MR. TIMOTHY FACUNDO'S POV
"AAHHH, Another great school year." I said habang nag iinat na kakalabas lang ng kotse.
But this year will be a bit different from last year, because starting this day, the old rooms of Apollo University will be used again. New and special students will gather up and will form a section, highest section that is.
Naabisuhan na ako ni Mr. Res about sa new students at ako ang naatasang magiging adviser nila, I still don't know why these students are very special for Mr. Res and Ms. Buenavista.
Still, sila ang unang mataas na section na mahahawakan ko. Kumpara sa ibang klase na mayroong fifty pataas na estudyante, this Class only have thirty-three students.
Kinailangan kong pumasok nang maaga para maghintay sa lumang University. Yung lumang University na tinutukoy ko ay halos kalahati lamang ng laki ng bago, pero maituturin paring parte ng University ito kahit na medyo malayo.
Moderno ang disenyo ng Bagong University na pinapatakbo ni Ms. Angerys Buenavista, samantalang itong lupang kinatatayuan nitong luma ay pagmamay ari ng isang head teacher ng Apollo University, which is si Sir Res.
Nirequest niyang i open ulit itong lumang Apollo University para sa mga bagong highschool students na sobrang espesyal kung ituring niya at talagang inilayo pa sa ibang normal na estudyante at binigyan ng sariling school na maaangkin nila. Spoiled.
But if they are really special, bakit ang lumang facilities pa ang ipapagamit sa kanila?
Pagkarating ko sa building ay agad kong tinungo ang pinto ng room kung saan kami magkikita kita. Napabuga ako ng hangin, bilang paghahanda.
Okay, noong unang sinabi sakin ito ni Sir Res, tumanggi ako. I hate responsibility but on my second thought, it seems nice. Bago ko buksan ang room ay napansin kong tahimik ito. Napa buntong hininga ulit ako. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang malamig na hangin na galing sa katapat kong bintana. Nakuyom ko ang kamao ko pagkatapos libutin ang walang katao taong classroom na ito.
Kunsabagay sinong gaganahan kung puro kahoy parin ang pader ng lumang classroom na ito at may mga butas pa?
Mariin akong napapikit. Ano ba itong pinasok ko? Hinayaan ko na lang na nakabukas ang pinto. Napa hilot ako ng aking noo. Inalis ko na din ang salamin ko. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay. Napagdesisyunan kong tawagan na si Sir Res.
"Hello papa, Sigurado ka bang alas otso sinabi mong oras ng pagkikita kita namin ng mga special mong estudyante?" I asked while holding my temple. Diniinan ko pa ang salitang special.
"Oo, 8:20 na. Ilan na ba silang andyan?"
"Wala pa ni isa, Pa!"
"Just wait for them, may katigasan lang ang mga ulo nila."
"Masyado naman nilang pinangatawanan ang pagiging special"
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba na niya ang linya. Mula sa labas ay ramdam ko na ang nakakapasong sinag ng araw. Kaya naman lumapit ako upang isara ang pinto. Hindi ko pa nasasara ng may malakas ma pwersa ang nagbukas nito ulit. Nasubsob pa ako sa labas.
Umayos ako ng tayo nang makita ko ang isang babaeng maputla na nakatitig ng malamig sa siko ko. Kaya napatingin din ako. Dumudugo? Napabalik ang tingin ko sa babae at nakita ko sya ngumiwi. She also mouthed 'iww' at saka umupo sa dulong bahagi.
Napatingin ako sa kanya at nakuha pa niyang ngumisi, nahiya ako sa galit. These students! Late na nga wala pang manners! What are you thinking Sir Res!?
![](https://img.wattpad.com/cover/227467324-288-k867699.jpg)
YOU ARE READING
CLASS A-1: Rise Of The Beast
FantasyClass A Humans also known as super humans, raised together to be assassins and save lives. They will be challenged by fate and destiny and see how far their limit can reach. They don't know what kind of fate their ability posses.