"Will?"
Lalong lumaki ang ngiti niya bago inabot ang kamay sa akin.
"William Lee" pagpapakilala niya.
"Reine, Alexa Reine Velasquez" tanggap ko sa kamay niya.
What should I do next? Anong sasabihin ko. Kalmado lang ang reaksyon ko pero parang sasabog na ako sa kinatatayuan ko.
Nakita ko na siya at nasa harapan ko na siya ngayon. Ni minsan ko hindi inisip na mangyayari to. Akala ko mananatiling kausap ko lang siya at hindi aabot sa ganito. Pero ngayon nasa harap ko siya at nakangiti pa sakin. Tiningnan ko ulit ang kabuuan niya at hindi ko maitatangging sobrang gwapo niya. He looks matured dagdag mo pa ang tangkad niya. Medyo nahiya ang height ko.
"Akala ko fake yung name na binigay mo" panimula niya nang bitawan niya ang kamay ko.
"It spells R. E. I. N.E not R.A.I.N ikaw din, so totoo yung will?" sagot ko.
"Yes, but I prefer Liam. Will sounds old." napakamot siya sa batok niya.
"Dapat sinabi mo sakin WILL" diin ko sa will at tinawanan lang niya ako.
Kung mag-usap kami akala mo matagal na kaming magkakilala. Iniiwasan ko ang mailang sa sitwasyong ito at nasisiguro kong yun din ang ginagawa niya.
"Tara! Pakilala kita sa mga kaibigan ko" akit niya sakin.
" Sa friends lang? Hina mo naman para kang bata. Dapat parents agad"natatawang biro ko.
"Charot!" pahabol ko dahil hindi nga pala nakakaintindi ng biro to.
" Speed? Relax dadating tayo diyan" nakangising sagot niya. Sabi ko na nga ba, hindi maka gets to.
Dinala niya ako sa bahay ng barkada niya na malapit lang naman sa simbahan at sa plaza. Madami ang nag-iinuman at naliligo kasi may sarili silang foam party at malaki ang portable pool nila. Iba sa mga bisita ay kakilala ko dahil taga dito rin naman sa amin. Ang ilan ay halatang hindi taga dito at turista o dayo lamang.
Lumapit kami sa isang lamesa na may apat na lalaki at dalawang babae. Sila yung mga kasama niya kanina nung nakita ko siya sa plaza. Tumigil sila sa ginagawa nila at tiningnan kami.
"Dude nakakuha ka agad?" bulong ng kaibigan niya pero sapat na para marinig ko.
"Gago! Manahimik ka" pabulong sa sagot din niya.
"Guys Reine nga pala" pagpapakilala niya sakin.
Tuwang-tuwa akong nilapitang nung dalawang babae at nakipagkilala sakin.
"Oh my God! Ang cool mo kanina" sabi sakin nung chinita na tinabihan pa ako.
Hindi ko alam kung saan o kailan ako naging cool pero dahil nahihiya pa ako, isang ngiti lang ang naging tugon ko sa kanya. Tiningnan ko si William at kita kong kausap niya yung lalaking nagsalita kanina parang may pinagtatalunan sila.
"Siya yung Talk to strangers?" sigaw nung kaibigan niya. Tinakpan niya agad ang bibig nito at saka pabirong sinuntok. Kalahating oras pa lang ay nagpapa-alam na ako sa kanila. Hindi dahil naiilang ako. Ang saya nilang kasama, mayayaman sila sa unang tingin pa lang pero hindi nila ipaparamdam yun pag kasama mo sila. Nasisiguro kong mabuti ang set of friends niya kaya alam kong ganun din siya. Kailangan ko lang umalis kasi baka hanapin na ako nung mga kupal.
Kinausap ni william ang mga kaibigan niya at sinabing sasamahan niya ako. Pinilit ko siyang wag na at samahan na lang niya mga kaibigan niya pero nagpumilit siya.
Naglalakad na kami papunta kina ash pero hanggang ngayon nag-iisip pa din ako ng sasabihin sa kanila. Anong sasabihin ko?
