Chapter 4: Avoid

95 18 24
                                        


My weekend came by fast. Hindi ko na rin inisip ang nakita ko sa mall noong nakaraang araw. I don't really care about them. Wala rin akong pakialam kapag nagkabalikan man sila. Sigurado naman ako na si Mali 'yon.


Kasama ko sila Perry at Bhea. Nandito kami ngayon sa McDonald's at kumakain ng lunch. Sawa na kami sa canteen, kaya pumunta nalang kami dito.


"Kamusta ang weekend niyo guys?" Pagsisimula ni Perry ng conversation.


"Okay lang naman, except palagi akong inuutusan sa'min," sabi ni Bhea at umirap.


"How about you Aly?" Baling ni Perry sa'kin. Silang dalawa nakatingin sa akin.


"Uhm, nothing exciting really. Pero, I was happy that I got to see my family again, after 1 month. Pumunta rin ako ng mall at na-." Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila na nakita ko sina Rence at Mali na magkasama sa mall.


Napatingin naman sila sa akin, waiting for me to continue my sentence.


"Pumunta rin ako ng mall at na... nakita ang napakapangit na aso sa buong mundo," pagpapalusot ko pa sa kanila.


Kumunot naman ang noo nilang dalawa. Pasimple lang akong uminom ng coke para hindi nila mahalata na nagsisinungaling ako.


"I thought pets are not allowed in malls?" nagtatakang tanong ni Perry.


"Baka pwede lang sa mall nila," sabi naman ni Bhea.


"U-Uhm, oo naman. Okay lang sa mall namin na magdala ng pets," pagsisinungaling ko ulit. Sorry ma, pa, alam kong hindi niyo ako pinalaking sinungaling.


Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa klase namin. Hindi ako nakapag-focus ng maayos, pero I tried to listen naman.


Nang papauwi na ako, nakita ko si Rence with his friend, na hindi ko alam kung sino. Tiningnan naman ako ng kaibigan ni Rence dahilan kung bakit napatingin rin siya sa'kin. I quickly covered my face using my book and walked fastly towards the gate.


Naramdaman ko naman na sinusundan niya ako, kaya binilisan ko pa ang lakad ko para hindi niya ako maabutan. Pumunta kaagad ako sa apartment ko na hinihingal. Mabuti nalang at hindi niya na ako sinundan pa dito sa apartment ko.


Nagbihis nalang ako at gumawa ng assignment. I need to focus right now. Malapit na ang Midterms kaya kailangan ko na talagang mag-focus.


The midterms week passed by well as I expected. Feeling ko passing nga lang ang kuha ko eh. Hindi rin kamin nagkikita ni Rence. Siyempre, iniiwasan ko siya. Baka magalit pa girlfriend non, eh.


Ngayon nandito kami sa canteen ng school namin at bumibili ng makakain. Napatigil naman ako nang mahagilap ng mga mata ko ang nilalang na matagal ko nang iniiwasan.


Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin. Hindi rin ako makatago kasi walang mapagtataguan dito sa canteen. Plus, ang dami pang tao.

Hey Rebound (Hey Duology #1) | ON-GOING | SLOW UPDATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon