Para akong tanga na nakatulala lang sa harap ng bintana ng kuwarto ko. It is Saturday and I decided to go home to take a breather. Para akong na-stress sa dami ng iniisip ko for the past days.
I wanna take a break from it all and just enjoy my weekend. When I mean enjoy my weekend, it is to sleep on my bed all day and binge watch movies on Netflix.
That's my way of relaxing. But instead of relaxing, here I am staring outside my window thinking back on what happened last Thursday. Palaging bumabalik ang isip ko sa sandaling iyon.
I didn't know why I walked out and didn't hear his explanation. I didn't know what I was feeling at that time. Naghalo-halo ang emosyon ko sa sandaling iyon.
Napasabunot na lamang ako sa buhok ko nang maalala ang maamong mukha ni Rence at tila nanghihingi ng patawad ang mga mata niya. Noong makita ko ang mga mata niya ay muntik ko na siyang patawarin at isawalang bahala ang ginawa niya.
Pero, hindi ko ginawa. Ayaw kong magpakatanga. That night I realized my feelings for him. I don't know kung bakit nagustuhan ko siya agad. Maybe it's because he always messes my head up. Maybe because he says words that makes my heart leap. I don't really know the reason. All I knew is that one day, I like him and that's it.
Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang mga pinag-iisip ko. Ang gusto ko ngayong araw ay mag-relax. Dapat hindi ko dinadala ang problema ko dito sa bahay.
Bumaba ako at pumunta sa kusina para kumuha ng makakain. Kumuha lang ako ng Pringles at pumunta sa sala para mauod ng Netflix. I sat comfortably there and turned the TV on.
I decided to watch Money Heist. The series was great. Napakatalino ng mga plano ni Professor. Ang bad ass naman ni Tokyo. I was enjoying the series.
"Aly, maglilinis ako ng mga kuwarto ngayon. Ipapasama mo ba ang kuwarto mo?" pagpapaalam ni Yaya.
Umiling ako sa kaniya at sinabihan na ako nalang ang maglilinis ng kuwarto ko. Para naman hindi na siya mapagod.
"Ikaw talaga, okay lang naman sa'kin. Pero kung iyan ang gusto mo, sige pagbibigyan kita," nakangiting sabi ni Yaya at umakyat na.
Bumalik naman ako sa panonood. The scene was so intense nang tawagin ako ni Yaya. I paused the video and nilingon si Yaya.
Nilahad naman niya ang phone ko na nagri-ring. "Aly, kanina pa nagri-ring itong selpon mo. Baka importante," sabi ni Yaya at kinuha ko naman ang phone ko para makita kung sino ang tumtatawag.
Napatayo ako at agad pumunta sa garden namin. Para naman akong excited sa ginawa ko. Tumikhim muna ako at inayos ko ang boses ko bago ko sinagot ang tawag.
"Yeah?" masungit kong bungad.
[Almara, can we talk?] maamong sabi niya.
"Nag-uusap na tayo, Rence," pilosopo kong sabi. Narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina.
Ah, tinatawanan niya pala ako ah. Anong akala niya sa'kin? Clown? Baka nakalimutan na niya ang kasalanan niya sa'kin?
"Bakit ka tumatawa diyan? Akala ko ba ay mag-uusap tayo?" tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo ko. As if naman makikita niya ang mukha ko ngayon.
[Yes, I do want to talk. But I don't want to talk about it over the phone. I want it to be in person.] seryoso niyang sabi that made my heart beat faster because of nervousness.
Does it mean, magkikita kami ngayon? Naramdaman ko naman ang puso kong tumitibok ng malakas. Ano ba, Almara. Pigilan mo nga ang puso mo. Wala lang 'to, dahil lang ito sa kaba. Wala nang ibang ibig sabihin.
BINABASA MO ANG
Hey Rebound (Hey Duology #1) | ON-GOING | SLOW UPDATE
Lãng mạnAly is a nursing student, who also has a knack in sketching and designing clothes. She originally wants to become a fashion designer, but because of her parents' dream for her to become a nurse, she gave up her dream. Her college life was peaceful n...
