RYLEE'S POV
"Sirang sira ang inabot ng base. Tsk tsk tsk." Sabi ni Naveah pagkarating namin doon.
Tumingin tingin ako sa paligid at iniisip kung kaya pa kayang ayusin ni Grayson ito gaya ng sinabi niya? Halos pulbos nalang kasi ang natira sa mga pader at yupi narin ang bubong. Tsk tsk tsk. Naghiwalay kami ni Naveah ng lugar na i chini Check. Doon ako sa may bandang kakahuyan at siya naman sa paligid ng nasirang base.
Lubog na lubog ang lupa sa forest dahil sa dami ng footprints ng Danger beasts ilan nalang rin ang natitirang punong nakatayo. Medyo malayo ang lugar na ito sa Main city kaya walang presscon na makaaabot dito. Isa pa pagmamay-ari ni Miss Angerys ang lupang ito sa pinaka lagusan ay may sign na 'no trespassing'.
"Del Moral!" dinig kong sigaw ni Kim. Agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya at nakita ang hawak niya.
"Kay Maci iyan ah?"
"She'll be upset once malaman niyang naputol ang katana niya."
"Katana lang naman iyan, puwede pa siyang bumili ng bago."
"Bigay pa ito ng Nanay niya sa kaniya, kaya may sentimental value ito sakaniya. Sana kaya ring ayusin ni Grayson ito." dinampot pa ni Naveah ang bahay ng katana ni Maci ant isinuksok ito rito. "May nahanap ka bang clue?"
"Wala, pero nanghihinala ako. Siguro tama ang hinala natin una palang. May traydor sa grupo natin."
"Sinasabi na nga ba. Kasi hindi naman basta basta makakapasok ang mga halimaw na iyon kung wala silang pahintulot ni Miss Angerys. Tutunog ang Alarm at babalaan niya tayo... hala!"
"Bakit?"
"Saka ko na sasabihin, ang mahalaga alam nating may traydor, samahan mo ako sa ospital, I have to Check on Maci." nagmamadali niyang sabi. Saka nag simulang mag travel sa pamamagitan ng mga sanga ng puno.
"Hindi kita gets Navs! Hintayin mo ako!" pareho kaming mabilis ni Naveah sa pag kilos pero iba siya ngayon, halatang nagmamadali siya.
Lahat kaming hindi kayang manakit gamit ang Ability- Me, Jaxon, Naveah, Leilani, Terrence, William, Neil, Martin, Landen, Allan, Danaerys, Naveah, Jayleen, Hadleigh at Calli ay sinanay na palakasin ang pisikal na lakas namin, agility, stamina, at puwersa sa pakikipaglaban. Lahat naman kami ay trained sa ganon, nga lang, masasabi kong mas malalakas kami kaysa sa mga gumagamit ng mahika pagdating sa pisikalang labanan.
Kabisado ni Grayson ang kakayahan at uri ng pakikipaglabang magaling kami. Kaya nga siya ang naging leader namin, madali kaming kumilos kapag siya ang nag li lead.
Nasa ospital na kami't lahat ay nagmamadali pa siyang puntahan ang room ni Maci at Claire. Pagpasok namin doon naabutan naming nanananghalian sila Grayson at Muichi habang wala paring malay yung dalawa. Dapat nga eh hiwalay ang room ni Maci at Claire pero hindi pumayag si Sir Res at si Grayson.
Ibinigay nalang ni Grayson kay Muichi ang natira niyang sandwich at kinausap si Naveah pinakita ni Naveah kay Grayson ang nasirang katana ni Maci at umiling iling siya.
"Hindi ko iyan maibabalik sa dati kung wala ang kalahating blade na naputol."
Then nilingon naming parepareho si Maci, gumalaw ang mga kamay niya at kumunot ang noo. Nanatili kaming nakatingin kung magigising ba siya o hindi, pero ganon nalang iyon at hindi pa siya nagmulat.
"Papaiwan ako dito sa ospital para hintayin magising si Maci at Claire. I think you should attend afternoon Classes." prisenta ni Naveah.
YOU ARE READING
CLASS A-1: Rise Of The Beast
FantasyClass A Humans also known as super humans, raised together to be assassins and save lives. They will be challenged by fate and destiny and see how far their limit can reach. They don't know what kind of fate their ability posses.