MACI'S POV.
"You can run but you can't hide"
"Akala mo ba ay maitatago mo sa amin ng matagal?"
"If you're thinking na kamuhian ka namin dahil sa tinatago mo ay oo! Dahil sa hindi mo agad sinabi sa amin ang totoo."
Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. Napaupo nalang ako bigla and sweat starts dripping down on my face, tinitigan ko ang mga palad ko, nanginginig ang mga ito at basang basa. Napahilamos ako ng mukha ko saka mariin na pumikit, convincing myself that it was just a dream ang it will never happen.
"Hmmm. Gising ka na pala...kumain ka na." Bungad sa akin ni Cassidy na siyang nasa bukas na pintuan.
Huh? Where did Jane go?
Gusto kong itanong sa kaniya iyon pero baka dumighay na ako sa mura na pwede kong matanggap kaya hindi na ako nagtanong pa at nginitian ko nalang siya pero hindi niya iyon pinansin. Hindi siya naka jacket ngayon tanging puting sando lang ang suot niya at pajama, umalis din siya matapos niya akong ayain ng agahan. Pagkababa ko ay wala akong naabutang kahit na sino doon, tanging si Cassidy lang ang kasama ko.
Nininerbyos ako baka magpaulan siya ng badwords kapag nagsalita ako ng kaunti. May nakahain ng steak sa mesa, itlog, hotdogs at may pang himagas narin sa ref, pero bakit ang kaunti ng mga ito?
Hinanap ng paningin ko si Cassidy at saka ko siya tinanong. "Nasaan ang iba?"
"Nasa Office ni Sir Res, nagpaiwan ako kase tinatamad pa akong bumangon Kanina, napagod ako kagabi, tapos na akong kumain kaya kung kaya mong ubusin lahat yan, sige lang." Aniya saka nagpunta sa direksyon ng kuwarto ni Grayson.
"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko sa kaniya nang pasukin niya ito.
"May naiwan ako dito kagabi. Bakit?" Dinig kong sabi niya mula sa loob ng kuwarto.
"Ano namang ginawa mo diyan kagabi?"
"Wala ka na don. Kakain ka ba o ipapakain kita sa halimaw?" Nagsusungit niyang sabi pero walang mura. Bago ulit sumubo ng pagkain ay hinintay ko siyang lumabas ng kuwarto ni Grayson at nakita kong bitbit na niya yung damit na suot niya kagabi.
"Hm? Bakit nandon yan?" Tanong ko uli sa kaniya pero wala na akong natanggap pang sagot. "Luh, ang bad." Dagdag ko pa saka masama ang loob na sumubo ng isang buong sausage.
Pagtapos kumain ay hinugasan ko ang mga nagkainan at nagbihis narin ng full suit. Dahil nga may Mission kami ngayon ay hindi ko puwedeng iwan ang katana ko, na never ko namang iniwan kung tutuusin.
Hinintay ko si Cassidy na makapagbihis pero habang naghihintay ay napaisip ako...
Ano kayang dahilan kung bakit nandoon yung damit niya sa kuwarto ni Prez? Saka bakit hindi siya naka Jacket? Siguro may nangyari sa kanila kagabi, tapos dun na hinubad ni Cassidy yung damit niya then hiniram lang niya yung sando ni Grayson. Magkatabi siguro silang natulog.
YOU ARE READING
CLASS A-1: Rise Of The Beast
FantasyClass A Humans also known as super humans, raised together to be assassins and save lives. They will be challenged by fate and destiny and see how far their limit can reach. They don't know what kind of fate their ability posses.