11

7 0 0
                                    

" Saang kanto na ba?Nakadaan na daw ba?" muli kong tanong kay alice at nica.

Kanina pa kasi kami nag-iikot sa bayan. Hinahanap namin kung saan lugar na nandun ang mga deboto.

Good Friday ngayon Mahal na Señor at ilan sa mga barkada ko ang uusong. Hindi namin nasimulan ang paglabas nito sa simbahan kaya hinahanap namin kung nasaang parte na ito. Hindi ko rin alam kung nasaan na sina steven, kuya kevin,rafa at benj. Silang apat lang naman kasi ang katoliko sa amin at born again sina axel,ace at abo.

Kasama ko sina nica at alice ngayon, madalang ko silang makasama pag mahal na araw kasi lagi silang may mga Family gathering. Nasa may kanto na kami ng simbahan. Iintayin na lang namin sa dulo ang prusisyon.

" Tumatawag na si mama, pauwi na daw sila" singit ni alice sa gitna ng pag-iintay namin.

Tiningnan ko ang orasan ko at nakitang madaling araw narin naman pala. Medyo malayo ang bahay ni alice kaya lagi siyang kinakaon ng magulang niya. Sayang naman at hindi niya matatapos.

"Uuwi kana?Sige, hatid ka ba namin sa bahay ng lola mo?" pagtatanong ni nica.

"Hindi na,nasa may 7/11 na naman daw sila. Una na ako. Byeeeee!"pagpapaalam niya sakin.

Kami na lang ni nica ang natitira, hindi siya uuwi ngayon kasi kasama din sa uusong ang boyfriend niya,kaya nag-iintay din siya.

May kalahating oras pa kaming nag-intay bago makapasok ang mahal na señor sa simbahan. Nagsimula nang magkagulo ang mga kalalakihan para mag-agawan sa lubid na kukukain nila.

Pumunta ako kami sa may tagiliran ng simbahan para hindi masama sa gulo, ito rin naman ang tagpuan namin taon-taon pag ganitong panahon.

Wala pang sampung minuto ng dumating na ang apat, bitbit ang dalawang pulgadang lubid na paghahatian nila mamaya.

Agad akong lumapit at binigyan sila ng tig-iisang tuwalya. Bitbit ko mula kanina pa. Nakakaawa ang mga itsura nila, tumatagaktak na pawis at sobrang dungis pa. Nakayapak din sila kaya nakikita ang mga dumi at kaunting sugat sa paa.

"Oh! Towel." pag-aabot ko. Agad naman nilang tinanggap yun.

" Tubig nasaaan?" paghahap ni benj.

"Medyo nakapal na kayo masyado, may taga dala na nga ng towel hahanap pa ng tubig?" ani ko habang nakataas ang kilay.

" minsan ka lang bumait, susulitin na namin" asar sakin ni rafa.

Titigas talaga ng mukha nitong mga to. Halos apat na taon na akong ginagawang katulong pag mahal na araw.

"Nasa bag ko, kunin niyo" turo ko sa likod ko at tumalikod para makuha nila sa bagpack ko ang apat na bote ng tubig.

Pasalamat talaga sila dahil nauuto pa nila ako.

Nakita ko kung paano nagulat si steven na makita na nasa likuran ko si nica. Hindi pala nila alam na kasama ko siya.

Nagtitigan silang dalawa ngunit naputol ng may tumawag na kay nica.

"Love!" lahat kami ay napatingin sa sa direksyon ng boyfriend ni nica.

May kasama itong limang lalaki, mga kaibigan niya. Matalim niyang tiningnan ang pwesto namin at tinitigan pa si steven bago bumalik kay nica.

"Tara na!" akit niya kay nica. Niyakap lang niya ako at binulong na lang ang pagpa-paalam niya.

"ay kung isabit ko kaya sa leeg niya itong lubid!" kunyaring asar ni rafa.

Tumawa lang sina benj at kuya kevin, walang kibo naman si steven.

Masakit parin kaya sa kanya na makita silang mag-kasama?

"Oh saan na kayo? " pagbabago ko ng usapan.

"Uuwi na reine, sobrang pagod ngayon." sagot sa akin ni kuya kevin.

Bakas sa mukha nila ang pagod. Para silang naligo sa ulan sa pawis.

