Jay,s POV
Please dont say NO.
Yan ang last message ko kay cute girl o nehj... gusto ko makilala ang babaeng to...
Sana naman magreply sya ng YEs.
after a minute naka receive ako ng txt message galing sa kanya.
Nehj:
Pag iisipan ko muna. Di kasi ako pinapayagan lumabas ng gabi. Estrikto ang parents ko.
Jay:
Gusto mo sunduin kita?
Nehj:
Wag na. Text nalang kita pag pinayagan ako.
"Yan nga ang convo namin about sa pag invite ko sakanya bukas... madami pa kaming text text. Madami ako naitanong about sa personal info.nya..
Nalaman ko na 23 years old na pala sya pero mukhang 16 lang ang mukha nya.
Nalaman ko din na Graduate na sya ng College at kung saan saan na din nakapag trabaho.
Hindi lang daw talaga sya nag tatagal sa malayo kasi namimiss nya agad ang mama nya.
"Naku! Tama na nga tong kakaisip ko sakanya.
Makikipag inuman muna ako sa tropa ko...
Matawagan nga c eric.
"Hello bro! Punta ako dyan sainyo. Laklak tayo bro! Hahaha
Nag agree naman ang tropa ko..
****Habang nasa inuman***
Jay:
Bro, may kilala ka bang nehj dyan sa brgy nyo?
Eric:
Nehj villa fuentes ba bro?!
Jay:
Oo bro sya nga. Ang cute ng babaeng yon dba bro?
Eric:
Oo bro maganda sya. Kaya lang bro may anak na yon! Gusto mo bang maging step father? "Sabay tawanan ng tropa"
Jay:
Pano nyo nasabi bro? Bakit hindi halatang may anak na sya?
Eric:
Naku bro! Itigil mo na yan. Lagi namin nakikita yon sa may simbahan kasama ang anak nya. Lalaki ang anak nya bro. Mga 5 yrs old na siguro yon. Parang single mom sya bro.
Jay:
Sayang bro. Gusto ko pa naman sana ligawan..
Jay's POV
"Sobrang gulat ko ng sabihin ni eric na may anak na yong cute girl na yon.
Hmmm... pero pwede na rin.. pwede ng palipas oras...
Nagulat naman ako na tumunog ang cellphone ko.
Message from nehj:
"Hi! Yes ang sagot ko sa pag invite mo para bukas.
Reply ni jhay:
"Talaga? Sige susunduin kita sa unang kanto galing sa bahay nyo. Ayaw mo kasi mgpa sundo sainyo eh.
Reply ni nehj:
"Ok. Mga 6pm kita tayo don.
Nehj POV
"Its almost 5:50 naglalakad na ako papunta sa kanto para makipag kita kay jay.
Ilang metro na lang ang lapit ko sa kanto ng makita ko si jay na nakatayo habang may kausap sa phone. Hanggang sa hindi nya napapansing nsa likod na nya ako.
"Ano ba gie? Bahala ka nga sa buhay mo!
Yan ang narinig ko na sinabi nya sa kausap sa phone sabay end ng tawag.
Nagulat si jhay ng makita ako paglingon nya.
"Nehj! Kanina ka pa jan? Narinig mo ba? (Jay)
"Ah, kakadating ko lang. May problema ba? Tanong ko sakanya.
"Ah wala naman. So, pano, tara na? (Jay)
Naglakad kami papunta sa bahay nila. Malapit lang naman pala.
BINABASA MO ANG
A married Life
RandomIto ay story ng dalawang taong pumasok sa buhay ng pag aasawa ng biglaan at hindi pinag iisipan. Madaming naranasang hindi maganda sa patuloy na pag daan ng panahon. Isang aral din ang matututunan ng mga couple na nais ng pumasok sa buhay may asawa...
