Naglakad kami patungo sa park para kunin ang kotse ni Rence. Pagkatapos nag-drive siya patungo sa malapit na McDonald's.
"What do you wanna order?" tanong ko sa kaniya habang pumipili kami ng makakain.
"I'll have Chicken Katsu," sabi niya. Tumango nalang ako.
Mataas ang linya kaya pinaupo muna ako ni Rence. I gave him the money at tumungo ako sa mga chairs. Napansin ko na may mga schoolmates kami rito. Hindi ko naman sila pinansin kasi hindi ko sila kilala.
Naghanap naman ako ng mauupuan namin. May nakita naman akong bakanteng upuan near the glass wall, kaya doon na ako umupo. Habang naghihintay, nagiiscroll lang ako sa Instagram ko. After 5 minutes, dumating na si Rence dala-dala ang tray na may pagkain namin. Nilapag niya ito sa lamesa at nagsimula na kaming kumain.
I feel awkward kasi first time kong kumain with a boy. I don't even know how to start a conversation. Ugh, I feel so lame right now.
After how a couple of minutes, I decided to break the silence.
"So, what's up with you and that girl kanina?" tanong ko sa kaniya. Wait, did I just sound like a nosy person? Parang hindi naman. Hindi naman talaga. Medyo curious lang ako?
"Curious now, aren't you?" an amused smmile was once again plastered on his face.
"Well, kung ayaw mong sabihin that's fine with me," I shrugged. Napatawa naman siya ng mahina.
"It was nothing. Maybe naga-gwapohan siya sa'kin?" pabiro niyang sabi habang nakahawak sa kaniyang baba. Napaismid naman ako.
"Ang yabang mo," sabi ko at tumawa naman siya. Bumalik ako sa pag-kain at siya rin. Pagkatapos naming kumain hinatid niya pa ako sa apartment ko.
"Thank you," sabi ko bago bumaba sa sasakyan niya. Naghintay pa ako na makaalis ang kaniyang sasakyan, hanggang sa hindi ko na makita. Pumasok na ako sa loob ng apartment ko.
Nagbihis ako ng pjs ko at nag-aral para sa quiz namin bukas. Gabi na nang matapos ako kaya napagdesisyonan kong pumunta sa malapit na grocery store para bumili ng pagkain. Wala na akong pakialam kung naka-pajamas lang ako. Sanay naman na ako.
Bumili lang ako ng ingredients para sa pork lomi. Isa sa paborito ko ang pork lomi, especially when mommy cooks it. Miss ko na tuloy sila mommy. Pero, no worries uuwi ako ngayong weekend para makasama sila.
Nang matapos kong bilhin ang ingredients, umuwi na kaagad ako sa apartment at nagsimula nang magluto. I just followed the procedures online while cooking. Medyo nahirapan ako, but I got the hang of it. Pagkatapos kong magluto, siyempre kinain ko niluto ko diba? Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko.
Ginawa ko ang night routine ko at humiga sa kama ko pagkatapos. Pagod ang katawan ko kahit wala naman akong masyadong ginawa. Tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nag-message sa'kin.
PerrySandoval:
Hoy @AlmaraVL! Ano na?
itsBhea:
Kuwento ka na ghurl~
PerrySandoval:
Kanina pa kami naghihintay ng kuwento mo!
itsBhea:
Ano? May nangyari ba sa inyo pagkatapos niyong kumain? Ha? Ha? Ano na?!
BINABASA MO ANG
Hey Rebound (Hey Duology #1) | ON-GOING | SLOW UPDATE
RomanceAly is a nursing student, who also has a knack in sketching and designing clothes. She originally wants to become a fashion designer, but because of her parents' dream for her to become a nurse, she gave up her dream. Her college life was peaceful n...
