10 (Gusto kita)

12 1 0
                                    

"Gusto kitang makita"

Kung pwede lang sumigaw kahit madaling araw nagawa ko na. Nakagat ko ang kumot ko para pigilan ang sarili ko.  Wag masyadong madala.

" Kay google ka ba nagpa-translate? Parang mali ah." natatawang sagot ko.

"Anong mali?" tanong niya.

" Parang napa sobra yung gusto kitang makita,hindi ba dapat 'GUSTO KITA' lang" pagbibigay ko ng diin sa gusto kita.

Inaasahan kong mababaliktad ang sitwasyon namin,na siya naman ang tatahimik pero hindi.

"Kaya nga gusto kitang makita para masabi sayo yan ng harapan"

Ayaw magpatalo. Lumalaban si kuya will sa pagpapakilig.

Kung panalo ang team namin kanina mukhang sa kanya talo ako.

"Punta dito. Puro imik" agad ding sagot ko.

"Gusto mo ba?"

"Gusto kita" agad na sagot ko at pinatay na ang tawag.

Kahit pagod at lasing ako nagawa ko pang lumandi. Iba. Tibayyyyy.

----------------------------------------------------------
" HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!" sigaw namin sa bagong gising na si abo.

Sinopresa namin siya ngayon sa bahay nila. Kanina pa kaming alas singko ng umaga dito para mag-ayos.

Bumaba si abo habang tinatanggal pa ang mga muta niya. Ako ang may hawak ng cake na may nakasindi ng kandila.

"Matanda kana abo! Wish! Wish!" sigaw ng mga kupal.

Tiningnan muna niya kaming lahat bago niya hipan ang kandila.

"Baho! 'Di muna nag sipilyo ay!" agad na pang-aasar ko. Wala namam talaga akong naamoy.

" Arte mo!" sabay batok niya sakin.

"Anong wish mo abo? Sana hindi kana torpe?" tanong ni benj at ngumiti ng nakakaloko.

"Yan torpe! Daming babae niyan?!"  agad na bwelta ko.

Sa dami ng babae niyan, saang parte pa yan naging torpe?

"Ingay niyo!" bwelta ni abo sa kanila.

Nag picture taking lang kami bago umakyat si ash sa taas at magbihis.

Nakahain narin ang pagkain. Masarap pa naman spaghetti ni tita,mama ni abo.

Maya-maya lang bumaba na si abo. Nagsimula na kaming magsalo-salo sa mga pagkain na niluto ni tita.  Dumating na rin ang videoke na inarkila namin.

Mukhang mahabang araw na naman ito.

"Bakit ka pa naligo?" tanong ko kay abo.

"Bat ba naliligo ang tao? Palibhasa di relate" pangbabara niya sakin.

"Kalma birthday boy! May pool kasi sa labas. Dala namin" serysong sagot ko. Hindi ko siya papatulan ngayon kasi birthday niya.

Dinala  kasi ni benj yung portable pool nila. Kaya talaga kami maagap para maipunan na agad ng tubig.

Matapos naming kumain ay nanuod muna nd DVD. Masyado pang maaga para mag party.

"Anong palabas?" tanong ni abo.

At dito nagsimula ang gyera. Hindi talaga kami magkaisa sa papanuodin. Si kuya kevin at steven lang ang hindi nakikipag-agawan samin.

Bumagsak kami sa isang indie film na hindi ko na nakita ang pamagat.

Make Her My QUEEN 👸Where stories live. Discover now