13

1 0 0
                                    

" Ikaw kung umawat ka samin kanina ikaw ang hirap awatin" sermon sakin ni steven.

Hila hila parin nila ako hanggang sa makalayo kami sa plaza.

" Mag te-teacher ka napaka initin ng ulo mo!" napakamot sa ulo na sermon  din sakin ni abo.

Hindi na ako sumagot dahil hanggang ngayon nag-aapoy ang galit ko sa lalaking bastos na yun!

Para magpalamig ng ulo, napilitan kaming bumalik muna sa bahay ni abo  para maligo sa portable pool at kumain.

Nakasalubong pa namin kanina sina andrew boyfriend ni nica, hindi sila magkasama. Inasahan ko na yun kasi hindi naman talaga hilig ni nica ang sumama pag may ganitong event. Kahit kami isang beses lang namin siya napilit sumama.

Si Alice naman hindi pwede ngayon, bawal siyang magpasunog masyado ng balat para sa sasalihan niya na pageant. Isa kasi siya ngayon sa kalahok ng Mutya ng bayan namin. Sa aming tatlo, si alice  ang laging lumalaban sa mga beauty pageants. Hindi na yun maipagkakaila dahil maganda naman talaga si alice.

Napaaga narin ang inuman namin ngayon kasi maagpa rin kaming bumalik. Maya-maya na lang ulit kami pupunta sa plaza at maglilibot para masulit namin ang buhusan.

Tapos na kaming mag tanghalian nang buksan ko ang cellphone ko. Agad kong binasa ang message ni will sakin.

Will: I'm here.

"I"m here?" basa ko sa text niya. Anong sinasabi nito? Dahil tinatamad akong magtext at basa rin naman ang kamay ko,tinawagan ko na lang siya.

Isang ring pa lang pero agad naman niyang sinagot.

"Hoy! Ano sinasabi mo?" bungad ko sa kanya. Rinig ko ang ingay ng mga karatig niya parang may mga nag-iinuman at malakas din ang sounds.

"Kanina pa ako nandito, I want to see you"  tama lang ang pagkakasabi niya pero hindi ko masyadong marinig dahil sa ingay.

"Ha?" naguguluhang pa ding tanong ko.

"I'm here. Intayin kita sa may tagiliran ng simbahan, malapit sa foodcourt. Malapit lang dito place namin" dahan-dahang sabi niya.

"Sino niloko mo?" bakas sa boses ko ang pagtataka pero kumikilos narin ako para maka-alis.  Ito pag naghahambog talaga, masusuntok ko to.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya, siguro dahil hindi ko siya pinapaniwalaan.

"Iintayin kita" yun lang ang pinatay na niya ang tawag.

Para naman akong bulate na sinabuyan ng asin sa pagmamadali dahilan kung bakit ko naagaw ang atensyon nung pito.

" Saan ka?" tanong sakin ni axel. Lahat sila ay nagtatanong narin ang itsura. Binigyan ko sila ng pilit na ngiti.

"May pupuntahan lang" pasigaw na sabi ko at umalis na. Parang akong kasali sa marathon sa bilis ng takbo ko. Nang isang kanto na lang saka ako naglakad. Pinipilit kong maging kalmado para hindi halatang excited ako.

Makikita ko na siya. Makikita ko na siya. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.

Pagdating ko sa sinabi niyang lugar agad kong nilibot ang paningin para hanapin siya.

"Hays hindi ko nga pala alam ang itsura niya" sa dami ng tao ngayon dito, paano ko siya makikita.

May limang minuto narin akong naghahanap hangga't maaari ayaw ko siyang tawagan. Gusto kong mahanap ko siya base lang sa pakiramdam ko.

Pwede ba yun? Natatawa na lang ako sa iniisip ko. Puro mga grupo ng mga kababaihan o kaya kalalakihan ang mga nakikita ko kaya hindi ako lumalapit sa kanila.

Nang mapagod ako ay napilitan akong umupo sa sementadong upuan na katapat ng foodcourt. Naagaw agad ang pansin ko nang makita ko yung lalaking dayo na pinagtitinginan kanina sa plaza. Hanggang ngayon marami pa rin ang babae ang napapatingin sa gawi niya.

Mukha siyang model ng fountain sa porma ng pagkakatayo niya sa tagiliran nito. Naka shades pero panay ang tingin sa cellphone nito na halatang may iniintay.

Nag-iintay din ako pero hindi ako ganun kagandang tingnan, para akong batang iniwan ng nanay sa tabi. Ang unfair!

Napatingin siya sa gawi ko at biglang
naglakad patungo sakin. Kahit nakasalamin siya ay deretsong kong tinitigan ang paglapit niya. Habol tingin naman ang mga babae sa kanya. Walang emosyon ko siyang tiningnan hanggang sa makalapit siya sakin.

"Can I" pagtuturo niya sa bakanteng upuan sa karatig ko.

"Dale" sagot ko at tinanguan na lang siya.

Potato english pa. May kaboses siya pero hindi ko maalala kung sino.

Binalik ko ang tingin sa kanya nang mapansin na hindi pa siya umuupo at nakatingin parin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at

"Akala ko uupo ka?" bakas sa boses ko ang iritasyon. Hindi dahil sa kanya kundi dahil sa mga babaeng hinusgahan na agad ako  base sa tingin pa lang.

Hindi ko na siya pinansin nang umupo siya. Dinampot ko agad ang cellphone ko para i-text si will.

" Hambog " wala sa mood na text ko.

May dalawang minuto na pero hindi parin siya nagre-reply. Nagulat na lang ako sa malakas na tunog ng ringtone ko. Tumatawag siya. Inihanda ko ang sarili ko in case sa sumigaw siya ng 'It's a prank".

"Ano?" pinilit kong pakalmahin ang boses ko pero hindi ko nagawa.

Walang sumasagot sa kabilang linya kaya lalong uminit ang ulo ko. Ibaba ko na sana ang tawag pero nagulat ako sa kamay na pumigil sa kamay ko. Binalingan ko ang lalaking nasa karatig ko, mumurahin o sisigawan  ko na sana siya nang biglang siyang nagsalita sa hawak nitong cellphone.

"Hi" dalawang magkasabay na boses ang narinig ko, isa ang nagmula sa cellphone ko at ang isa ay sa lalaking nakangiti habang diretsong nakatingin sa mata ko.

"Reine" pagpapatuloy niya na hindi inaalis ang paningin sakin.

POTATO.



Make Her My QUEEN 👸Where stories live. Discover now