"Hey," mahinang sabi ni Rence nang makita niya ako sa library namin. Nanlaki naman ang mga mata ko at napapikit ng mariin nang marinig siya.
Ang embarrassment ko ay hindi pa nawawala. Hindi ko pa mawala-wala sa isip ko ang nangyari. At ngayon, nandito siya para kulitin na naman ako.
"Ano ba'ng ginagawa mo rito?" sabi ko, hindi parin siya tinitingnan.
Pagkatapos ng meeting at pagkatapos akong mapagalitan ni Asha, pumunta ako dito sa library para gumawa ng research namin. Nahiya pa ako sa ibang group mates ko kasi kanina pa pala sila naghihintay sa'kin.
Kaya hindi ako nagreklamo nang binigyan ako ni Asha ng extra na gagawin. I deserve it actually. It's only fair naman, kasi we all have our parts in doing our study.
Kaya lang, mas marami ang gagawin ko kesa sa mga ka-groupmates ko.
Kaya nagpapasalamat ako na naging parte si Asha sa group kasi alam ko na magiging magaling siya na leader. Naiisip ko pa lang na wala si Asha sa grupo, baka hanggang ngayon wala parin kaming study.
"Bakit? Hindi ba ako pwede dito?" inosenteng tanong niya.
"I didn't say that," sabi ko at bumuntong hininga.
Umupo naman siya sa tapat ko at sinimulan niyang ilabas ang gamit niya.
"Uhm, anong ginagawa mo?" I asked the obvious.
"Mag-aaral ako. Bakit hindi rin ba ako pwedeng mag-aral?" sarkastiko niyang sabi sabay ngiti. Napairap naman ako sa sinabi niya.
"Wala naman akong sinasabing ganun," mahinang sabi ko.
What's up with him at ang sarkastiko niya ngayon? Bipolar ba siya? Paiba-iba kasi ang mood.
I shook my head to stop thinking about his body language at nag-focus na sa paggawa ng research namin.
Hours passed at inaatupag ko parin ang laptop at research namin. Sometimes I would get up from my seat and search some books if needed. Rence on the other hand was busy with his "Math".
Sometimes, I would glance at him form time to time. Muntik na nga niya akong mahuli. Buti nalang at maganda ang reflexes ko.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Rence sa'kin.
"Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya.
Tiningnan naman niya ang kaniyang Audemars Piget wrist watch. "It's already 6:30 pm," sabi niya at tiningnan ako.
Tumango ako sa kaniya at nagsimula na akong magligpit ng mga gamit ko. I wanna go home at isa pa nagugutom na ako. Hindi kasi ako nakakain ng lunch kanina. Tanging milk tea lang ang naging lunch ko.
"Hatid na kita," sabi ni Rence pagkalabas namin sa library. Medyo madilim na ang ibang parte ng eskwelahan at konti nalang ang mga estudyante.
"Hindi na, kakain pa ako eh," sabi ko sa kaniya. Well, plano kong kumain nalang sa labas kesa sa magluto pa ako.
"Well, sabayan na kita. Saan mo gustong kumain?" tanong ni Rence at nagsimula nang maglakad.
Sumunod naman ako sa kaniya.
"Sigurado ka ba? Wala ka bang assignments. Baka nakakaabala ako sa'yo," nahihiya kong sabi at hindi parin makatingin sa kaniya ng maayos.
To think na kami na naman ang mag-isa sa loob ng sasakyan niya. It only reminded me of the embarrassment that I made last night.
![](https://img.wattpad.com/cover/227712999-288-k322874.jpg)
BINABASA MO ANG
Hey Rebound (Hey Duology #1) | ON-GOING | SLOW UPDATE
RomanceAly is a nursing student, who also has a knack in sketching and designing clothes. She originally wants to become a fashion designer, but because of her parents' dream for her to become a nurse, she gave up her dream. Her college life was peaceful n...