Chapter 6: Feelings

82 14 20
                                        


"Ano na naman ang problema mo Aly? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa," tanong ni Perry sa'kin.

"Oo nga, Aly. Ano nga ang problema mo?" tanong rin ni Bhea habang ngumunguya pa ng chicken wings.

Nandito kasi kami sa mall at kumakain ng unli wings. May two hours vacant kami, kaya napagdesisyonan namin na pumunta muna dito.

"Wala, I just think that I flopped my Med Ethics quiz. May mga answers ako don na hindi ako sure," badtrip kong sabi. " Palagi kasi akong nadidistract."

"Bakit ba palagi kang distracted? Hindi ka naman ganoon dati ah. Ang tanging bumabagabag sa'yo dati ay 'yong grades mo," sabi ni Perry na ngayon ay tinitingnan ako habang nakataas ang isang kilay niya.

"Alam ko na kung bakit siya palaging distracted," sabi ni Bhea na ngayon ay nakangiti na ng malapad.

I just looked at her like I was going to kill her if ever she will say the name. I admit na siya talaga ang reason na distracted ako. He just always mess my head.

Palagi niya akong binibitin sa mga salita niya. One confusing phrase from him can make me think really hard, until I'm gonna go crazy. Iyon ang epekto ng mga salita niya.

"Oh, am I thinking what you're thinking too?" sabi ni Perry na ngayon ay nakatingin na kay Bhea.

Nakangiti na tumatango lang si Bhea. Para silang nagsasalita gamit ang mga mata nila. Seriously? I'm still here, for their information. Para rin silang tanga kapag ginagawa nila 'yon.

"Pwede ba, huwag niyo muna akong tuksuin ngayon?" nagmamakaawa kong sabi sa kanila.

"Alam mo Aly, kailangan mo na talagang isipin kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Rence," sabi ni Perry at sumang-ayon naman si Bhea sa kaniya.

Natahimik nalang ako at kumain nalang ng manok. May kailangan ba akong isiping mabuti? Ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Rence? Napagod ako kakaisip kaya sumuko nalang ako.

Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa school. Isang subject nalang ang natitira kaya, maaga akong uuwi ngayon.

Hapon na nang ma-dismiss kami. Umuwi naman ako kaagad sa apartment. Nag-vibrate ang phone ko, only to see our group chat for our thesis. Magsisimula na raw kami bukas. Inassign pa kami sa sarili naming tasks.

After my night routine, nagpuyat pa ako at binasa ang libro namin. Pilit ko talaga kasing kinakalimutan ang mga panahon na nagkasama kami ni Rence. Pero kahit anong gawin ko ay bumabalik lang talaga ang mga ito. It's starting to make me crazy.

I know na may nararamdaman na ako para sa kaniya, pero pilit kong dine-deny. Natatakot kasi ako. I know there will be consequences once na papasok ka sa isang relasyon and I'm not ready to face those consequences.

Itinuon ko nalang ang sarili sa pagbabasa at iwinaglit ang mga iniisip ko. As if namang magiging kami ni Rence. Mukhang malabo.

Kinabukasan pumunta ako sa library namin para maghanap ng resources para sa thesis namin. Kailangan kasi ng book resources. Iba naman ang na-assign sa online resources.

Aangal na sana ako na gusto ko na sa online ako maghanap kasi madali lang. Atsaka, mahirap kaya maghanap ng resources sa book. Kailangan mo talagang basahin isa-isa, para masiguro na valid talaga at mai-connect siya sa study namin.

Kasalukuyan akong naghahanap ng mga libro sa shelves nang makarinig ako ng boses. Nagtaka naman ako. I am trying to not hear their voices habang naghahanap ako ng libro, pero sadyang sensitive ang hearing ko. I know that eavesdropping is bad, but I can't help but to overhear their conversation.

Hey Rebound (Hey Duology #1) | ON-GOING | SLOW UPDATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon