GO KOLEHIYO NG MGA GURO!
GO KOLEHIYO NG MGA GURO!
GO KOLEHIYO NG MGA GURO!
GO KOLEHIYO NG MGA GURO!
GO KOLEHIYO NG MGA GURO!
GO KOLEHIYO NG MGA GURO!GO REINEEEEEEE!!
GO CHANAAAAAK!!Nakakabungog ang sigawan ng mga tao pero lahat ng sigaw ng mga taong importante sa akin ang naririnig ko. Pati boses niya ay paulit-ulit kong naririnig. Kaya ko to. Maraming tao ang naniniwala sakin.
Tumuntong ako sa free throw line, isang puntos na lang para makahabol kami ng team ko. Isang puntos na lang.
Kaunting dribble lang itinira ko na ang bola.
PASOK!!
GO KOLEHIYO NG MGA GURO!
GO KOLEHIYO NG MGA GURO!
GO KOLEHIYO NG MGA GURO!Agad na umingay ang mga ka departamento ko. Tumakbo sa akin ang team at niyakap ako.
Alam kong hindi pa tapos ang laban pero masaya akong nakatulong ako para humaba pa ang laban namin.Kaunting pahinga lang bago mag resume sa overtime. Tila ginanahan ang mga ka-grupo ko at listong-listo sila laro.
Natapos na ang laban. PANALO!!
Agad nagsigawan ang mga crowd at sabay-sabay kaming nagyakapan ng team ko! Nagulat na lang ako ng lumapit na ang mga barkada ko at mga bestfriends ko. Tatlong engineering,tatlong CABHA, isang CAS, dalawang CAM magkaka-ibang department pero nandito lahat para suportahan ako.
Niyakap ako nina alice at nica. Nang bitawan nila ako ay agad naman akong binuhat nina kuya kevin at binuhat sa ere!
"Whooooooo tsamba!!" sigaw nila.
Agad naman akong bumaba para suwayin nila, hindi naman ako ang nagpanalo sa overtime,nakakahiya baka akalain nila malaki ulo ko.
Ang saya ko na buo ang mga kaibigan ko ngayon. Sana bumalik yung gantong panahon, yung kaya naming magsama-sama lahat. Ilang minuto pa lang kami nagsasaya ng maramdaman na namin ang pagka-ilang ng mga tao. Natahimik sina steven at ace kahit isa sila sa mga mang-aasar sakin ngayon.
Nakita ko pang magka tinginan sina steven at nica pero agad din nila itong binabawi.
Pasipol-sipol naman si ace habang si alice naman ay pilit na pinapakitang wala siyang pakialam sa taong nasa harapan niya.
Sayang. Sayang sila.
Naputol ang pagsama-sama namin ng mag-umpisa na ang laban ng mens basketball. Mas maingay na crowd at mas mainit na laban.
Matapos ang huling araw ng ICAAC nagkameron kami ng kaunting pagsasalo ng team. Hay! Tapos na.
Magkakaroon na ako ng pahinga.Nag paalam na ako sa team ko dahil na iisipan na nilang mag bar. Ayaw kong sumama,hindi naman ako sanay sa ganun.
Pagtigil ko ng motor sa tapat ng bahay, laking pagtataka ko kung bakit madilim. 9pm pa lang? Wag mong sabihing tulog na ang mga tao.
Mabilisan kong binuksan ang pinto, kasabay ng pagbukas ko ay pagbukas din ng ilaw. Iniluwa nito ang mga taong importante sakin. May mga lobong CONGRATULATIONS ang nakalagay at may kaunting handa na nakahain sa lamesa.
Kumpleto sila. Ang pamilya ko. Lucky se7en, at ang bestfriends ko.
"CONGRATULATIONS REINE!" sigaw nila nang pumasok ako.
"Parang mga sira, may ganto pala hindi agad nagsasabi" gusto kong maiyak sa tuwa pero pinipilit ko lang itago.
"Ang tagal mo, kanina pa kami dito" agad na sabi ni benj.
Nagsalo-salo kami at matapos kumain ay nagkantahan sa videoke. Hindi mawawala ang alak sa ganitong selebrasyon. Napuno ng kasiyahan ang gabing ito. Alas-onse ng kaunin si alice ng magulang niya kaya si nica na lang kasama ko ngayon.
YOU ARE READING
Make Her My QUEEN 👸
Short StoryKaya ko ang sarili ko, napatunayan ko na yun ng ilang taon. Kaya ko ulit patunayan ngayon.