(ANG SAYA BAGO ANG SAKUNA)
"Tapos siya pa yung maingay sa facebook noon? Puro sharedpost na kesyo niloko ko daw siya tapos wala pang isang buwan tangina pre may jowa na? Miny-day pa!?"
Heartbroken number 5 pag bibilang ko sa isip ko. Siya na ang ikalimang barkada ko na naging sanhi ng kasiyahan ng mga abnormal at sunog baga kong barkada dahil nagpainom. Anong rason? Broken.
Hiwalay na naman talaga sila ng girlfriend niya tatlong linggo na pero ngayon lang siya nag-akit at maglalabas ng sama ng loob.
Can't blame him. Ikaw na nga at naging mali sa mata ng mga tao dahil nag cheat ka daw pero ang ending nakahanap na talaga si ate girl ng bago. Matapos nilang magsagutan ng mga sharedpost sa facebook about faith,love loyalty tapos ganon? May iba na pala? Mali. Maling mali yuuuuuun.
Kumpleto ngayon ang grupo hindi ko alam kung para ba damayan siya o para lang maambunan ng biyayang alak na palibre. Ako? Both. Dadamayan ko siya habang tumatagay ganun dapat.
Kumpleto talaga ang grupo dahil tapos na 1st sem. Christmas vacation/ Sembreak na namin ngayon.
"Ganyan nga mga babae, kunyari sila ang kawawa pero sila din naman yung nakakahanap agad ng iba" sigaw ni Steven sa kusina.
"Wag lahatin! Wala pa isang porsyento ng populasyon ng kababaihan ang nakikilala niyo" sigaw ko pabalik.
Solo kasi akong babae ngayon,well lagi naman. Ako lang lang ata nakakasikmura sa mga kupal na to.
"Bakit ka nagagalit? Babae ka ba?" pang-aasar ni rafael,rafa for short.
"ay mapagpanggap! Mapagpanggap" dagdag ni Abo.
Hindi ko alam pero for almost 8 years naming magbabarkada, hindi na ako napipikon sa mga to pero may mga sitwasyon ding gusto ko na silang putulan ng kaligayahan sa sobrang gigil ko sa kanila.
"tagayi muna at inuugat na yung tagay" bago pa ako makasagot ay napunta na agad atensiyon kay Axel.
So balik tayo sa nag da-drama kong barkada. Ilang beses na yung iba dito na nawalan ng gilfriend pero lima pa lang ang nakikita ko sa kanila na umiyak at literal na broken. Pang lima na nga tong kumag na to. Well hindi pa naman siya umiiyak pero sure ako konting alak at kantahan lang sa videoke bibigay na yan.
Pang lima na siya.
Yung unang kumag na broken si steven na nagluluto ng sopas sa kasalukuyan. It happened nung senior high pa lang kami. ang pinaka hindi ko malilimutan broken scene. Pinagbasa pa niya ako ng letter ng bestfriend ko ( YES BESTFRIEND KO) habang nag-iinuman kami. Grabe ang iyak niya nung gabing yun. Ilang beses siyang nagma kaawa at naghabol pero olats parin.Moment later nag gugulong na siya sa kamotehan habang nag-iiyak hanggang sa dun na siya makatulog. After that hindi na siya ulit naghanap ng girlfriend. SARILI DAW MUNA NIYA.
Yung pangalawa, yung tangero si Axel wala akong masyadong alam sa lovestory nila. One thing I know mag bestfriend sila nung girlfriend niya since grade 4, naging sila nung 3rd year namin. Hindi pa sila nakaka isang taon ng maghiwalay sila nung araw ng JS Prom namin. Umiyak siya nung gabing yun sabi nila ni kuya kevin pero hindi ko na nakita kasi hindi pa naman ako sobrang nagpapa gabi nung mga panahon na yun.Pero ang ironic BESTFRIEND parin sila hanggang ngayon. Nakita ko lang siyang umiyak last year kasi may pinakilala na sa kanya na boyfriend yung bestfriend/Ex-Girlgriend niya. .
Yung pangatlo yung inuugatan na ng tagay si rafa naging barkada narin naming yung girlfriend niya nung senior high kaso di nag work, parehas seloso eh. Unang umiyak sakin yung girl habang kini kwento niya na mahal niya kaibigan ko pero ayaw na niya kasi nasasakal na daw siya. After a week, siya naman umiyak sakin hindi daw kayang mawala si ate girl pero wala eh,nagkaumayan. One thing na gusto ko pag naging kaibigan ko mga girlfriend nila is napapakinggan ko both sides kaya hindi ako nagiging bias. MOVE-ON NA SILA PAREHAS. Ang alam ko may nililigawan na tong bago ngayon.
The fourth. Nasa labas yosi break. Ang isa sa kuya ng grupo. Siya yung pinaka nakakatakot sa kanila. He attempted to suicide last year. Yung relasyon niya yung almost perfect na akala mo sila na talaga magkakatuluyan since highschool kami sila na. They were together for about 7 years. Kasabay ng pagbuo ng grupo namin ang pagmamahalan nila. Akala ko pag maagang lumandi maagap ding matatapos but they proved us wrong. Umabot sila sa college biruin mo yun, yung magkasama na sila mula dugyot days nila hanggang sa nag glow-up pero naghiwalay din. Sa manila kasi nag aral si ate at nakakalungkot na nakahanap siya ng iba. Nasa moving on process padin siya hanggang ngayon. Sila talaga yung pinagtagpo pero hindi tinadhana ansakit. MY OTP.
And itong last.
Si benjie. Benj. Isa rin to sa madaming babae noon. Ang gulo naman kasi talaga nila may relasyon sila pero parehong nag e-entertain parin ng iba. Una pa lang nasa isip ko na maghihiwalay sila kasi ang isip ko landian lang yun walang seryosohan. Nagulat na lang kami nung nagsasagutan na sila sa facebook. Nagtatalo kung sino ang cheater at loyal bahala sila. Pero sure akong mahal ni benjie yung ex niya or hindi niya lang matanggap na nauna si ate girl na makahanap ng iba. Awan hindi ako expert Im LOVELESS.
Sa lahat ng nangyari sa kanila meron daw silang narealize na lagi nila sinasabi pag lasing sila o pag may pinapayuhan sila na katulad nung mga napag daanan nila.
Mamahalin ko muna sarili ko,kasi mali yung sobra ko siyang minahal. Walang natira sakin. - Steven
Wag mong gagawing bestfriend yung gusto mong maging jowa at wag mong jowain bestfriend mo. Tangina. - Axel
Wag kang masyadong mahigpit. Wag mo siyang sakalin The more na hinighigpitan mo siya,the more na gusto niyang kumawala sayo. Kaso Nung pinakawalan ko hindi na bumalik e'. - Rafa
Akala ko siya na, hindi pa pala. -
Kuya kevin
The favorite line of kuya kevin...
"Pag lumipat ng school, wala na finish na, nakahanap na ng iba"5/7
Hindi naman lahat sila malas. Kasi kung itong lima umiyak ng dahil sa babae, may dalawa namang nagpapa iyak ng babae. Mga siraulo!
Ace. The Father of ghosting. Walang jowa na pinakilala samin pero marami na ang nagmy day,bio,header at nag post ng picture nila na magkasama. Ang depensa niya he was just "being friendly". So sobrang sweet at caring niya,naghahatid pa yan. Lagi ding may ka late night talks kaso AS A FRIEND lang pa yun. Kaya ayun dami ng umiyak dito. Lagi ko tong pinagsasabihan na mag seryoso kaso walang nangyayari.
At yung huli. Yung asungot na yun, si abo or ash. Asher talaga pangalan niya pero nakasanayan na namin na abo talaga tawag namin sa kanya. Tunog mayaman daw kasi hahaha. Soccer player at gitarista sa banda ng department nila kaya sikat. Marami ding babae na ang pinaiyak. And depensa? Hindi naman daw siya ang lumalapit at yung mga babae ang nagkukusa. Nagdadala siya ng mga babae minsan pag magkakasama kami yes, MGA BABAE. nirereto niya kasi dun sa lima. Sa dami ng dinala nga lang niya wala ni isa ang naulit na kasama niya. Kung bakit? Hindi ko alam.
At ako? AKO LANG TO.PERIODT
Walang jowa, NBSB, may pumuyat lang noon hindi namam nakatuluyan. Sa ihi lang kinikilig charot sa Kdrama at Wattpad lang. Taga tawa, taga tulak , taga comfort, taga batus, taga tagay. Yun lang talaga.Hindi naman ako ang solong babae sa barkadahan, dalwa kami dito si ate KC yung isa. Actually siya talaga nagpapakilala sakin sa mga to pero ako na lang naiwan kasi umalis siya.
I met them nung first year ako. Napalipat kasi ako ng public nung tumuntong ako ng highschool. Doon ko nakilala si ate KC at lagi na niya akong sinamahan mula noon. Naging malapit naman ako sa kanila kasi lagi niya akong kasama pag kakain sila sa labas ni kuya kevin kasama ang barkada niya. Doon nagsimula ang pagkaka-kaibigan namin hanggang ngayong college. Nakakalungkot lang na wala si Ate KC ngayon dito.
I do have bestfriends before them pero hindi sila kasing laya at kasing layas ko. Nag academy sila nung highschool, private school. Madalang ko na lang sila makasama. Inatuhan ko dati na isama sila dito sa mga kumag na to, pero hindi naging maganda ang resulta.
hashtag#NEVER AGAIN.Kung titigan mo ang mga to. May matangkad, tama lang height, may malaman,fit at payat. May mga talented singer,dancer,player,at gitarista. Matatalino din. Madaming nagsasabi na may mga itsura sila at madalas nilang sabihin sa sarili nila na gwapo sila pero habang tinitigan ko ang grupo ng kalalakihan na to. Pag pinagsama- sama...
Dugyot.
YOU ARE READING
Make Her My QUEEN 👸
Kısa HikayeKaya ko ang sarili ko, napatunayan ko na yun ng ilang taon. Kaya ko ulit patunayan ngayon.