Guys si william kaibigan ko o kaya oy! si william nga pala. Shit! First time na mangyayari to. Never akong nagpakilala at magpapakita ng lalaki sa kanila. Dagdagan mo kung ano ang ipapakilala ko sa kanila. Kaibigan? Katext? Kalandian? Hindi ko alam.
"You look nervous? May boyfriend ka ba sa pupuntahan natin?" seryosong tanong niya.
"Wala! Kinakabahan ako kasi alam kong aasarin nila ako" yun naman talaga ang iniisip ko eh.
Para mawala ang kaba ko, nag kwentuhan kami habang naglalakad. Nalaman ko na yung bestfriend pala niya ang may kakilala na taga dito kaya sila naimbita at napunta dito. Sumama daw siya kasi narinig niya na ang lugar pala ay yung sa amin.
Kilig! Chos.Nang makarating kami sa gate nina ash nakailang buntong hininga ako bago kami pumasok.
Hingang malalim.
"GAGO!! Hindi ko trip yun maart--" natigil sila sa pag-aasaran pag ka bungad ko.
Nasa likod ko si william pero kitang kita siya dahil sa tangkad niya. Papalit-palit ang tingin nila sa akin at kay william. Goooooooood! Magsalita kayo.
"Kidnapper ka na ng turista ngayon?" sa wakas ay nagsalita na rin sa rafa.
Lumapit kami sa pwesto nila. At hindi parin nila tinatanggal ang mga titig nila sa amin.
"Si william, chix ko" nakangising bungad ko.
Hindi ko alam kung bakit nalalabanan ko ang hiya ko sa kanila at laging kakapalan ng mukha ko ang pinapairal ko pag kaharap sila. Para bang bawal akong mahiya kasi hindi sila sanay. Ang plano kong maayos na pakilala ay napalitan ng kayabangan. Bakas ang gulat sa mata ni william dahil sa pagpapakilala ko sa kanya pero napangiti din siya.
" Anong ginamit niyang panakot sayo?" seryosong tanong ni steven.
Seryoso siya pero tawang-tawa yung lima. Hindi ko alam kung sasakyan ba yun ni wiliam o seseryosohin niya.
"Hawak daw niya pamilya ko" gulat akong napatingin kay william.
DAPAKK!! SINAKYAN NIYA? Nagtawanan silang lahat pagkasabi niya nun, samantalang ako nag-iisang naka simangot.
Mukhang nadagdagan ng kupal ang buhay ko.
Pinagkakaisahan pa nila ako nang lumabas si abo na may dalang alak. Nilingon namin siyang lahat pero ang paningin lang niya ay nakay william.
"Si william nga pala abo" nakangiting pakilala ko.
Nakita ko ang pagtitig nung anim sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya at pang nag-uusap sila gamit lang ang mga mata nila.
Nawala sa isip ko na mag paalam muna kay abo na may dadalhin ako, kasi bahay nila ang pupuntahan namin. Hindi naman siya nagagalit pag ganun pero medyo nababaguhan ako sa pinapakita niyang reaksyon.
Lumapit sa kanya si kuya kevin at binulungan siya. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya bago kami balingan ulit.
Ngimiti siya hindi sakin kundi kay william. Peke ang ngiti niya alam ko yun pero hindi ko na lang pinansin. Siguro nagulat lang talaga siya na may pinakilala ako sa kanila.
" Tuloy ka pare " nakangiting akit niya kay william bago ako tingnan. Binigyan ko siya ng malalaking ngiti pero pilit na ngiti ang ibinalik niya sakin.
Apakamoody.
Tiningnan ko ang pwesto ni william at masaya siyang kausap ang mga kaibigan ko.
Nakapasok na siya sa mundo ko at hindi ko alam ang gagawin pag nabago pa 'to. Nilabag ko na ang lahat ng rules ko at alam ko na ang kasunod nito.
YOU ARE READING
Make Her My QUEEN 👸
Short StoryKaya ko ang sarili ko, napatunayan ko na yun ng ilang taon. Kaya ko ulit patunayan ngayon.