"Kuya kevin sabi nga pala niya kanina ingat kayo" patungkol ko kay ate KC. Huli na ang pag-iingat na yun pero gusto ko parin na malaman nila.

"kayo,reine. Ingat kayo. Kaming apat ang tinutukoy niya, normal lang yun bilang kaibigan" malumanay sa sagot niya.

"Sorry,sinasabi ko lang" ilang na sabi ko.

" Ano ba? Wag ka nang mailang pag tungkol kay KC. She's happy now. At okay kami. Wag niyo na kaisipin yun" pagpapalubag loob sakin ni kuya kevin at pinitik ang noo ko.

Naunang maglakad yung apat. Sinulyapan kong muli ang loob ng simbahan. Hindi man ako kasama sa prusisyon. Hindi man ako deboto. Pwede po bang humiling? Sana ibigay niyo po ang hiling ng apat na ito.



Hindi kami nag-aksaya ng oras at
umuwi narin agad. Inabutan pa nila ako ng kaunting lubid at inayos na parang bracelet.

----------------

Kinabukasan abala ako sa pag-aasikaso ng mga susuotin namin para sa festival dito sa aming bayan. Buhusan festival. Naging tradisyon na ng barkada ang magpatatak ng damit. Kung noon ang iisa lang ang kulay at lahat ay t-shirt lang, ngayon ay nagbigay lang kami ng kanya-kanyang shirt. Ako lagi ang punong abala pag may mga ganiyong kaganapan..

"Sige kuya salamat! Sa taon ulit" pagmamaalam ko sa pinagpatatakan namin ng damit.

Nagtataka ako kay will kung bakit mula nung mahal na araw pa nag te-text sakin ng "S.Y" ano yun school year? Lagi ko siyang tintext kung kumusta siya? Ano na? At lagi ko siyang inupdate sa mga nangyayari.
Girlfriend ka ghorl? Pero laging S.Y lang yung sagot niya.

Inisip ko na lang na baka sira ang cellphone niya. Bakit hindi siya bumiling bago? Hayys.

Speaking of the devil.

"Oh? ano yun?" sagot ko sa tawag niya.

"Busy ka?" natatawang tanong niya sa kabilang linya.

"Oo. May inaasikaso akong mga damit S.Y" sarcastic na sagot ko.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya sa sagot ko.

"Ano kayang itsura mo pag galit?" natatawang sagot niya.

"Hindi mo malalaman" maikling sagot ko.

Lumakas lalo ang tawa niya kaya mas lalo kong narinig. Wag kang tumawa at dapat ay galit ako.

"SYT" mahinang sabi niya matapos niyang tumawa.

" Mama mo SYT! Hindi kita gets.
Baba ko na, sasakay na ako ng motor." hindi ko na siya inintay sumagot dahil sa inis ko. Totoo naman paalis na ako ngayon.

Pumunta ako kina abo para tingnan kung ano na na ang nangyayari sa task nila. Sila kasi ang magpupuno ng nung affordable pool at syemre bibili ng drinks.

Nadatnan ko na nangangalhati na ang tubig sa pool at nag marinate narin sila ng barbeque. Naglalaro na ang mga kupal ng ML. Wala na akong balak istorbohin sila kaya pinatong ko lang ang mga damit nila at nag paalam. Papahinga ako ngayon para madaming energy bukas.

LET'S PARTY!!!

LEZZGOOOO BUHUSAN FESTIVAL!










NOTE:

Ang Mahal na senyor ay ginaganap tuwing good friday. If Quiapo has poong nazareno, Lucban has mahal na senyor. Devotees walk barefoot
and had to carry the glass carriage of the Señor on their shoulders.

In the earlier days of the procession, male devotees had to carry the glass carriage of the Señor on their shoulders.After the procession, most devotees struggle to get a piece of the nylon rope used in pulling the carriage, believing pieces of it could cure diseases, bring good luck, protect them from harm, bring good health and deliver miracles.
- Information comes from Inquirer.net. You can search it for more information.


Buhusan Festival are tradition in Lucban,Quezon every easter sunday . It called buhusan because people around the town splashed and poured water to every people on the streets.


Make Her My QUEEN 👸Where stories live. Discover now