CHAPTER 4: Reward

84 9 23
                                    

JAYCEE'S POV

Sa gitna ng oras ng pamamahinga ay bumalik si Sir Tim para i check kami. Pero aapat lang kami nina Maci, Leilani at Claire ang nakausap niya dahil tulog na ang lahat dito sa sala.

"Paano ko sasabihin sa kanila ang sinabi mi Ms. Angerys kung tulog ang karamihan?" Malungkot na wika ni Sir Tim saka naupo.

"I had enough rest, kaya ko na silang gisingin ngayon kapag tinanggal ko ang pagod sa kanila." Wika ni Leilani. Iyon nga ang ginawa nila, maski ako ay nakaramdam din ng ginhawa sa ginawa niya.

Kakatwang hindi ko masabi sa iba ang nalalaman ko tungkol sa nakaraan ng ilan sa mga kasamahan namin, sa akin kasi nila nai ku kuwento sabay itatanong kung nabalitaan ko iyon dati, pero sa lahat ng nagkwento sa akin ay wala akong naalalang nabalitaan ko.

Ubos na ang mga ninuno ko 500 years ago, lapag namatay pa ako tuluyan ng tatawaging extinct ang mga Vampires, still sa haba ng panahon na paglalakbay ko ay dito lang ako sa Apollo University na pirmi. Hindi ako galing sa City na ito or sa kahit anong City sa lugar na ito, sa ibang mundo pa ako nagmula pero pinalalabas ko lang na dito ako galing para wala ng magtanong pa, nakakapagod din minsan ang magsalita, hindi ko alam kung paanong nagagawa ni Cassidy at Becca na dumaldal ng matagal.

Kung tutuusin ay mula pa ako sa lahi ni Dracula, sabihin na nating, lolo ko siya sa tuhod. Si Alley my Duhrleng lang ang nakakaalam ng pinagmulan ko kasi dun din siya galing. Alam naman sa fairy tales na magkaaway ang mga vampires and werewolves, may past ang families namin na ayaw na namin parehong ituloy. Duhrleng pa nga tawag ko sa kaniya ngayon.

Dahil sa ginawa ni Leilani ng malawakang healing ay nagising ang lahat at diniretso na kami ni Sir Tim. Nagpaalam kase siya kanina na irereport kay Ms. Buenavista ang naging pagbisita namin sa Apocalypse City.

"Nung sabihin ko kay Angerys-" naputol ang sinasabi ni Sir.

"Yiiiiiiiiieeeeee EYN-GE-RIS!" Pasigaw na asar nila kay Sir Tim

"Ms. Buenavista...." Pag rephrase niya sa pangalan ni Ms. Angerys. "Pinapayagan niya kayong dumalo sa darating na Seniors night. At maki halo bilo rin sa iba pang mga events sa Apollo University, Sa main Campus, allowed din kayong gumawa ng mga booth ninyo sa mga events, and during those days, hindi kayo tatanggap ng request, mga pulis muna ang aasikaso sa mga maiiwan ninyong requests."

Napanganga kaming lahat sa binalita ni Sir Tim. As in! Never pa kaming pinayagan magpunta sa events sa school, ang sabi mas priority namin ang kaligtasan ng city, pero this time, this is really unbelievable. Isa pa....first time ko sa mga ganitong events! Excited na ako!

"Nah, so what." Napalingon ang lahat kay Cassidy nang sabihin niya iyon.

"Sira ka ba? First time natin maki sali sa events sa school! Mag d dress ka sa Seniors night..." Asar ko.

"Di ako interesado, hindi ako pupunta."

"Pupunta ka o sisirain ko yung jacket mo?"

"Subukan mo at makakatikim ka, tangina."

"Pumunta ka na kasi! Alam mong hindi ako pupunta pag hindi ka pumunta!"

"Ang dami dami mong makakasama oh. Para ka namang mamamatay pag wala ako."

"Speaking of Cassidy..." Putol ni Sir Tim sa pamimilit ko kay Cassidy. "Sino si Cassrine, Grayson?" Baling niya kay Grayson.

Mariing tumingin si Cassidy sa direksyon ni Grayson at ganon din ang iba. Kung tutuusin wala akong masisisi kung malakas ang pandama ko pero minsan talaga parang ibang Grayson at Cassidy ang kaharap ko minsan. Lalo na kapag mapang asar ang mood ni Cassidy, feeling ko lang hindi siya iyon, maging si Claire naman ay nararamdaman ang iba kay Grayson kapag hindi ito nagmumukhang masungit.

CLASS A-1: Rise Of The BeastWhere stories live. Discover now