kevin,axel at rafa.
Kasunod naman ay baristang si ace.
Accountant na si ash at benj Iisa lang naman sila ng department.Last na dumating ang solo rin sa department nila na si steven. AB History ang course niya.
Hindi ko din talaga alam kung bakit ako pumunta sa education, eh halos magkatulad lang naman kami ni steven ng pinag-aaralan. Sabi na kasing magsama na lang kami kaso nahuli ako nung enrollan naubusan ako ng slot.
"Anong kakainin ?" agad na tanong ni steven pagkadating niya.
Hindi sila agad umimik at tumingin sakin.
"Bakit ako lang tinitingnan niyo?" turo ko sa sarili ko"
"Ikaw daw ang kakainin girl. Rawr!"bulong sakin ni aira pero alam ko namang narinig nila.
"Puta aira tumigil ka. Makakatanggap ka ng uppercut sakin mamaya"pabulong ko din ba sabi sa kanya pero tinawanan lang niya ako.
"Ikaw nag-akit. Ikaw magsabi kung saan." parang wala sa mood na sabi ni ash.
"Wings??" agad na sabi ko at binigyan sila ng malawak na ngiti.
Hindi na sila nagtanong at naunang maglakad samin ni aira papunta sa kilalang kainan ng chicken wings dito malapit sa school namin.Hindi kami sumabay sa kanila at kasunod lang kami ni aira.
"Girl, wala kang bet sa mga yan?"hindi ko na matandaan kung pang-ilang tao na ba ang nagtanong sakin niyan.
YOU ARE READING
Make Her My QUEEN 👸
Historia CortaKaya ko ang sarili ko, napatunayan ko na yun ng ilang taon. Kaya ko ulit patunayan ngayon.