RYLEIGH'S POV
Ayon nga absent ngayon sila Maci, Grayson, Claire, Jane, Naveah, at Rylee dahil sa naganap kahapon. Dapat nga eh hindi rin papasok si Cassidy kaso mapilit, pero may point siya na matatakpan namn ng jacket niya yung sugat niya sa braso.
"Malalim yata iniisip mo?" Biglang tanong sa akin ni Matthew. "Hindi mo na ginalaw iyang pagkain mo, ang dami mo pa namang kinuha."
"Mula kasi kahapon hindi na tayo kinausap ni Ms. Angerys. Tingin mo alam na niya yung nangyari kahapon?" Sinimulan kong himayin ang pagkain ko.
"Too bad pinapasok pa tayo after what happened yesterday. Pero may point parin sila Leilani. Hindi natin kailangang umabsent, para lang sa Class B."
"Malaki rin yata galit mo sa kanila?"
"Base sa kinuwento dati ni Terrence, mayayabang nga sila."
"Hindi naman sila ang inaalala ko ngayon. Si Claire. San okay lang siya, sana gising na siya pagbalik natin." I sighed and pouted. "Cr lang ako." Paalam ko sa kaniya.
Ang hirap makipagsiksikan sa mga tao dito sa canteen, napakarami nila, isa pa, maliit lang ako. Kainis na height ito.
"Bansot!" Bigla nalang may sumigaw ng word na iyon sa gitna ng pakikipag siksikan ko. Si Kris.
Hinila niya ako paalis sa maraming tao at nang marating namin ang wider space ay hinarap niya ako. Ano kayang problema nito? Lakas makatawag ng bansot di naman kami close.
"Bakit mo ako tinawag na bansot!?" Bulalas ko sa kaniya sabay pamaywang.
"I'm sorry, yun kasi ang naririnig kong tawag sayo ng mga kaklase mo." Aniya.
"My name is Ryleigh Evans and don't you dare to call me bansot again! Di tayo close"
"Forgive me Ms. Evans, I just want to ask a question."
"Ano 'yon!?"
"Can you lower down your voice for a second? Bakit ba nakasigaw ka?"
"Badtrip ka eh!" Dinuro ko pa siya sa noo.
"I'm sorry, well...hindi ko yata nakita si Maci this morning. Nasaan siya?" Ah, Maci pala ah.
"Absent siya masakit ang ulo, parang ulo ko lang din, sumasakit dahil kaharap kita!"
"Sorry na nga eh!"
"Hatdog!"
"Pfft! What the heck is with hatdog thing!?" Natawa siya, anong nakakatawa don!? Nyetuh. "By the way. Si Claire absent din? I tried to ask Madeline lately but she just ignored me."
Baka di parin maka get over sa nangyari si Madeline kahapon kaya ganon siya. "Well, to be honest. Na aksidente si Claire at nabagok ang ulo, ang sabi pwede raw siyang magka amnesia once she woke up."
"Do you know her adress? And so as Maci's?" Taranta niyang tanong.
"Ryleigh! Yung pagkain mo!" Sigaw sa akin ni Matthew. Sinulyapan ko pa minsan si Kris bago bumalik sa mesa namin. Wala ako sa posisyon para sabihin ang kinaroroonan nila Maci, wala akong permission ni sir Res.
"Wala na akong ganang kumain." Sabi ko kay Matthew habang nakatitig sa pagkain.
"Bakit? Ano bang sinabi ni Kris? Niyabangan ka niya?"
"Hindi gaya ng ibang tiga Class B si Kris. Mabait siya. Saka wala siyang kinalaman sa pagkain ko."
"Then what did he say?"
YOU ARE READING
CLASS A-1: Rise Of The Beast
FantasyClass A Humans also known as super humans, raised together to be assassins and save lives. They will be challenged by fate and destiny and see how far their limit can reach. They don't know what kind of fate their ability posses.