A MARRIED LIFE CHAPTER 17

171 2 0
                                    

Jays POV
"Nag aalala ako dahil hindi ko sinagot ang tawag ng asawa ko.. isinama ko si chiklet sa birthday ng barkada at pinakilala kong asawa ko dahil hindi pa nila nakikita si nehj..
Ang inisip ko sanay hindi nila sinabi kay nehj na may kasama ako. Alam kong nagulat din sila dahil tumawag kanila si nehj.
Habang pauwi kami, nasa loob ng sidecar ng tricycle si chiklet at nasa likod ko naman ang kaibigan kong si Rodel..
Nasa kalagitnaan pa lang kami ng byahe dahil mga 30 min. Din ang layo pauwi ng nagulat ako nang biglang Pumara si Nehj na pumagitna pa para ihinto ko ang tricycle...halos mawalan ng kulay ang Labi ko sa nakita ko.

"Jay! Ito ba ang kabet mong feeling maganda ha? Ito ba??? (Galit na galit si nehj na pumasok sa sidecar at dinuro duro sa noo si chiklet! )

"Ah, b'bhabe, a'anong p'pnagsasabi mo? (Kinakabahang sagot ko)

"Tarantado ka Jay! Ito ba ang ipinagmamalaki mo ha? Itong mukhang baklang to??? (Galit paring nakadikit ang hintuturo nya sa noo ni chiklet at inaalog alog) 'maliit lang si nehj, pero hindi sya natakot kay chiklet na malaking babae at halatang batak sa trabaho bilang kasambahay'

"Nehj, tumigil ka na! Nakakahiya na! (Saway ko kay nehj na hindi ko malaman ang sasabihin ko, Buti na lang biglang sumingit si Rodel na nagmamasid lang sa likod ko. Nakita nyang hahatakin na ni nehj si chiklet para ihulog sa umaandar na tricycle.
"Ate nehj, tama na, girlfriend ko yang kasama namin... (biglang napahinto si nehj dahil nabigla)

"Totoo ba ang sinasabi ni rodel? (Tanong ni nehj sa babae)

"Ah, eh, o'opo ate. Sino po bang sinasabi mo? (Mala anghel na sabi ni chiklet na ikinabigla parin ni nehj)

"Ahm.. pasensya na miss ha. Napagkamalan pa kita! Rodel kasi bakit ngayon mo lang sinabi??!(baling ni nehj kay rodel)

"Huminahon naman si nehj. Alam kong sa bahay ako nito raratratin..

Nag bumaba na sila rodel at chiklet ay humingi ng pasensya si nehj kela rodel... walang kaalam si nehj na si chiklet ang kasama namin.

:::Habang pauwi ng bahay...:::
"JAY! SINong kasama mo don na pinakilala mong asawa mo??! Kung ayaw mo na saken sabihin mo na! Gusto ko na din sumuko! Ok lang saken na saktan mo ako lagi ng pisikal pero ang ganito???di ko na maaatim to! (Mahabang sabi ni nehj)

"Bhabe, wag ka naman ganyan. Ang sinasabi nila yong nakilala namin sa dagat, biniro biro ko lang naman sila. Alam nilang may asawa na ako bhabe.. maniwala ka.. wag mo naman akong isuko. Please (nagmamakaawa na din ako. Hindi ko gustong makatuluyan si chiklet dahil adik sa droga yon at pabayang ina sa mga anak at lalakero. Ginawa ko lang naman syang palipas oras ngayon.)

"Jay! Malalaman ko din ang totoo! Wag ka mag alala! (May pagbabantang sabi ni nehj.)

"Kinaumagahan, ok na kami.. nilalambing ko na ulit sya.. niyayakap ko sya habang nag F'facebook sya...

"Jay, maglaro ka na lang nga ng cp mo. Wag mo ako guluhin! (Tumigil naman ako sa pagyakap at naglaro na lang)

"Jay! Tignan mo to... diba itong nasa picture ang g.f ni rodel na sakay mo sa tricycle ng inabutan ko kayo? (Bigla akong nagulat ng makita ko ang picture ni chiklet at lalong ikinagulat ko ng facebook ko pala ang nakabukas sa account nya.. may convo kami ni chiklet don na di ko nabura)

"Ahm.. bhabe .. hayaan mo na sila.. (kinakabahan kong sabi)

"Hmmmm... Jay, malapit ko ng malaman ang sekreto mo.. alam mo jay, mas mapapatawad kita kong aamin ka saakin ng mga kalokohan mo.. dahil kapag naunahan kita sa pag iimbistiga ko wala ka nang babalikan saken jay..! (Makahulugang sabi ni nehj)

"LUMipas ang 1 araw na halos pinag isipan ko kung aaminin ko ba. Baka kasi mawala ang mag ina ko kapag pinatagal ko pa... minsan lang magsalita si nehj ng ganoon... Promise sasabihin ko na mamaya bago kami matulog..
**********

Nehj POV
"Kumukulo ang dugo ko sa nabasa kong convo ni chiklet at jay. Na open ko kasi ang fb ni jay
..
**CoNvO***
"Jay, first time mangyari saakin na nahuli ng legal wife. Salamat nalang kay rodel at na save ako  (Chiklet)

"Naku mahal, di ko expected na ganon pala katapang ang asawa ko. Hahaha (jay)

"Nanginig ang buong katawan ko sa eksena. Pero infairnes ha maganda naman pala ang asawa mo. Maliit lang talaga sya. Hahaha (chiklet)

"Pero mahal na mahal ko ang asawa ko chiklet. Ayokong mawala sya. (Jay)

"Bakit mo sya niloloko kong mahal mo? (Chiklet)

"Dala ng problema lang mahal... gipit kasi kami. At hindi ko kaya mag handle ng problema pag grabe na. (Jay)

"Eh bakit nagttyaga ka pa? Hiwalayan mo na! Andito naman ako. Iingatan kita. Promise. (Chiklet)

"Hindi chiklet, hindi ko kayang mawala sila ng anak ko.. at hindi talaga pwede maging tayo habang buhay.. aminin na nating palipas oras lang natin ang bawat isa.. (jay)

"Well, kung yan ang gusto mo. Mas mabuti pang itigil na natin to dahil delikado ang buhay ko sa asawa mo. Baka kasuhan pa ako non. Legal wife yon! (Chiklet)

"Mahal.. wag naman... gusto ko din na nakakasama ka... (jay)

"Ewan ko sayo jay. Ayokong masangkot.. (chiklet)
""End of convo":"

"Bibigyan ko ng palugit si jay. Kapag inamin nya saakin ang lahat hanggang mamayang gabi  patatawarin ko pa sya. Pero kapag hindi.. hihiwalayan ko na sya...

***Dumating ang gabi at magkatabi sila sa higaan, nasa kabilang kama naman si yesha.***

To be continued...
Aamin kaya si jay? O maghihiwalay sila??

A married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon