What?! Siya 'yon?! Hindi ako makapaniwala. Little did I know, we only attend the same school. Nakatingin parin ako sa kaniya at medyo nakanganga pa. Hindi ko naman mapigilang hindi mapanganga, dahil ang lalaki na nakatayo sa harapan ko ngayon ay nakaka-starstruck.
He was wearing a smile that could melt your heart. His handsome eyes and long nose are perfect together. His luscious lips that I can stare at all day.
Wait what?! Get it together Aly. Nakakahiya talaga ako. Ano ba 'tong pumapasok sa isipan ko? Moreover, how can I think of those things to think na may kasalanan ako sakanya.
"Oh, baka madapuan ng langaw ang bibig mo." Pabiro niyang sabi at tinikom ko naman ang bibig ko pagkasabi niya non. Naramdaman kong pumula ang pisngi ko dahil sa hiya. Napatawa naman siya ng mahina.
"Oh, bro punta muna ako sa table natin. Mukhang busy ka pa," sabi ng kaibigan niya at naglakad na papunta kuno sa upuan nila.
"May I know your name?" tanong ng lalaki. Oh, straight to the point ah, walang pakipot.
"Almara, but you can call me by my nickname, Aly," sagot ko sa kanya. He means no harm naman, baka gusto lang niyang makipagkaibigan?
"I'm Clarence, Rence for short," pagpapakilala niya at nilahad ang kamay niya. Nag-alangan naman ako nung una dahil nahihiya ako. Naiisip ko kasi yung nangyari kagabi. Pero kalaunan tinanggap ko pa rin ang kamay niya.
Pero nagtataka ako bakit parang hindi siya nagalit sa ginawa ko sa kanya? Parang ang bait niya pa. Kinakabahan naman ako sa kaba.
"Saan table niyo?" tanong niya pagkatapos ng 'introduction' namin.
"Ah, nandito," sabi ko at nanguna papunta sa table namin.
"Salamat naman at dumating ka-." Napatigil si Perry sa sasabihin niya nang makita na may kasama akong lalaki. Nanlaki naman ang mata niya nang makalapit na kami sa table.
"Rence?!" gulat niyang sabi.
"Oh, Perry nandito ka pala?" nagtatakang tanong ni Rence.
"Magkakakilala kayo?" tanong ko pa.
"Ahh, oo. Mag-classmates kami," sabi naman ni Perry.
"Let's just eat shall we?" Naiinip na sabi ni Bhea habang nakayuko ang ulo sa lamesa. Tinaas naman niya ang tingin niya at nanalaki ang mga mata niya nang makita si Rence.
"I'll see you around," sabi ni Rence at naglakad na paalis. Nakita ko naman si Perry na nakangisi sa'kin. Si Bhea naman sinundan pa ng tingin si Rence, eyeing him suspiciously.
"What was that?" tanong ni Perry sa akin.
"What was what?" Patay malisya kong tanong sa kanya. Napasingkit naman ang mga mata ni Perry dahil sa sinabi ko. Hindi ko nalang sa pinansin at kumain nalang. Hindi ko naman talaga alam kung paano sabihin sa kaniya. I mean, lasing siya nung nangyari ang aksidenteng iyon.
"Yeah, like I would buy that," sarkastikong sabi niya.
Bumuntong hininga nalang ako, dahil alam kong hindi niya ako titigilan sa kakatanong hanggang sa maiinis ako at mapapaamin.
"He was the one I sprayed with pepper spray last night," sabi ko. Napatigil naman si Bhea sa pag-kain at napatingin sa akin.
"You mean that hot guy?" tanong niya at tumingin pa sa table nila Rence habang kumakain.
"Well, I can't say that he's hot though," pagkontra ko pa.
"Whatever, Aly. Halos lahat ng mga lalaki dito sa University natin sinasabihan mo ng hindi hot. Kaya wala kang jowa eh," pabiro niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Hey Rebound (Hey Duology #1) | ON-GOING | SLOW UPDATE
RomanceAly is a nursing student, who also has a knack in sketching and designing clothes. She originally wants to become a fashion designer, but because of her parents' dream for her to become a nurse, she gave up her dream. Her college life was peaceful n...
