"Aly!" rinig kong pagtawag ni Perry sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.Umupo siya sa tabi ko nang makalapit na siya sa pwesto ko. Nandito kami ngayon sa study area namin. Dito ako madalas tumambay kapag break time namin.
"Anong ginagawa mo?" sabi niya sabay silip sa sketch book ko. Inilayo ko naman agad sa kanya ang sketch book ko para hindi niya makita kung ano ang dina-draw ko.
"Huwag mo munang tingnan, Perry. Hindi pa ito tapos," sabi ko at nilalayo parin ang sketch book ko sa kanya.
"Bakit ba? Ano naman kung hindi pa 'yan tapos? Para namang ngayon ko lang nakita ang mga gawa mo. Ano ka? Just now?" pakikipagtalo niya pa.
Sa huli sumuko ako sa pakikipag-agawan sa kanya. Ang sakit na rin kasi ng braso ko kakataas ng sketch book ko.
"Wow! Aly, ang ganda naman ng gawa mo! For a nursing student like you. Bakit ba hindi ka sumasali sa fashion contest?" namamangha niyang sabi. Umirap naman ako sa sinabi niya.
"Para namang ngayon mo lang nakita ang mga gawa ko. Ano ka? Just now?" pagbabalik ko ng salita sa kaniya. Umirap naman siya sa'kin at natawa nalang ako.
"Oo nga pala, ininvite ako ni Bhea ng inuman sa third street. Ano? Sasama ka?" tanong niya sa akin.
"Ay, pass muna ako," pagtanggi ko pa. Hindi naman ako masyadong umiinom. Kahit nasa legal age na'ko para uminom, I just choose not to involve myself in alcohol. Sumasama lang ako sa inuman nila dahil walang nagbabantay sa kanila kapag sabog na sila.
"Eh, bakit? Sige na sama ka na, please?" pagpipilit ni Perry sa'kin.
Sa huli pumayag din ako, kasi hindi niya ako titigilan kapag hindi pa ako pumayag na sumama sa kanila. Para na rin may magbabantay sa kanila. Baka mapaano pa sila.
Pagkatapos ng break namin, pumunta na ako sa classroom namin. Iba ang course ni Perry. Business Management ang kinuha niya dahil, siya ang magma-manage ng company nila soon. Ang course ko naman ay Nursing.
Magkaibigan na kami ni Perry simula elementary at nakilala lang namin so Bhea nung high school kami. We chose to go at the same school, para at least nakikita pa namin ang isa't isa sa campus.
Pagkarating ko sa classroom, sakto naman na wala pa ang prof namin. Ilang minuto ang nakalipas nang dumating siya. Nagsimula nang mag-discuss ang prof namin, at ako ay nakikinig lang sa kanya.
Maagang natapos ang klase namin kaya agad akong umuwi sa apartment ko.
My parents decided that I have to learn to be independent and I have to know how to take care of myself. Pero, sila parin naman ang nagbabayad ng tuition ko at nagbibigay din sila ng pera para allowance ko.
Naligo lang ako at nag-toothbrush, nagbihis na rin ako pagkatapos.
I wear a fitted jeans, pink sleeveless crop top paired with a white jacket. I decided to wear white sneakers, kasi mahihirapan akong buhatin sila Perry mamaya kapag maghi-heels ako.
I just let my hair down, pero nagdala na rin ako ng hair tie. I put some light make-up on. Nagdala rin ako ng pepper spray, in case na may bumastos sa amin papauwi.
It's better to be prepared than not, right?
Nang matapos ako, sakto naman na nag-text si Perry na nasa baba na sila. Nagdala lang ako ng clutch bag at bumaba na.
Nakita ko naman ang BMW na sasakyan ni Bhea. Sumakay na ako at pinahururot ni Bhea ang sasakyan paalis at patungo sa Third Street Bar.
Hindi gaanong malayo ang Bar kaya hindi nagtagal ay nakarating na kami. Lumabas na kami ng sasakyan at nag-valet parking lang si Bhea.
![](https://img.wattpad.com/cover/227712999-288-k322874.jpg)
BINABASA MO ANG
Hey Rebound (Hey Duology #1) | ON-GOING | SLOW UPDATE
RomanceAly is a nursing student, who also has a knack in sketching and designing clothes. She originally wants to become a fashion designer, but because of her parents' dream for her to become a nurse, she gave up her dream. Her college life was peaceful n...