12

4 0 0
                                    

" Oo pababa na. Mag-intay!" madalian kong pinatay ang tawag ni steven at sumakay sa motor ko.

Tinanghali kasi akong gumising, ako na lang ang iniitay nila.

"Whooooooo lamig!" sigaw ko. Walang pang dalawang kanto ang natatakbo ko pero basang-basa na agad ako sa buhos ng tubig ng mga tao. Mabuti na lang maalam yung iba at dahan-dahan lang ang pagbuhos ng tubig. Yung iba kasi akala mo water bender kung magbuhos.

Nakarating ako sa bahay nina abo na basang-basa. Nasa labas na sila lahat ng bahay at handang handa na.

"TAGAAAAAL!!" bungad ni rafa.

"PASENSYA!" sabi ko at nagkunyari pang nag bow sa kanila.

" Kung nag hubad ka na lang kaya?" nakasimangot na sabi sakin ni abo.

Lahat sila ay napatingin sa suot ko at agad ding ngumiwi.

Tiningnan ko din ang itsura ko. Wala namang masama. Problema nila.

Naka maong shorts ako na hindi naman kaiklian at nakasando na ginupit ang tagiliran. Kita ang sports bra ko sa loob at ang natitirang maputi sa katawan ko na tiyan. Anong mali dito ay ganun din naman ang suot nila.

"OA tiyan lang ang kita, may mga naka bra nga diyan baka mamaya." sagot ko.

"Ang sagwa kaya, hindi naman bagay" hindi makatingin na sagot ni abo.

"Ayuuuun, pag maganda pwedeng ganito ang pormahan ano? Tara na!!" akit ko sa kanila. Excited na akong pumartyyyy!!

" teka lang!" pagpapaalam samin ni abo at pumasok ulit sa bahay nila. Bumalik din siya kaagad kaya nagsimula na kaming maglakad.

Pare-pareho ang suot namin. Mga sandong gupit ang tagiliran na may tatak na Lucky se7en pero magkakaiba ang kulay at design ng sando.

Parehas itim ang kay steven at kuya kevin, mas fit lang ang suot ni steven kaya mas kita ang laki ng katawan niya.

Maroon naman ang kay ace.
Mint ang kay rafa.

Dark gray ang kay benj, gray ang kay axel.

Pink na sando ang kay abo at kulay itim din ang akin.

Nagsimula na kaming maglakad. Buhos dito, buhos doon. Kaway sa mga kakilala at tagay sa mga madaanang bahay na nag-aalok. Kalahati pa lang ang nalilibot na namin pero ang mga kupal gustong-gusto ng pumunta sa plaza para sa foam party. Mas madaming tao, mas magulo pero mas masaya.

Punong-puno na ng tao ang plaza. Nakapalibot dito ang dalwang fire truck na nagbubuhos ng saganang tubig sa paligid. Malakas narin ang tugtugan.

"Gitna agad!!" akit samin ni benj sa bandang gitna, kung saan maraming babae na sumasayaw. Umaatake na naman mga sakit nila.

Hirap na hirap kaming sumingit para makarating sa gitna. Malapit na sana kami pero hindi naman pumayag ang grupo ng mga babae na makadaan kami.

"Mga ati, makikiraan" malumanay na sabi ko sa kanila pero parang wala parin silang naririnig. Tiningnan ko kung ano ba ang pinagkakaabalahan nila kaya hindi sila maka-usog.

"Picturan mo girl bilis!!" rinig ko pang sabi nung isa sa kasama nila.

Tiningnan ko kung ano o sino ba yung yung kinukuhan nila ng litrato para mabingi sila ng ganito.

Sa paghahanap ko ng tinitingnan nila, nakita ko ang isang grupo ng mga lalaki at babae pero may isang lalaking agaw ang atensyon sa lahat.

Naka black na polo na bukas ang dalawang butones. Naka taas rin ang mahabang buhok nito kahit basang-basa na. Kasing taas siya ni kuya kevin, si kuya kevin ang pinaka mataas samin. Kasing laki ng katawan ni steven, kasing puti ni rafa pero mukhang may aura na katulad ni benj,yung medyo badboy. At malakas ang dating tulad ni ace. Singit ang mata na tulad ni ash.

Make Her My QUEEN 👸Where stories live. Discover now