CASSIDY'S POV
"Akala mo lang wala, pero takot din ako kay President." Yumuko ako at pinilit siyang ibaba sa sofa. "But knowing na understanding naman si Grayson, yun nalang pinanghahawakan kong hindi niya ako sasaktan."
"So why do you act like you don't care at all?" Tanong ni Muichi. I never talked to anyone like this, even kay Jaycee hindi ako nakipag usap ng ganito.
Nakaramdam ako ng comfort sa pakikipagusap kay Muichi dahil ang mindset ko is he's just a pet. And like a pet, he calms me down while I'm talking to him. He's a pet everybody wants to have.
"I do care. It's just that, ang hirap i-express, seems like im just showing some weakness."
"Then, niloloko mo lang ang sarili mo."
"It's not like that. Showing others that I'm fearless makes me feel more power, helps me to gain more confidence." Natamuan ko nalang na kaharap ko na siya as a cat at dadalawa nalang kaming nakaupo sa single sofa. "Unlike before, I don't wanna talk to everyone, 'til Jaycee and Martin started talking to me."
WILLIAM'S POV
LAKING tuwa ko nalang nang magising na si Jane. Inalalayan ko siya sa pag upo ng maayos pero mukhang napagod talaga siya dahil pag upo palang niya ay agad na niyang naisandal ang ulo sa balikat ko. Hinayaan ko lang siya pero doon ko narin ipinahawak sa kaniya ang forbidden weapon na ngayon ay hindi na forbidden sa pangangalaga niya. Ang fear forbidden weapon, na sa anyong pana at palaso ay si Jane na ang mangangalaga like Naveah does.
I feel proud for Jane, she gave me a smile after i hand over the weapon to her. I feel touched.
"OY! MAY NAKAKITA BA SA CELLPHONE KO!?" bigla nalang sigaw ni Nayeli na tinataas ang mga unan na nasa sofa. Kahit kailan talaga.... Isang tingin palang sa mga ka tropa ko ay kilala ko na ang salarin. Sigh.
"Guys, Ilabas niyo na, iiyak na si Nayeli." Si Ashton na tumayo narin para makihanap.
Kung pagbabasehan natin ang mga reaksyon sa mukha nila ay parang wala silang mga alam pero isa talaga sa kanila ang nagtago ng Cellphone ni Nayeli.
"Hoy, Rylee, Ilabas mo na kase!" Buyo ni Nayeli kay Rylee. Di ko rin alam pero kagagago talaga ng mga to HAHAHAHA hindi ko sinasabing kagaya nila ako ah pero parang ganon na nga.
"Luh bat ako?" Tanggi niya.
Hihintayin pa ng nagtago na umiyak si Nayeli bago niya ibigay ang cellphone nito. Tsk tsk tsk.
"Ilabas niyo na ah! Mmmm! Bala kayo diyan! Ayoko na!" Aniya Nayeli at ibigmnagsak nalang ang sarili paupo sa sofa at dumukdok sa sariling braso.
Nakangisi naman si Ashton na tumigil sa pag hahanap saka nilapitan si Nayeli. Sabi na eh. "Eto na oh! Don't cry na." Aniya saka inilabas ang cp ni Nayeli mula sa bulsa niya.
Sinadyang abutin ni Nayeli ang cellphone ng nahahawakan ang kamay ni Ashton at saka niya ito kinuryente ng bahagya.
Tignan mo ito. Ang lakas ng trip. Siya ang nagtago pero sumamang nag hanap.
Naramdaman ko ang pagkilos at pagtayo ni Jane bitbit ang baging armas niya. "Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Napagod ako, gusto kong matulog...Kung pwede sana."
"Ihahatid na kita sa kuwarto ninyo." Prisenta ko.
"HINDI KAMI NANINIWALANG HATID LANG!" buyo ng mga ka tropa ko. Sila Terrence, Landen, Allan, Matthew, Ashton at Jaxon.
YOU ARE READING
CLASS A-1: Rise Of The Beast
FantasyClass A Humans also known as super humans, raised together to be assassins and save lives. They will be challenged by fate and destiny and see how far their limit can reach. They don't know what kind of fate their ability posses.