CHAPTER 2: Maci Collins

68 14 16
                                    

MACI'S POV

Actually, hindi ko talaga alam kung ready na nga ba ako para bumalik sa lugar na iyon, kung tutuusin ay iilan lang naman ang naaalala ko doon. Sinabi ko kay Sir Tim na malaki na ang pag kukulang ko sa kuya ko, totoo iyon, nandoon siya sa lugar na iyon, pero bago ko pa lisanin noon ang rising sun city ay namatay ang kuya ko.

Kilala ko ang pumatay sa kaniya at hanggang ngayon ay hinahanap ko parin ang taong iyon. Malaki ang atraso niya sa akin.

Noong una kong mabalitaan ang tungkol sa University na tumatanggap ng gaya ko ay hinanap ko iyon, but before I entered Apollo university's Class A-1, buo ang pasya ko na mag aaral akong palaguin ang kakayahang meron ako para balang araw ay maipag higanti ko si Kuya.

Pero nabago ng mga special na tao ang paniniwala kong iyon. Yung galit na naging dahilan ng pag pasok ko dito ay nabago, parang isang pamilya ang turingan namin. Ngayon ay gusto ko lang mahanap ang taong may gawa ng pagkamatay ni kuya. Gusto ko siyang makaharap at itanong sa kaniya kung bakit niya pinatay ang kuya ko, at kung bakit niya akong ginawang ganito.

Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung anong mararamdaman ko once na marating namin ang bayan na pinagmulan ko, pero isa lang ang sure ko. Dadalawin ko ang lugar kung saan ko inilibing ang bangkay ng kuya ko.

Pakiramdam ko ay masuwerte ako dahil room mate ko si Jane. Kada kuwarto kasi ay may mga magkaka kuwarto maliban kay Grayson, solo niya ang kuwarto sa baba, ewan ko ba dun. Pero ang cool niyang president sa totoo lang. Hinangaan ko siya sa halos apat na taon niyang walang palyang pagiging leader.

Speaking of hinahangaan, pati si Jane ay hinangaan ko she's almost perfect.

Inabot na ako ng pag sikat ng araw kakaisip sa mga puwedeng mangyari ngayong araw. Ang dapat pag pa pack na gagawin ko ay nakalimutan ko ring gawin. Kaya naman nagmadali na akong mag impake bago pa magising si Jane.

Damit, sapatos, ang katana ko, chips, at limang bottled water, flashlight at batteries, saka ang cellphone ko. Makikicharge nalang ako kay Nayeli pag na lowbatt ako.

Pareho lang kami ni Jane ng laki ng dala pero bukod sa mga dinala ko ay may naisiksik parin siyang mga libro sa bagahe niya.

Sinubukan kong buhatin ang bag ko at napagtanto kong malaki pa ang space. Nagdagdag pa ako ng ilang chips at ang P.E uniform namin. Nauna na akong naligo kay Jane tutal tulog pa naman siya.

Nataka ako dahil natapos na akong maligo at lahat ay tulog parin siya, mag se seven na ng umaga kaya nah desisyon akong gisingin na siya.

"Jane, baka iwan tayo nila Sir Tim." Niyugyog ko siya ng kaunti.

"Anong oras na ba?" Tanong niya.

"Mag quarter to seven,"

"Hala! Maliligo na ako! Buti ka pa bihis ka na!"

"Okay... hihintayin nalang kita sa baba." Palam ko sa kaniya, pumayag naman siya at ganon nga ang ginawa ko. Pag dating ko sa baba ay naabutan kong naguusap si Jaxon at Ashton. Sila lang ang nandoon, malamang ay naghahanda na rin ang iba para sa pag alis.

I decided to hide for a while at makinig sa pinaguusapan nila.

"Now Caroline calls you Babe," si Jax.

"And She calls you Darling" bawi ni Ashton.

"Can't you understand that Ashton? Ako ang nauna."

"Oh yes ikaw ang nauna pero ako ang present matapos mo siyang i-ignore, dahil diyan sa pride mo!"

Hala! Pinag aawayan nila si Caroline? OMOOOOO kinikilig ako...

CLASS A-1: Rise Of The BeastWhere stories live. Discover now