MARTIN'S POV
"Tell me buhay pa ako. Come on Cassidy, tell me I'm still Alive."
"Buhay pa ako, I'm still alive" yung halos ma traumatize ka na sa way niya ng pag d drive tapos mamimilisopo lang siya? Kainis amp.
"Loko ka,"
-_-) <--------- ako
'-')<--------- Cassidy
Nag stop over kami sa isang tindahan, hinihintay lang namin si Jaycee bago nag meryenda. "Ate, pabili nga po ng dalawang malaking coke, saka cloud nine" sabi ko dun sa tindera habang bumubunot ng pera sa bulsa ko.
"Malaki po ba o maliit na coke?"
"Malaki, dalawang bote, pahingi narin ng baso. Salamat" nagbayad ako ng 100 tapos di ko na kinuha yung sukli at naupo nalang ng tahimik sa isang tabi.
"Libre mo?" tanong sakin ni Cassidy. Kapal mo hayp ka bumili ka ng sayo.
"May pera ka diba?" tinignan ko lang siya hanggang sa siya na mismo ang bumigay at bumili ng sarili niyang inumin. Matapos niya akong pilosopohin, akala niya hindi ako babawi? Hehehehehehe.
Si Jaycee naman gaya ng nakasanayan niya, nagsuot ng gloves at facemask saka nilinis ang table ng tindahan. Pagkaubos ko ng cola eh binalik ko ang bote doon sa case habang si Cassidy ay kakatungga palang ng isang bote, di na nag-baso, walanghiya.
Wala na akong ibang magawa kundi tumingin-tingin nalang muna sa paligid habang hinihintay matapos sa meryenda ang dalawa kong kasama. Maya maya ay may nahagilap akong mga poster sa poste ng kuryente. Nilapitan ko iyon at laking gulat ko nang makita ang mukha naming tatlo nila Jaycee at Cassidy. Hindi lang kami... Maging sila Grayson, Nayeli, Danaerys at Matthew. Lahat kami nasa wanted poster, at ang laki ng patong namin sa ulo. How come na naging wanted pa kami? Eh lagi naman kaming naka mask tuwing tumatanggap ng request.
Inalis ko lahat ng poster doon at pinunit bago bumalik sa mga kasama ko. Handa na silang pareho para muling bumiyahe at tingin ko naman ay ako ang hindi handa para sa isa pang ride. Kung si Rowan sana ang kasama ko baka lumilipad kami ngayon.
Pagka upo ko palang sa motor pinihit na ni Cassidy yung silinyador saka humarurot ng takbo, buti naka kapit ako doon sa likuran. Samantalang tamang upo lang si Jaycee sa may tangke. Nakakahilo yung daan kasi panay liko, taas baba plus mabilis pa magpatakbo yung drayber eh talagang mawawala ka sa balanse, naka ilang bagsak narin ang puwit ko sa upuan.
@0@<------ potangenaaaaa.
Habang nasa daan ay may truck kaming nakasalubong, mabilis ang takbo niyon at akala namin ay napansin kami pero hindi iyon huminto nang masalubong kami. Nag drip ang motor sa may side walk para iwasan yung truck pero iniliko lang ng driver ng truck yung manibela papunta sa direksyon namin.
I made a barrier to protect us, bumangga at nayupi ang harap ng truck doon, bumaba kami ni Cassidy sa motor ng hindi tinatanggal ang helmet at i check ang truck, walang tao sa loob niyon pero halatang kaka alis lang ng driver dahil may bakas pa ng pasmadong kamay ang manibela. Mabilis kumilos ang isang iyon.
JAYCEE'S POV
Heh, as we all know, vampires can travel faster than a normie, I can travel in a hazy mist like form that's why nasundan ko ang diver na hinahanap nung dalawa sa loob ng truck
This man maybe fast, pero mahina ang pandama niya sa paligid niya. On my Bat form I screamed from his back forming a Supersonic sound triggering his hearing, saka siya sinipa pababa ng truck. He reacted to fast at nakagulong sa ilalim ng truck. He's trying to hide, I like his game, I want to play this.
YOU ARE READING
CLASS A-1: Rise Of The Beast
FantasyClass A Humans also known as super humans, raised together to be assassins and save lives. They will be challenged by fate and destiny and see how far their limit can reach. They don't know what kind of fate their ability posses.