A MARRIED LIFE CHAPTER 9

205 1 0
                                    

Nehj POV

"Best nehj ok ka lang?? (Tanong ulit ni best shie) 
Kanina pa kasi ako hindi mapakali dahil sa inasal ni jay..
"Ah basta! Wala naman akong ginagawang masama na dapat nya ikagalit. Dapat nga maintindihan nya ako dahil mag isa lang ako dito lagi at hindi naman ako umiinom talaga.

"Ok lang ako best shie.. dont worry... (malamig kung sagot)

**lumipas ang maghapon hanggang sa matapos ang inuman nila.. nagpaalaman na, sumama ako kanila papunta sa labasan dahil susunduin ko na lang si Jay... dinaanan din nila best si Jay para magpaalam at magpasalamat na din...
Sinagot naman ni jay ng "Ok lang at ingat sa pag uwi"

"Nagpaiwan na ako sa pinagtatrabahuan ni Jay at kumaway nalang sa tropa kong papaalis na...  Nakita ko na din na palabas na si Jay na galit ang tingin sa akin.. uuwi na kami...
Pinaandar nya ang motor at umangkas ako...

Mabilis nyang pinaharurot ang motorsiklo at sobrang takot ako dahil baka maaksidente kami...

"Jay, dahan dahan lang please... galit ka ba? (Tanong ko sa kanya)

"Hindi ba halata nehj? Ginawa nyong inuman ang bahay ko! (Pagalit na sagot nya)

"Ha?? Jay, binisita nila ako, parang ang bastos ko naman kung itataboy ko sila. Tyaka kilala mo naman sila ah! (Nangigigil akong sumagot)

Hanggang sa nakarating na kami sa bahay...

"Nehj! Ayokong gawing inuman itong bahay lalo na pag wala ako!
(Galit paring sabi ni jay)

"Jay, diba kapag pinupuntahan ka din ng tropa mo dito ini intertain ko naman sila ng maayos kahit inom kayo ng inom, tapos ako sa kwarto lang nagmomokmok.. nagreklamo ba ako?? (Pasagot kong sabi dahil napakababaw naman ng dahilan ng galit nya)

"Nehj! Kung ok lang sayo ang ganyan bahala ka!! (Jay)

"Sorry kung tinanggap ko sila dito jay! Di ko inaasahang ganyan kalaki ang galit mo! Yaan mo't di na ako magpapapasok dito ng kahit sino! (Sagot ko naman na medyo pikon)

"Dapat lang wag na maulit dahil kung mauulit yan mapapatay kita! (Pabulyaw na sabi ni jay)

"Dahil lang don kaya mo akong patayin jay? (Nagugulat na tanong ko)
Sabay sampal saken ng napakalakas..

"Araay! Jay ano ba? (Malumanay kung sagot dahil sa sakit ng pisngi ko..

"Im sorry nehj, di ko sinasadya.. sorry! Nadala lang ako ng galit.. sorry (sabay yakap saakin)

Umiiyak ako habang kumakain kami... hindi ko inaasahan na ganon kababaw lang sinaktan nya ako...

Ayoko naman magsabi sa pamilya ko dahil pinasok ko to dapat panindigan ko to.. nakakahiya kanila kung mag gigive up ako sa pinili kong buhay..
******

Jay's POV
"Hindi ko inaasahang masasaktan ko si nehj sa ganong bagay lang..alam kong napakababaw pero di ko mapigilan ang sarili ko.. mahal na mahal ko si nehj,
Sinabi kong ayokong lumuha sya ulit pero heto at napaiyak ko sya..
Andito sya sa tabi ko, tulog na tulog habang hinahaplos ko ang kanyang pisngi na masampal ko...
"Im sorry nehj, ayokong mawala ka sakin. Wag mo akong patulan." (Naiiyak kong bulong sa kanya)

*kinaumagan*

Maaga akong nag handa ng breakfast namin, kailangan kong bumawi...

"Bhabe, gising ka na ba? (Hinahaplos ko ang ulo nya dahil alam kong gising na sya di lang bumabangon)

"Ang aga mo naman jay, sige babangon na ako (malumanay na sagot ni nehj)

"Taraaaannnn!! Breakfast na bhabe, (habang tinuturo ko ang lamesa na nakahain na ang breakfast.. first timw ko tong gawin sa kanya dahil sya lagi ang nauunang magluto ng almusal ko at pag gising ko kakain na lang at maliligo, nakaready na din ang damit na isusuot ko at ang mga gamit ko)

"Wow, salamat jay.. tara maupo ka na at sabay na tayong kumain.. (nakangiti nya akong niyaya sa pag upo na para bang wala akong nagawa sa kanya kagabi... nakokonsensya ako)

Natapos kami mag almusan at naligo na ako dahil papasok pa ako,,, nakita kong inihahanda na nya ang isusuot ko...

"Bhabe! Thank you sa pag aasikaso saakin.. patawarin mo ako sa nagawa ko.. I love you bhabe (malambing kong sabi sa kanya sabay halik sa noo nya...)

"Sige na jay bilisan mo na at malelate ka na (nakangiti nyang sabi sabay kiss sa pisngi ko)

*******
Someone's POV

Lumipas ulit ang ilang buwan na sobrang sweet nanaman si jay kay nehj....

Ngunit ngayong mga huling linggo ay laging nandito ang tropa nya at nag iinuman sila, minsan din ka bonding na din nila ang tropa nI nehj...

*******
Nehj POV

"Gabing gabi na hindi parin sila tapos uminom.. siguro naman sa sunod sunod nilang inom pwede na din ako magreklamo. Asawa ako at pwede naman ako mag complain.

"Jay, lasing ka na, tama na yan. Matulog ka na (malumanay kong sabi)

"Nehj! Nag eenjoy pa ako ah! Wag kang Killjoy!! (Sabay hawak sa buhok ko na medyo sabunot)

"Araay jay nasasaktan ako... pinagsasabihan lang naman kita kasi may pasok ka pa bukas (sabi ko habang hawak nya ang buhok ko)

"Dyan ka lang sa kwarto! Makikita mo mamaya! (Galit na sagot ni jay)

"Habang nkaupo ako sa kama ay iniisip ko kong bakit sa napaka babaw na dahilan  ay nagagawa nya akong saktan... anong nangyayari?? (Kinakabahan ako para mamaya dahil sa sinabi nya)

***natapos ang inuman***

Nagsi'uwian na ang tropa ...
"Nehj! Halika nga dito! (Sabay hawak ng napakahigpit sa braso ko dahil nagliligpit sana ako ng kanilang pinag inuman"

"Araay jay nasasaktan ako. Tama na,,, (malumanay kong sabi)

"Makakatikim ka saken ngayon!
Plakk! Plakk! Plaakk! Boogs! Boogs!! (Madaming sampal at suntok ang inabot ko)

"Hanggang sa nakatulog na sya dahil sa kalasingan pakatapos nya akong saktan... nagkaroon ako ng pasa sa mukha at katawan...

***kinaumagahan***
Habang naghahanda ako ng agahan.....

***ooopsss. To be continued po***

Follow me on wattpad "jennethyhen28"
Kaya kayo dyan mga kabataang gusto ng mag asawa.. wag po padalos dalos....
Abangan po ang susunod na chapter..

A married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon